Chapter 5

4K 124 18
                                    

[Marc's POV]

Napamulat ako ng mata ko, matapos ko maramdaman ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napamulat ako ng mata ko, matapos ko maramdaman ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

"Umaga na pala." Bulong ko sa aking sarili. Tumayo na ako at nag-unat ng katawan. Uhmm.. Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko.

Teka parang may kulang? Nasaan si Ranz at Kisha?

Agad akong naglakad palabas at nakita ko din agad sila. Natutulog si Ranz, sa damo nang nakaupo habang nakasandal yung ulo niya sa Bus. Samantalang si Kisha naman nakasandal sa braso ni Ranz, habang tulog din.

Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng galit.

Ano ba tong nararamdaman ko? Parang may pumipigil sakin para huminga.

Minabuti ko na lang pumasok ng Bus. Saktong nakasalubong ko si Angela, na kakagising lang din.

"Nasaan sila Kisha?" tanong nito, habang kinukusot pa yung mata niya.

"Nasa labas natutulog." sabi ko at nilagpasan na siya.

Nakita ko sa peripheral vision na bumaba si Angela palabas ng bus. Habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko, biglang may humawak sa braso ko dahilan para ako ay mahinto sa paglalakad.

"Nagseselos ka no?" tanong ni Niel, habang may ngiting nakakaloko.

"Huh?" sagot ko na naguguluhan sa tanong niya, kahit alam ko ang tinutukoy niya.

"Wala. Wala..." aniya at binitawan na yung braso ko. Dumiretso na lang ako sa upuan ko.

Ilang sandali lang ay pumasok na din sila Kisha, nagpunta sa upuan nila at umupo.

Naramdaman ko, yung pagbuhay ni Niel sa makina ng Bus.

"Saan na tayo ngayon?" tanong ni Niel, habang minamaneobra yung Bus palabas ng bakanteng lote.

Bigla naman kami tumigil at namatay yung makina ng Bus.

"Mukhang hindi ko na kailangan pang tanungin, dahil wala na tayong gas." sabi ni Niel at napatayo sa kinauupuan niya habang napapakamot sa ulo niya.

"Saan ba may malapit na gasolinahan dito?" tanong ni Johnrey.

Napaisip naman si Niel. Kahit kami ay ganon din. Nagiisip kung saan nga ba.

"Meron akong nadaanan na Gas Station pero malayo yun, kung tatansyahin ko, Hindi siya kayang lakarin dahil delikado." sabi naman ni Niel.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon