[Marc's POV]
Ano ba yung sinasabi nilang totoo? Yung nararamdaman ko ba? Kahit ako minsan di ko na rin maintindihan sarili ko. Na sana hindi na lang ako nagkagusto. Nagkagusto nga ba ako? Nakakagulo haiyst...
habang naglalakad ako papunta sa silid namin. Nakita ko si Kisha, naglalakad papunta sa direksiyon ko.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan niya ako. napatigil naman ako sa paglalakad at lumingon naman ako sa likuran ko.
Kakausapin ko ba siya o hindi??? Bahala na nga.
"Uhm. Kisha?" pagtawag ko dito.
Napatigil naman ito sa paglalakad at humarap sakin. "Bakit?" tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko dito. Nagulat naman siya sa tanong ko pero nabawi din agad ang gulat niya at mabagal na tumango.
"Uhm. Pwede ba doon tayo sa inner garden?" tanong ko. Tumango lang siya.
Sabay kaming naglalakad ngayon papuntang inner garden.
Pagpasok namin ng inner garden wala naman akong nakitang tao. Kaya't naman umupo na ako sa bench at umupo din siya sa tabi ko.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin.
Napatingin naman ako sakaniya. Nakatingin lang siya sa malayo at tila inaantay ang sasabihin ko.
Humarap naman siya sa akin. Agad naman akong nagiwas ng tingin. Paano ko ba sasabihin to sakaniya?
"Sasabihin ang alin?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Mukhang narinig niya pa yung nasa isip ko.
Napaface palm naman ako. "Ano ba gusto mo sa isang lalaki?" tanong ko sakaniya. Na siyang ikinagulat niya. Nagkibit-balikat lang siya.
"Kung sabihin ko sayong may gusto ako, may pag-asa ba ako?" hindi ko alam saan ko hinugot ang lakas ko para lang itanong yan.
Umayos naman siya ng sandal sa bench at tumingin sa langit. "May gusto na akong iba Marc, sorry." tila ba nagpira-piraso ang buong katauhan ko ng marinig ko ang salitang yun.
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin. Naramdaman ko na lang tumutulo na yung nangingilid kong luha.
"I'm s-sorry. M-marc, sorry.." pansin ko naman sa salita niya na naluluha din siya.
"Bakit sino ba yang mahal mo si Ranz ba? Sabihin mo!" hindi ko na napigilan pang sumigaw.
Umiling naman siya. "H-hindi siya Marc, hindi..." rinig kong sagot niya.
Pinunasan ko naman yung bakas ng luha ko sa mukha ko at hinarap siya. "Kung sinoman yang nasa puso mo. Pipilitin kong baguhin ang nilalaman niyan." sabi ko na nakangiti sakaniya.
Pinunasan ko naman yung mukha niya gamit ang palad ko. "Huwag kang mag-alala. Wala akong pakielam kung umasaman ako sa wala. Basta ginawa ko ang lahat ng makakaya ko." Determinado kong sambit.
Inaya ko na siyang bumalik sa kaniya-kaniya naming silid.
Lihim naman akong napapasulyap sakaniya.
Hinding hindi ako susuko Kisha, hangga't may pag-asa pa ako gagawin ko ang lahat-lahat ng pwede kong gawin makuha ko lang puso mo.
Nasa tapat na kami ng silid nila. Pagbukas niya ng pintuan agad ko siyang hinawakan sa braso. Napatingin naman siya sa akin na tila ba nagtatanong kung bakit.
"Goodnight." sabi ko at tumango lang siya at sinarado na ang pinto.
Naglakad naman na ako patungo sa silid namin.
"Oh Marc, ba't tila masaya ka ngayon?" napatingin naman ako sa nagsalita si Rhaniel lang pala.
"Wala to." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Naka Marc, hindi mo ako maloloko. Sino naman yang kinasasaya mo?" Napakunot naman ako ng noo sa tanong niya.
"Hindi ba pwedeng Ano muna?" tanong ko dito at ngumiti lang ito ng nakakaloko.
"Dahil ba kay Kisha yan?" Napatigil naman ako sa paglalakad at maging siya pumunta naman siya sa harapan ko.
"Ano tama---" nanalaki naman yung mata ni Rhaniel habang nakatingin sa likuran ko. Kaya naman napatingin din ako.
"Oh Ranz, nandiyan ka pala. Tara punta tayong cafeteria." pag-aya ni Rhaniel kay Ranz at inakbayan ito papunta sa cafeteria.
Napailing na lang ako. Loko-loko talaga si Rhaniel.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa silid namin.
Pagpasok ko ng silid nakita ko si Niel, Johnrey at maging si Andrei ay mahimbing ng natutulog.
Naglakad na ako papunta sa kama ko at humiga.
Sana dumating yung araw na ako ang pipiliin ni Mo. Sana...
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...