Chapter 55

1.1K 35 0
                                    

[Third person's POV]

"Naibalik na nila sa dati ang lahat." sabi ng binata at umupo sa harapan ng upuan ng lamesa ni doc.

"Wala akong pakielam kung maibalik man nila sa dati ang lahat! Bata!" Sabi ni Doc. Na wala lang sakaniya kung naibalik man sa dati. May pagkainsulto naman na naramdaman ang binata ng tawagin siyang bati nito.

"Pano na ang plano niyo? Diba balak niyong sakupin ang bansa natin?" tanong ng binata na halata sa boses nito na nawawalan na ng gana.

"Oo alam ko! Pero iibahin natin yan bata. Imbis na ang bansa natin bakit hindi tayo magtungo sa ibang bansa! Whaaahaha" napapaisip ang binata kung nasa tuliro pa bang pa-iisip ang doctor na kausap niya.

"Kung ganun ipapahanda ko na doc sa mga kasama ko ang gamit nila." sabi ng binata at tumayo mula sa pagkakaupo niya.

"Oo tama! Ayoko ng tatanga-tanga bata ah. Baka maihampas ko sayo ang tungkod ko! Kaya ayusin mo mabuti yan!" gusto man sagutin ng binata ang doctor dahil na rin sa hindi magandang inaasal nito. Wala siyang magawa kundi ang sundin ang kagustuhan nito. Dahil buhay at pamilya ng binata ang nakasalalay dito.

"Kailan po tayo lilipad ng ibang bansa?"

"Gusto ko bukas na bukas din ora mismo!" nagulat naman yung binata ng marinig niya iyon. Dahil napakaimposible ng gusto ng doctor.

"Sige." sabi niya kahit na hindi siya sang-ayon sa kagustuhan ng doctor. Lumabas na siya ng opisina ng doctor at nagpunta siya sa mga kasama niya para  ibinalita na aalis na sila kinabukasan. Ipinahanda niya na din ang eroplano na kanilang gagamitin sa kanilang paglipad patungo sa ibang bansa.

Nagtungo siya sa silid niya at umupo sa kama niya. Napapaisip ang binata "kung bakit ba naman kasi sumangayon pa ako sa kagustuhan ng doctor na iyon. Nagkaroon tuloy kami ng kasulatan na walang sinoman sa aming dalawa ang maaaring lumabag dito. Nakakainis!" sabi ng binata sa sarili niya at binato ang gamit na nakuha niya malapit sakaniya pinagbabato ito kung saan-saan.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon