Chapter 37

1K 37 3
                                    

[Kisha's POV]

Natatanaw ko na ang Hospital kahit malayo pa ito sa amin. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit ito tila nasusunog. Anong nangyayare?

May mga ilan na tumakbo papunta sa amin.

"Tulong!" sigaw ng mga taong lumalapit sa amin.

"Anong nangyayare?" tanong ko. Pero tila wala itong narinig at nagtatakbo palayo ng hospital.

"Ranz!" napatingin naman ako sa sumigaw. Si Johnrey akay-akay si Shiela.

"Anong nangyayare sa loob?" tanong ni Ranz ng makalapit siya sa kinaroroonan nila Johnrey.

Napatingin naman ako sa katabi ko pero nawala na ito. Hinanap ko naman kung saan nagpunta at nakita ko din agad si Niel inaalalayan si Angela palabas ng hospital.

Bumaba naman ako ng sasakyan at mukhang baba-ba din si Rhaniel pero pinigilan ko na. "Diyan ka na lang bantayan mo si Tasha." tumango naman siya.

Nagpunta ako sa kinaroroonan nila Johnrey.

"Bakit ngayon pa!?" rinig kong inis na sabi ni Ranz.

"Teka ano ba kasi nangyayare sa loob?" tanong ko. Tumingin naman sa akin si Ranz.

"May baril ka ba?" tanong ni Ranz tumango naman ako kahit naguguluhan.

"Peram muna." sabi niya agad ko naman binunot sa pantalon ko yung baril at inabot sakaniya. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumakbo papasok ng nasusunog na hospital.

"Bakit naman pumasok yun?" tanong ko kila Shiela.

"Si J-jinghin n-nasa loob." hirap na hirap na sagot ni Shiela mukhang nakarami yata siya ng langhap na usok.

Agad naman akong pumunta ng sasakyan at kinuha ang rifle na nasa loob ng compartment. "Hoy Kisha saan ka pupunta?" rinig kong sigaw ni Marc pero tumakbo na lang ako papunta sa loob ng hospital.

Napapaubo na ako sa sobrang kapal ng usok may kaunti pa din akong naaaninag kahit na ba sobrang kapal ng usok na sa loob nito.

Nasaan ba sila?

Nakailang silip din ako sa bawat kwarto at puro usok lang ang nakikita ko.

Tumigil naman ako sa tapat ng opisina ni Dr. Claveria at binuksan ito at sumilip.

"Then kill me now. I don't care if we die together." rinig kong sabi ni Ranz hindi ko naman maaninag kung nasaan siya.

"Your look like your dad. You and your dad are both bullshits!" sabi ni Jinghin. Hindi ko alam kung nasaan sila banda dahil na rin sa usok sa paligid.

"Shut up! Andami mo pang satsat bakit hindi mo na lang ako patayin!?" Tumawa naman bigla si Jinghin.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon