Chapter 9

2.6K 99 9
                                    

[Shiela's POV]

Isang putok ng baril ang narinig naming lahat.

Nagulat na lamang kami ng biglang bumagsak si Ranz sa lupa. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakita kong tumakbo na sila Johnrey papunta kay Ranz kaya naman tumakbo na rin ako.

Habang papalapit ako naririnig kong umiiyak na sila. Hindi ko na rin mapigilan ang mapaluha sa mga nangyayari.

"RANZ!!!" mga sigaw nila.

Patuloy lang kami sa pagiyak. May ilan na pinipilit gisingin si Ranz.

Napatigil ako sa pagiyak ng may maramdaman akong napakalakas na hangin.

"Hello! Wala ba kayong kagat!?" Napatingin naman ako sa nagsalita, nasa isang helicopter siya at nakasuot ng pansundalo.

"Wala! Tulungan niyo! Kami! May nabaril dito!" Sigaw ni Johnrey.

Agad naman sumenyas yung sundalo na maghintay lang kami.

May bumaba na dalawang sundalo. Gamit yung hagdan na gawa sa tali. lumapit naman yung sundalo sa amin.

"I'm Sheron. I'll take care of him." sabi nung sundalo na matangkad at lumapit na sa nakahigang si Ranz.

"He's still breathing. We need to bring him immediately to the camp." Sabi ni Sheron at nagpatulong sa kasama niya para buhatin si Ranz.

"Guys, sasamahan ko na lang kayo papunta sa camp. Kailangan na kase ng kasama niyo na malagyan ng dugo kaya papaunahin na namin siya sa camp." Napatango na lang kaming lahat.

Naidala na nila si Ranz sa helicopter at bumaba ulit yung kasama ni Sheron.

Sumakay naman kami sa Bus namin si Niel ang nagdrive nito samantala nasa tabi naman niya yung sundalo para ituro kung saan kami dadaan.

Ilang sandali lang narating na namin yung camp nila.

Puro tent ang makikita dito. Halos lahat ng nakikita kong tao dito ay nakasuot ng pansundalo.

Bumaba na kami sa bus at naglakad na kami papunta sa camp.

Napatigil kami sa paglalakad ng tumigil yung sundalo na kasama namin na nasa harapan.

"Guys, ako nga pala si Paolo at tsaka hindi kami lahat sundalo dito ah. Iilan lang." sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Shiela, may masama akong pakiramdam dito." bulong ni Angela ng makalapit sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" naguluhan naman ako sa sinabi niya. Nagkibit-balikat na lang siya.

Siguro ibig niyang sabihin na may masamang mangyayari sa pagstay namin dito sa camp. Pero sana naman wala.

Habang papasok kami may mga nakakasalubong kaming mga taong nakasuot ng pansundalo.

"I'm glad. All of you get here safe. Your friend is now in stable condition, but he is still resting or easier for all of you to understand he is in the state of comatose." Napatingin naman kami sa nagsalita. Si Sheron.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon