[Rhaniel's POV]
Habang nasa byahe kami. Hindi ko mapigilan hindi isipin si Tasha. Bakit pa kase sakaniya nangyare iyon. Sana ako na lang! Sana sa akin na lang nangyare yun. Ako na lang sana yung zombie ngayon at hindi siya...
"Oh, pre." Napatingin ako kay Marc nasa tabi ko. Inaabot niya yung panyo niya sa akin.
Kinuha ko ito. "Salamat pre." pinunasan ko yung mga luha kong nasa pisngi ko na. Hindi ko na malayan na umiiyak na pala ako.
"Alam kong mahirap tanggapin para sayo na wala na siya, pero sana naman tanggapin mo na hindi na pwedeng ibalik sa dati ang lahat" Sabi niya habang nakatingin sa daan.
Sana ganoon kadali. Sana maging masaya ako para sakaniya pero hindi! Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko talaga kayang kalimutan siya...
Napansin ko yung pagdidilim ng paligid mukhang papalubog na yung araw.
May narinig akong mga ungol ng hayop at mga paggalaw sa paligid. Nakaramdam ako ng panganib.
Mas kinatakot ko ng biglang tumigil yung kotse na sinasakyan namin.
"Anyare!?" tanong ko. Dahil pakiramdam ko may masamang mangyayare talaga.
"Hindi ko din alam." sabi ni Marc habang pilit na binubuhay yung makina. Nakailang ulit siya ng pagbuhay sa makina pero wala pa din.
"Wait nga." Sabi ko at bumaba ng sasakyan.
Naglakad ako papunta sa harap ng sasakyan at binuksan yung takip ng makina. Bumungad naman sa akin yung makapal na usok.
"Over heat!" sabi ko kay Marc. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad papunta sa pwesto ko.
"Malas naman oh!" Inis niyang sabi. Napailing na lang ako habang patuloy ang paglabas ng makapal na usok sa makina.
"Mukhang dito tayo magpapalipas ng gabi." sabi ko. Nilibot ng ko ng paningin ang buong paligid. Gustohin ko man matakot dahil sa sobrang dilim at sa mga naririnig pa naming paggalaw sa paligid pati na rin ang mga ungol ng hayop, pero hindi pwede. Dahil buhay ang nakataya dito sa bawat maling galaw namin.
"Hindi tayo pwedeng magpalipas ng gabi sa labas. Dahil napakadelikado." pagtutol ni Marc. Tama nga naman siya, pero saan naman kami magpapalipas ng gabi?
Napatigil kami sa pagkilos ng makarinig kami ng mga yapak ng mga paa papunta sa direksiyon namin.
"Takbo!" sigaw ni Marc na tumakbo na. Pagtingin ko sa likuran namin. May mga kumpol-kumpol ng zombie na tumatakbo papunta sa direksiyon namin. Kaya naman napatakbo na din ako.
Sinusundan ko lang si Marc. Pumasok kami sa eskinita. Bumabagal na din yung takbo ko, dahil sa pagod.
Napatigil ako sa pagtakbo ng may sumulpot na isang zombie. Agad ko naman binunot yung baril ko at balak sanang paputukan yung zombie na nasa harap ko ng biglang may humatak sa akin. Napapikit ako mata ko dahil sa pagkabigla.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...