[Shiela's POV]
"Shiela, pakiabot naman yang test tube na kulay blue." utos sa akin ni Dr. Jayr. Agad ko naman kinuha at inabot kay Dr. Jayr.
Nandito kami ngayon sa silid na ginawang laboratory dahil sa mga paraphernalia na nasa lamesa.
"Val, pakibuksan naman yung kalan." utos naman ni Dr. Jayr.
Nakatingin lang ako kay Dr. Jayr habang maingat niya pinaghahalo-halo ang lahat ng kemikal.
Naramdaman ko naman na may pumulupot sa bewang ko. Pagtingin ko kung sino si Johnrey lang pala.
"Doc, eto na yung pinapakuha niyo sa amin." napatigin naman kami ni Johnrey sa nagsalita.
Nanlaki naman yung mata ko ng makita ko yung dala-dala nila Ranz at Rhaniel na hayop. Isa itong aso na nakakulong sa kulungan at kitang-kita ang mga kagat nito sa iba't ibang parte ng katawan.
"Pre, ano yan?" tanong ni Johnrey, kila Ranz at Rhaniel.
"Example speciment para sa gamot na yan." sabi ni Rhaniel na tinutukoy yung gamot na ginagawa ni Dr. Jayr.
Nagugulat naman ako sa tuwing nagwawala yung aso sa loob ng kulungan.
Matapos ang paghalo na ginawa ni Dr. Jayr. Isinalin niya na ito sa injection.
"Uhm. Ranz, Rhaniel at Johnrey tulungan niyo ako. Hawakan niyo mabuti yung aso at huwag na huwag kayo papakagat ah." tumango lang yung tatlo at sinunod ang utos ni Doc.
Inilabas na nila Johnrey at Rhaniel yung aso samantala naman si Ranz nakaabang para takpan yung bibig ng aso.
Nakakatakot yung lakas na pinapakita ng aso. "Hawakan niyo ng mabuti!" sigaw ni Dr. Jayr.
Nakatingin lang kami ni Valerie sa kanilang apat.
Nakita kong pumuwesto na si Dr. Jayr para turukan yung aso. Mas lalo namang nagwawala yung aso habang hawak-hawak ito nung tatlo.
Matapos turukan ni Dr. Jayr naging kalmado na yung aso at binalik na ito ng tatlo sa loob ng kulungan.
"Salamat sa tulong niyo. Bukas ko na masasabi kung naging maganda ba ang resulta nito."
Sabay-sabay na kaming nagsilabasan ng silid.
"Sa tingin niyo malapit ng bumalik sa dati ang lahat?" tanong ni Rhaniel habang naglalakad kami.
"Hindi na mababalik sa dati ang lahat. Kung dumating man ang araw na matapos ito... Maaaring wala na ang mahal natin sa buhay." seryosong sabi ni Ranz.
Alam naman namin na may pinagdadaanan siya lalo na't wala na ang magulang niya at maging ang nag-iisa niyang kapatid ay nawala na din.
Malaking pagbabago ang nakikita ko kay Ranz simula ng magkakaklase kami. Isang snobbero at tahimik lang ang pagkakakilala ko diyan. Sa bawat klase namin ay hindi ko yan naririnig magsalita. Pero ngayon? Siya ang naging pinuno namin.
Kung ako nga tatanungin eh. Buhay pa kaya ang mga magulang ko? Kasama din kaya nila ang kapatid ko? Sana talaga buha---
"Wahhh!!" napapikit ako ng mata ko ng matapilok ako dahilan para maout of balance ako.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." napadilat naman ako ng marinig ko yun dahil naramdaman ko na lang na may brasong nakayakap na sa akin dahilan para di ako mahulog.
"Pre, may langgam!" napahiwalay naman sa akin si Johnrey at hinanap yung langgam.
"Nasaan?!" tanong nito.
"Ang sweet niyo kasi! Nilalanggam na kayo!" natawa na lang ako sa sagot ni Rhaniel at maging si Ranz ay natatawa na lang din.
Napatingin naman ako kay Johnrey. Kita ko sa mukha niya ang pamumula niya.
"Ba't ka namumula?" rinig kong tanong ni Ranz kay Johnrey na tila nang-aasar pa.
"Hoy anong namumula! Hindi ah!" pagtanggi ni Johnrey habang tinatakpan yung pisngi niya gamit ang palad niya.
"Naka Johnrey huwag kami ah. Huwag kami." sabi naman ni Rhaniel. Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.
"Hoy Ranz, Rhaniel andiyan lang pala kayo!" napatingin naman kaming apat sa nagsalita. Si Clars lang pala na hingal na hingal.
Tila ba nagdilim paningin ko. Nang makita ko yang babae na yan.
"Bakit ano yun?" tanong ni Rhaniel.
"Hindi ko rin alam basta inutusan lang ako ni Yna na tawagin kayong dalawa eh." sabi nito. Sinamaan ko lang ito ng tingin.
"Ah sige-sige papunta na kami kamo." sagot ni Rhaniel. hindi ko pa rin inaalis yung tingin dito.
"Ano tinitingin mo diyan? Bakit nagagandahan ka na sakin?" mataray na sabi nito at nilugay pa ang buhok na akala mo naman maganda talaga.
"Sa tingin mo maganda ka na? Eh yang mukha mo mukha ng paa!" sabi ko dito at inirapan ito. Pansin ko naman na nanlisik yung mata nito.
"Ikaw babae ka!" sigaw nito at naglakad palapit sa akin. Ginalaw niya na ang braso niya tila sasampalin ako. Napapikit naman ako dahil sa pagkabigla. Pero ilang oras na ang nakalipas wala man lang ako naramdaman na dumamping palad sa mukha ko. Pagdilat ko nakita ko yung braso ni Johnrey nakaharang sa kamay na ipansasampal sana sa akin ni Clars.
"Subukan mong idampi yang palad mo sa mukha niya! Hindi ako magdadalawang isip na patulan ka kahit na babae ka pa!" napaatras naman ako ng kaunti. Kahit ako natatakot ako sa inasta ni Johnrey.
Inirapan lang ni Clars si Johnrey at naglakad na ito palayo.
"Sige Pre, Shiela, alis na kami ni Ranz." pagpaalam naman ni Rhaniel. Tamango lang kami ni Johnrey.
Naglakad naman na sila palayo. Hinarap ko naman si Johnrey. "Grabi ka kanina ah." sabi ko dito.
"Ganyan ba magsabi ng thankyou?" seryosong tanong nito. Oo na.. Ikaw naman kasi Shiela eh...
"Salamat." nakita ko naman na ngumiti ito.
"Tara na nga." sabi nito habang nakangisi.
"Ano naman nginingisi mo diyan." tanong ko dito.
"Wala... Tara na nga." sabi nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...