Chapter 44

1K 36 0
                                    

[Johnrey's POV]

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon ni Shiela sa bench sa terrace.

"Sa tingin mo dahil nga gamot kaya hindi makaalala si Tasha?" tanong sa akin ni Shiela habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Sinabi naman ni Valerie diba na may marka siya ng sugat sa ulo niya? Malay natin baka dahil doon kaya siya hindi makaalala." sagot ko.

"Sabagay may punto ka." sabi naman ni Shiela habang tumatango-tango.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at isinandal ko ang ulo ko sa ulo niyang nakasandal sa balikat ko.

"Pakiramdam ko malapit na itong matapos." sabi ko sakaniya.

"Paano mo naman nasabi?" tanong niya sakin.

"Uhmm. Dahil wala na si Dr. Jinghin." sabi ko sakaniya.

"Sana nga. Ayoko na din kasing makakita ng dugo sa kung saan-saan." rinig kong sabi niya. Umayos naman ako ng upo ko at sinandal ang ulo ko sa bench at tumingin sa langit.

"Basta sa tabi ko lang ikaw ah." sabi ko sakaniya at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Tumango lang siya.

Napansin ko naman na magdidilim na kaya naman niyaya ko na si Shiela na pumasok na sa loob.

Hinatid ko na siya papunta sa silid niya.

"Goodnight." sabi ko sakaniya.

"Goodnight din." sabi niya habang nakangiti at sinarado ang pinto.

Naglakad na ako patungo sa kwarto namin. Habang naglalakad ako napatigil ako bigla sa tapat ng isang pinto dahil nahagip ng paningin ko sa salamin ng pinto si Ranz na nakaupo sa isang mahabang lamesa na punong-puno ng mga libro.

Napatingin naman ako sa itaas ng pinto at nabasa ko na isa itong Library.

Ano naman kaya ginagawa ni Ranz sa Library sa ganitong oras?

Pinihit ko yung door knob ng pinto at pumasok. Napalingon naman sa pwesto ko si Ranz pero agad din niyang binalik ang tuon niya sa mga librong nasa harapan niya.

Naglakad naman ako palapit at hindi nga ako nagkamali na sobrang dameng libro ang nasa lamesa.

"Pre para saan yan?" tanong ko pero imbis na sagutin niya ako may inabot siyang papel sa akin. Agad ko naman itong kinuha at binasa.

Insulin
Zinc
Argon
Sulfur
Iodine
Boron
Phosporus

Iyan ang mga salitang nabasa ko. Napakunot naman ang noo ko para saan naman ito?

"Para yan sa paggawa ng gamot ng katulad ng tinurok kay Tasha." sagot naman ni Ranz na siyang ikinalingon ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ko sakaniya. Humigop naman siya ng kape.

"Binigay yan sa akin ni Tito na si Dr. Claveria bago siya mamatay." sagot niya.

Napatango na lang ako at umupo sa upuan sa tabi niya.

"Bakit naman andaeng mga libro? Baka mabaliw ka na ni-- Ouch!" daing ko ng bigla na lang niya akong binatukan.

"Sira ka talaga no?" sagot nito sabay higop ulit ng kape at nagbasa ng libro.

"Eh para saan ba yang sobrang daming libro na yan??" tanong ko sakaniya.

"Para malaman ko kung para saan nga ba ang mga gamot na ito at kung saan pwedeng makuha." napatango na lang ako sa sinabi niya.

Kumuha na lang ako ng libro sa book shelves at bumalik sa upuan ko.

Fall yan ang title ng libro na nakuha ko. Habang binabasa ko ang libro. Bigla ko na lang naalala kung sinong pwedeng makatulong kay Ranz sa ginagawa niya ngayon.

"Ranz!" tawag ko sakaniya.

"Bakit??" Iritang tanong niya dahil bigla siyang nagulat sa pagtawag ko. Napangisi naman ako.

"May kilala akong makakatulong sayo." Napatingin naman siya sa akin at agad ding inalis at tinuon sa libro ang paningin.

"Sino naman yan?" tanong niya.

"Si Valerie, isa siyang nursing student at baka may maitulong siya sayo." sagot ko sakaniya.

"Bukas ituro mo siya sa akin." sabi niya na ikinatango ko.

Nagpaalam na ako sakaniya at nagtungo na sa silid namin.

----

Pagising ko kaagad akong bumangon ng kama at nilibot ang buong silid pero wala dito si Ranz, Marc at maging si Rhaniel ay wala din. Tanging andito lang ngayon ay si Andrei tulog pa din sa kama niya. Tumayo naman ako mula sa kama ko at nagunat-unat.

Naisipan kong magtungo sa library mukhang andun si Ranz ngayon. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Marc sa daan.
"Oy pre, saan ka punta?" tanong ni Marc.

"Uhm.. Library men." Bigla naman nanlaki ang mga mata niya.

"Pre, may lagnat ka ba at gusto mo ng magbasa ng libro!?" Sinikmuraan ko naman ito sa tiyan.

"Aray!" daing niya, tinawanan ko lang siya at nilampasan na. Patungo ako ngayon sa library.

Habang naglalakad nakasalubong ko si Valerie kausap niya si Rhaniel. Agad naman akong lumapit sa kinatatayuan nila.

"Dali na samahan mo na ako Valerie." rinig kong sabi ni Rhaniel.

"Ilang ulit ko ba sasabihin sayo Rhaniel? Na hindi ako lalabas ng hotel na ito. Hangga't hindi pa maayos ang lahat."

"Dali na ka-- bakit andito ka Johnrey?" gulat na tanong ni Rhaniel ng makita ako.

"Uhm. Valerie pwede mo ba ako samahan sa library?" tanong ko kay Valerie. Halata naman na gulat siya sa tanong ko pero tumango lang siya.

"Teka! Naguusap pa kami pre." pagtutol naman ni Rhaniel sa pag-alis namin ni Valerie.

"Sumama ka na lang at alam kong kakailanganin mo ng kasama." sagot ko dito.

Kaya naman naglakad na kami patungo sa library habang nakasunod sa likuran namin si Rhaniel.

Pagkapasok namin ng library nilibot ko ang buong paligid at nakita ko kaagad si Ranz nakataob ang mukha sa lamesa. Mukhang dito na siya natulog ah.

Agad naman kaming lumapit sa pwesto ni Ranz.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon