PROLOGUE:
"Hindi lahat ng nararamadaman ko nandyan sa Dictionary of Love mo! Totoo 'to! Mas totoo pa dyan sa librong binabasa mo!"
I never believed in others when it comes to love.
Isa lang naman ang pinaniniwalaan ko sa ngayon. Ang naging katuwang ko nung mga panahong nasasaktan ako.
Ang Dictionary of Love na 'to. Ito ang naging sandalan ko nung mga panahong akala ko'y hindi na ako muling makakabangon sa pagkakalugmok ko dahil sa ginawa nya sa akin.
Lahat kasi ng galaw nya binabase ko dito.
Yung pang-aaway nya, pang-aasar,paghawak ng kamay, ultimong pagdighay nya'y binabase ko dito.
I'm weird
I'm cold
I'm loner
Bookish
Geek
Broken-hearted
NBSB
As in No Boyfriend Since Break-up
Ayoko ng mainlove uli.
Yung huling tao na nagsabi sakin na..
"Mahal kita"
"Di kita iiwan"
Iniwan din ako, iniwan nya ako noong mga panahon na mahal na mahal ko na sya.
Masakit sobrang sakit, minsan na nga lang ako nagmahal sinaktan pa.
Kaya nung may nagsabi sa akin na mahal nya ako 'di ako agad naniwala. Takot na kasi akong magtiwala
Ika nga nila "Action speaks louder than words. "
Pero nung makilala ko sya, biglang nagbago ang lahat..
Parang gusto ko ulit sumugal, pero kaakibat nun ay takot.
Takot na baka masaktan ulit ako pag naniwala ako sa mabubulaklak nyang salita at mga kilos nyang nakakapanghina.
Kaya makailang ulit kong tinanong ang sarili ko..
Na sa pagkakataon bang ito'y..
Dapat ko bang paniwalaan na mahal nya ako o mas dapat ko bang paniwalaan ang Dictionary of Love na 'to?
--
A/N
This is under revision.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Teen FictionHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...