Aina's POV
Masama man o mataray ang dating ni maicy sa grupo at ibang estudyante sa school alam kong may pinang gagalingan yun.. hindi ko alam pero may something sa kanya na para g parehas kami..
Kaya naman nang makita ko syang dumaan sa garden habang kumakain kami eh sinundan ko agad sya. Nag excuse ako sa barkada para lang mapuntahan sya.
At hindi nga ko nagkamali dahil habang nagtatawanan sila Cris sa pwesto namin ee nakikinig sya at napaiyak sa di malamang dahilan..
Kaya naman nilapitan ko sya at binigay yung panyong isa sa mga paborito ni ate Aira. Lagi akong may dalang panyo ni ate para isiping kasama ko sya kahit san ako magpunta..Hindi ako nag dalawang isip ibigay sakanya yun dahil sa pakiramdam ko si ate mismo ang may gustong ibigay sakanya yun..
Sinungitan man nya ko.. hinayaan ko lang sya.. at iniwan nalang ang panyo sa tabi nya..after non nakaramdam ako ng ginhawa na hindi ko mawari kung bakit. Tumingin ako sa magandang kalangitan at ngumiti..
"Ate gusto mo rin ba syang maging parte ng buhay ko? Kilala mo ba sya?"
Muli ay nagpatuloy ako sa paglalakad at bumalik sa barkada dahil malapit ng magtapos ang breaktime...............
.....................
..........................Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang buhay namin ..
Tuloy pa rin sa kunwariang panliligaw si Bryle at masaya naman kami sa bawat labas namin.. halos magtampo na nga ang mga girls sa paglabas labas namin hindi ko na daw sila nabibigyang pansin dahil puro si Bryle nalang ang kasama ko.. si Cris at Louie naman ay tuwang tuwa at lagi kaming inaasar lalo na pag nasa malapit lang si Ivan.. Speaking of Ivan lagi din silang magkasama ni Maicy masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan.. Pag mahuhuli nya akong nakatingin sa kanila ay agad namang gumagawa ng paraan si Bryle para hindi ako mahuli.Alam na ni bryle na gusto ko si Ivan ..ni hindi man lang nga sya nagulat sa halip tinawanan nya pa ko.. ang slow ko daw para ngayon lang malaman..
Sa halos isang linggo naming magkasama .. nakita ni Bryle ang isasa pinaka tatago tago ko..hindi yung iniisip nyo.. (baliw!)
Nakita nya yung picture namin ni ate na magkasama nung papunta kaming korea para magbakasyon..hindi ko namalayan na nahulog yun mula sa librong paborito naming magkapatid na basahin..
Kukunin ko sana yung litrato pero naunahan na nya ako..
"A-akin na yan bryle" pilit kong inaabot ang litrato dahil sa tinaas nya yung kamay nya kaya di ko makuha
"Bakit.. bakit dalawa ang mukha mo dito??sino..sino sya kambal mo ba??Bakit hindi namin sya makita kapag pumupunta kami sa bahay nyo?" Sunod sunod nyang tanong at sa pagkalito nya nababa nya yung kamay nya kaya naman kinuha ko yung chance para makuha yung picture.
"Yah.. you're right she'smy twin sister.. she is older than me.."
Umupo ako sa damuhan ng park na pinuntahan namin..at agad naman nya kong ginaya umupo sya sa harap ko."Hindi nyo sya makita dahil sa wala na sya.."
"What do you mean wala? Wala na umalis o namatay na?sorry sa word."napakamot nalang sya sa ulo nya sa sinabi nya.
" hindi sya umalis ng panandalian.. umalis na sya ng pang habang buhay.. naaksidente sya.. kami.. dalawa dapat kaming maaksidente pero niligtas nya ko.."unti unti bumabalik sakin yung nangyari noon kaya naman agad na tumulo ang luha ko't nanghina ako..
"Shhh.. tahan na.. sorry sa kalabisan ko.. umiyak ka pa tuloy.. sorry" niyakap nya ko at pilit na pinapatahan.
" n-no its ok..nga-ngayon nalang ako ulit umi-umiyak ng ganito dahil sa pag alala sa nangyari feeling ko tuloy nakakalimutan ko na sya ..huhuhu(/_\)"
"Shhh.. hindi naman siguro yun iniisip ng ate mo.. lalo na at kambal kayo alam nya kung anong nararamdaman mo.. yun sinasabi nilang parang may telekinesis ang kambal for sure alam ni ate mong nagluluksa ka pa din sa pagkawala nya.
" its my fault Bryle kung hindi lang ako lampa ng mga panahong yun hi di ako masusugatan.. hindi nya sana ako bubuhatin at hindi pa sana kami babalik sa sasakyan para umuwi.. hindi nya sana ako dapat itulak para maligtas..hindi pa sana sya maaksidente .. ang ate.. ko .. nagsakripisyo para sakin.. sakin na walang ginawa kundi ang maging pabigat sakanya."
" shhh.. sa palagay ko hindi mo pa talaga oras kaya nabuhay ka.. na may kailangan ka pa sa mundo.. for sure nasan man ang ate mo masaya sya sa kung ano ka ngayon .. lalo na pag masaya ka.. at malulungkot sya pag nakita nyang hanggang ngayon sinisisi mo sarili mo sa pag kawala nya.. tahan na"
Tumingin ako kay Bryle at kita ko yung sincerity ng mga mata nya."Dont you know that where ever she is.. she always looking at you.. and guiding you always.. she may not be here but in your heart she will always be alive ang kicking.. hindi man ngayon pero balang araw.magiging masaya din kayong magkasama"
"I think you are right.. naalala ko pa yung laging sinasabi ni Ate sakin noon.. that.. she will always be with me..(im with you always and forever)"
"See.. sabi ko naman sayo.. kaya wipe your tears off.. kaya nga kita sinama dito para magsaya ka eh. So tara.. bibili kita ng ice cream.. crying baby.." agad ko naman syang hinampas ng mahina na ikinatawa nya.
"Tsss yabang mo.."
Inalalayan nya akong tumayo at nag simula na kaming maglakad papunta sa bilihan ng dirty ice cream.. ayaw nya pa sana doon dahil baka daw hindi ko magustuhan pero pinilit ko sya. Isa ito sa mga paborito ni ate Aira na kainin pag tumatakas kami..at naglalaro sa park.After namin magikot ikot ay hinatid nya na ko pauwi.. dahil may pasok pa kinabukasan.
Dear ate..
May nakaalam na ng tungkol sa nangyari sayo.. at kung bakit ako naging ganito kalungkot.. sana naman ay wala ng iba pang makaalam.. natatakot akong bumalik sa dating ako.. masaya na ako ngayon kahit papaano dahil sa desisyon nila mom na mag aral sa isang school at lumabas kasama ng ibang tao.. natatakot akong maiwan ulit. Ate.. tulungan mo ko ha.. mahal na mahal kita ate..
BINABASA MO ANG
I'm with you
Teen FictionMinsan akala mo ok nang lahat.. Masaya ka kasama sya.. Walang sino mang makakapag layo sa inyo.. Pero paano kung sa panahong masayang masaya ka na at kontento sa kanya.. bigla nalang syang mawala.. Makakaya mo pa ba?? O susuko ka na??