Chapter 52 how can it be?

32 4 0
                                    

AINA'S POV

nagising nalamang ako na nasa higaan na ako at naka pangbahay na.

Inalala ko ang mga nangyari bago ako makatulog at naalala kong sa school pala ako nakatulog. Kung gayun sino ang nagdala sakin pauwi?

Agad akong bumangon para puntahan si Dianne sa kanyang kwarto at nakita kong nagbabasa sya.

"Can I ask you something?" I asked her.

"If you will ask who bring you home. Alam mo na ang sagot ,hindi naman kita kayang buhatin." She answered without letting me finish what I need to ask.

"Ok nagkita ba sila ni Lolo?" Tanong ko sabay upo sa gilid ng kama nya.

"Yup and they talked privately I think Ivan knows everything."
Simpleng bagay na sagot nya ng dire-diretso.

Nagulat ako sa narinig ko kaya agad akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto nya.

"Hindi maaring malaman nya. Paano na anong gagawin ko? " tanong ko sa sarili ko.

Naglalakad ako sa pasilyo ng mansion ng makita ko ang isa sa kasambahay namin.

"Where is lolo?" I asked her.

"He's at the main library ." She said.

"Thank you." Sabi ko sa kanya kaya nag bow sya at lumakad palayo.

Naglakad ako papunta sa main library. Para kausapin si lolo hindi pwedeng maki alam sila tungkol sa bagay na to.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

Pagpasok ko nakita kong nakaupo si lolo sa swivel chair na nakatalikod sa pwesto ko.

"Lolo." Pag tawag pansin ko sa kanya.

"Ikaw pala buti naman at gising kana,mag papahanda na ko ng makakain mo." He said and trying to stand up para pumunta sa telepono.

"I'm noy hungry granny, I'm here to ask you something." Seryosong sabi ko.

"Is that about Ivan? If that's about him . Yes I told him everything."  He said.

"But why! You know that I dont want him to know it! Masasaktan sya!"

"Bakit Amae ikaw ba hindi ka nasasaktan? Anu ba yang sakit ng nararamdaman mo kumpara sa sakit na nararamdaman nya ngayong alam na nya? Malaki Amae! Dahil mula noon sobrang nahirapan  ka at halos patayin mo sarili mo dahil sa pagkawala ng kakambal mo! Tapos ano!dahil sa mahal mo sya kahit anak sya ng nakapatay sa ate mo kakalimuyan mo nalang!" Galit na singhal ni lolo.

"Hindi ho sa  ganun lo! Haist! Next talk some other time lo!"sabi ko sabay buntong hininga ko dahil sa bigat ng dibdib ko.

"Ano!tatakas ka nanaman?" Sagot nya.

"Hiwalayan mo si Ivan !hiwalayan mo ang lalaking yun! Ang anak ng lalaking dahilan kung bakit naging miserable lahat kayo!" Matigas na utos ni Granny na nagpa guho ng mundo ko.

Unti unting bumigay ang mga luhang kanina ko pa pinipilit itago. Ang sakit marinig mula sa taong kakampi mula noon ang isang salitang pinipilit mo wag mangyari.

"Hayaan nyo ho akong ayusin to lo, but please wag ho nyo kami pag hiwalayin ni Ivan. Please lolo." Pag mamakaawa ko.

"Wag mong ipilit ang gusto mo Amae! Hindi lang ikaw ang nasaktan sa pag kawala ng ate mo kundi ang mga magulang mo! Do you want them to suffer for the second time around for the reason na hindi kaya ng anak nila na hiwalayan ang anak ng pumatay sa  panganay nila!? Yun ba ang gusto mo!"

"Pero lo!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pag taas ng kanang kamay ni lolo na may hawak pang baston.

"Stop! Hwag mong hintayin na mapahiya pa ang pamilya nila Ivan sa publiko! Dahil pag pinush mo yang kagustuhan mo ay ilalabas ko sa media ang baho ng pamilyang yan!" Sigaw ni Granny sabay talikod.

"Makakaalis kana". Pag tatapos nya ng pag uusap namin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa sakit na nararamdaman ko galing sa mga sinabi ni Granny. I never imagined na magiging ganito kami from my younger age up to now ngayon lang nangyari na pag taasan nya ko ng boses. Dahil lang sa pangyayaring akala namin na baon na sa hukay.

Sa gulo ng pag iisip ko ay tumakbo ako sa labas ng mansion. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino ang hihingian ko ng oras para makinig sa lahat ng hinaing ko sa problema ko ngayon.

Sa sobrang pag iyak ko ay hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko. Nag lakad takbo ang gawa ko para lang makalayo sa  bahay.  Nang mapagod ako ay sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa lugar na  Hindi ko akalain na makakarating ako.

Nakarating ako sa secret Garden na pinag dadalhan sakin ni Ivan ,matagal tagal na din nung huling punta namin dito. Mula noon ay hindi na pabayaan ang lugar na ito sa halip ay mas gumanda ito dahil sa mga bulaklak na namumukadkad dito.

Pero tulad ng oras at nang pakiramdam ko sa buhay ko ngayon.

Madilim na dahil sa gabi at naka sara ang mga bulaklak na para bang  nalulungkot at nakikiramay sakin.

Muli ay lumuha ako at halos hindi na ko makahinga sa sobrang pag iyak ko. Buti na lamang at walang taong naririto para marinig ang lakas ng pag iyak ko at pag samo ko sa taas kung bakit.

kung kailan na ko nagiging masaya ay bumalik nanaman ang bangungot ng nakaraan.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito at nakita kong tumatawag si Dianne Kasunod ay sila eomma at appa. Pero sa sakit ng nararamdaman ko ay hindi ko sila kayang kausapin nilagay ko sa flight mode ang cellphone setting ko para wala ng makatawag sakin. Pagbalik ko sa main wall ng cellphone ko ay nakita ko ang  picture namin ni Ivan na masayang naka ngiti sa litrato.

Akala ko pang matagalan ang ngiti naming to ngunit hindi pala. Hiram na ligaya lang pala ang pinaranas sakin at ang masaklap nito ay dinamay ko pa si Ivan sa pag dadalamhati ko sa buhay.

Bakit kailangan ko pang iparanas sa kanya yung pakiramdam na to. Bakit?!

bakit ba ako pa ang taong laging nakakaranas ng ganitong kasakit na bagay? Anong gagawin ko?

Pag hindi ko hiniwalayan si Ivan masasaktan pati ang pamilya nya. Ang negosyong pinag hirapan ng pamilya nila ng ibang taon. At masasaktan ang pamilya ko lalo na sila Eomma at Appa na sobra ring nag dalamhati sa pag kawala ni Ate.

Bakit noong naghahangad ako ng kasagutan sa pag kamatay ni ate Aira hindi agad namin nakamit! Bakit ngayong masaya na ako at pilit na nililimot ang sakit saka naman nagka ganito? Bakit?

Hindi na ba ko maaring maging masaya.?

Kailan nyo ho ba ako papayagang lumigaya o dios ko? Iparating nyo ho ang dapat kong gawin.

" ate Aira dapat ko na nga bang kalimutan si Ivan para sa kapayapaan mo? Eto ba ang gusto mo?  Sa mga panahong masaya ba ako. Sobrang nalulungkot ka at nasasaktan?"

I'm with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon