chapter 51 the Truth hurts

36 4 0
                                    

IVAN'S POV

hindi ko alam kung bakit kakausapin ako ng lolo ni babe  ibang iba ang aura nya ngayon kumpara sa mga nagdaang pagkikita namin.
Mas nakaka kaba dahil wala ang barkada na pwede kong pag hugutan ng lakas.pakiramdam ko bibitayin na ako ngayon dahil sa nakapatay ako ng tao.

" tara sa main library nalang tayo." Amae's lolo said.

"Sige po sir." Tanging nasabi ko sa kaba. Hindi ko sya matawag na lolo ngayon dahil nakakatakot talaga sya.

We walked thru many facilities bago kami makarating sa main library.
Inutusan na rin ng lolo no Amae ang katulong nila na magdala ng kape. Na sa tingin ko mas magiging dahilan para mas nerbyosin ako.

"Sit down." He command.

"I want to talk to you privately coz this is a private matter na akala namin naka baon na sa hukay." Sa pag sasabi nya palang na hukay tumaas na ang balahibo ko.

Pasimple kong hinawakan ang braso ko para mawala yung  panlalamig ko.

"Hindi naman na lihim sayo kung anong buong pangyayari sa ate ni Amae diba?" Lingon ng lolo ni Amae sakin.

"Yes sir. Nakwento nya po saming lahat ang buong pangyayari." Tuwid na sagot ko.

"Kung gayon batid mo na rin na hindi pa nahahanap mula noon ang tunay na may sala ng nangyaring aksidente. Dahil sa nakatakas ang nagmamaneho ng sasakyang yon." He said and sighed.

" opo she told us na hindi pala ang may ari ng sasakyan ang driver ng araw na ring yun." Paliwanag ko.

"Oo iho dahil sa kinuha lang pala ng lasing na nagmamaneho ng sasakyang yun ang kotseng yun.dahil sa isang emergency na nangyari sa pamilya nya." He explained.

" kung ganun ho. Ano po ba ang kinalaman ko sa pinupunto nyo? Pasensya na po kayo kung deretsahan na ang aking pag tatanong. Naguguluhan po kasi ako." Tuwirang tanong ko.

" sa bagay maguguluhan ka talaga. Pero dawit ka sa pangyayaring yun Ivan." He said na nakapag pawala ng aking pag iisip.

"Pa-paano pong kasama ako sa trahedyang yun?"  Mas naguguluhan ako sa nalaman ko.

" you're dad is the one who killed my grand daughter Ivan." Mahina ngunit may diing sabi ng lolo ni Amae.

Napatayo ako sa narinig ko.

" paano hong ang papa ang nakabangga sa ate ni Amae? ! Ipaliwanag nyo ho" sigaw ko dahil sa pag kabigla.

" pina buksan ko ulit ang imbestigasyon at ayon dito Lasing ang lalaking nag mamaneho ng kotse.   Kinuha daw eto ng lalaki sa babaeng  may ari nito. Noong unang imbestigasyon eto rin ang pahayag ng may ari. Pero dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi nya namukhaan ang tumangay ng sasakyan nya. Basta ang sabi lang ng lalaki ay emergency lang." Paliwanag nya. Nakinig lang ako dahil sa hindi ko malaman ang sasabihin ko.

" pero dahil sa muli kong pag papabukas ng kaso ay nakakuha kami ng mga testigong makakapag turo ng salarin sa aksidente. At itinuturo nito ang iyong ama." Dagdag pa nya.

" noong una ay hindi kami kumbinsido sa naging kinalabasan kaya nag hanap pa kami ng mag iimbestiga pero sa huli sya pa rin ang itinurong suspect.  Noong araw na iyon daw ay may business meeting ang iyong ama at napainum sya.  Pero may tumawag daw sa kanya para sabihing nasa ospital ang kanyang anak na may mataas na lagnat." Pag kasabi nya nun ay humarap sya sakin.

" sa sobramg pag aalala nya ay nahulog nya ang susi ng sasakyan nya sa kung saan kaya naman ng may makita syang babaeng nagbukas ng sasakyan ay agad nyang hinarang at sinabing emergency lang at ibabalik nya rin ang sasakyan nito."

" sa sobrang pagaalala ng iyong ama sa kanyang anak na may sakit. Ay hindi nya namalayan ang sasakyang kanyang mababangga. At nang mapansin nya eto ay agad nyang kinabig sa kanan. Na saktong pwesto ng kambal." Naiiyak nyang pag kukuwento. Pati ako ay umiiyak na sa sakit at gulo ng mga bagay na narinig ko.

" itinulak ni Aira si Amae para makaligtas eto. Ngunit sya ay hindi na nakaiwas dahilan para masagasaan sya at magulungan nito." Tuloy tuloy nyang kwento.

"At dahil sa pang yayaring to ilang taong hindi nakapag salita si Amae at natakot ng lumabas dahil sa trauma na kanyang kinasadlakan." He wiped his tears so do I.

"Kung gayon ho ako ba ang tinutukoy nyong anak ni papa na pinuntahan nya kaya sya naka aksidente." Naguguluhang tanong ko.

"Oo iho. Na dengue ka raw ng araw na yun at kailangang madala sa mas may kalidad na hospital para sa pag papagamot mo. Ni hindi nya na inalintana ang mga nangyayari para lang agaran kang mapuntahan." He said.

"Na dahil sa pag mamadali ay nadamay ang aking mga apo sa kapahamakan. Hindi nya man lang naisip na tulungan si Aira dahil sa gusto ka nyang makita at maligtas! Ni hindi nya inuna ang apo kong nag kanda durog durog ang katawan para iligtas ka! " he shouted in anger.

" tapos ngayon ano! Ikaw nga ang dahilan ng pagbabalik ni Amae sa ayos pero sa nalaman nya ay mas lumala pa ang  nangyari! Halos hindi na natutulog at kumakain si Amae dahil sa hindi nya malaman kung ikaw ang pipiliin nya o ang ate nya!" Sa galit nya ay napaupo sya sa upuan nang hinihingal.

" hindi- hindi ko ho alam kaya po ba ganto nalang kalamig ang pakikitungo nya sakin. Kaya ba halos mandiri sya tuwing kaharap ko sya." Umiiyak kong sabi.

" siguro nga. Kaya sana paki usap ko sayo layuan mo na ang apo ko. Hindi ko idedemanda ang papa mo. Layuan mo lang ang apo ko. Hindi na namin kakayanin pag mas lumala pa sya sa dating Amae ng mga panahong nag dadalamhati pa sya."  Umiiyak na hiling ng lolo ni Amae.

"Pero. Hindi ko magagawa yun. Saksi ang may kapal sa totoong pag mamahal ko sa apo nyo. Hindi ko ho hahayaang lumayo sa kanya. " umiiyak kong pag tanggi.

"Kung gayun ay ipapahuli ko ang iyong ama. Mamili ka. Layuan mo ang apo ko at malaya ang ama mo o ang pag pilitan mo amg sarili mo sa apo ko para maging dahilan para pakulong ko ang ama mo! Mamili ka. Sa ngayon umalis kana. Ayokong makita ka ni Amae sa bahay na ito." Pag sabi nya nun ay tumayo sya at pumunta sa telepono.

"Pakisabi sa mga guard. Sunduin dito si Ivan." Utos nya sa kausap.

"Hindi nyo na ho kailangang gawin yan. Aalis ho ako ngayon din. Salamat po sa pagsasabi sakin nito kahit na ngayon ay labis akong nasasaktan. Paalam po." Pag papaalam ko sa lolo ni Amae.

Bakit kung kelan akala ko masaya na kami ay saka pa eto nangyayari sa buhay namin. Bakit ang ama ko pa. Bakit ako pa ang dahilan. Bakit? O dios ko. Paano na si Amae? paano na ang  babaeng pinaka mamahal ko? Palakasin nyo nawa ang aming ispiritwal na paniniwala na malalagpasan namin to.

Hindi ko kakayaning makitang ganito kalungkot ang mahal ko.

I'm with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon