Chapter 36 Friends?

78 5 0
                                    

MAICY'S POV

   Nang sabihin ni Ivan na matulog ako. Sinunod ko sya pumikit ako pero hindi naman ako agad makakatulog.

Pag alis nya sa tabi ko alam kong pinuntahan nya sila Aina. Dahil sa bukod sakin malala din yung sugat na natamo nya sa malditang si Kaela.

Hindi ko alam kung bakit nya ko tinulungan sila ng mga kaibigan nya, gayong masama pinakikita kong kagaspangan ng ugali sa kanila.

Sa totoo lang sobrang sakit na ng katawan ko kanina at gusto ko ng umiyak sa sakit. Pero  pinigil kong  wag ipakita sa kanilang mahina ako ayokong mag mukha akong kawawa tulad noon. Pero bakit nila ko tinulungan. Nabigla ako ng biglang tinanggal ni Kaela yung  kamay nya sa buhok ko at umaaray sa sakit. Yun pala sinabunutan na sya ni Aina.

Napaupo ako sa sakit ng ulo ko at hapdi ng sugat ko. Nakita ko rin kong paano nakisali sa away yung mga kaibigan nya para lang hindi na ako mahawakan ng isa sa alipores ni Kaela. Kahit na alam kong yamot sila tumulong pa din sila. Hindi man sakin kundi para kay Aina.

Napaiyak ako sa alaalang ni minsan walang  nagtangkang tulungan ako tulad nila. Nagkaroon ako ng kaibigan yung batang tumulong sakin noon pero di ko man lang nakuha name nya. At nung nakita ko syang muli eh sa t.v at patay na sya. Pero di ko muling naabutan yung pangalan nyang nakalagay sa tv. Kung sino sya dahil ilang araw akong hindi pinayagan ni mama manuod ng tv noon.

Napaka swerte nya para magkaroon sya ng totoong kaibigan tulad nila na handang masktan matulungan lang sya.

Ngayon naririnig ko kung paano sila magkulitan kahit na may mga galos at iniinda silang sakit sa katawan..

Nakaramdam nalang ako ng mainit na bagay sa pisngi ko. Sa pag iisip ko di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Tahimik akong umiyak habang pinakikinggan silang magkasiyahan sa di kalayuan sa pwesto ng kama ko.
Sa halip na mairita ako sa ingay nila heto ako umiiyak sa inggit.

* napamulat ako ng makaramdam ako ng hapdi sa tagiliran ko. Nadali nga din pala yung gilid ng tyan ko nung hinila ng isa sa kasama ni Kaela yung uniform ko.

Pinakiramdaman ko yung paligid at mukhang wala ang mga kaibigan nila Aina dito sa clinic.

Tumayo ako para humingi ng tubig dahil sa nauuhaw ako. At tinanung ko na din kung nakaalis na lahat sila.

" halos lahat umalis na narinig kong mag pupunta sila sa canteen at yung iba bibili ng prutas. Si Ms. Aina nalang yung natira na natutulog dyan dahil sa dami din ng sugat nya."

"Is that so.. hmm.. thanks for the info."

"Your welcome"sabay ngiti sakin ng nurse bago ipagpatuloy yung na pending nyang ginagawa kanina.

I sit in my bed. In my designated bed I mean. Tinimbang ko yung feelings ko  kung pupunta ba ko sa kama ni Aina.

Sa huli pumunta din ako sakanya. Nakita kong natutulog pa din sya hanggang ngayon. Mukha naman talaga syang mabait tulog man o gising. Hindi mo mapag kakailang sa itsura nyang yan eh hindi magkakagusto sa kanya ang bestfriend ko. Kahit naman siguro ako  kung naging lalaki ako.

Nagulat ako ng medyo nagmulat sya ng mata. Siguro inaantok pa din sya.
Kinakabahan ako.

"Me-maicy? A-anung ginagawa mo dito? Ayos ka na ba?" Medyo paos nyang tanong sakin.

"I'm fine now. I-I just.. I just want to say thank you sa pag tulong sakin kanina.." nakayuko kong pag te thank you sakanya dahil sa hiya ko.

" It's ok don't worry wala yun.. kahit naman sinong tao ang makikita naming pinag kakaisahan e tutulungan namin lalo na kung naagrayado na" sabay ngiti nya sakin

Natulala ako sa ngiti nyang yun naalala ko yung batang babae na tumulong sakin noon. Ang ganyang ngiti.. pero impossible?! Di maaring sya yun dahil patay na yun. Pero paanong?.

"O-ok ka lang ba Maicy may masakit ka nanaman bang nararamdaman?" Nagaalala nyang tanong.

"A-I'm fine may naalala lang ako. By the way thanks again." Nginitian ko sya yung totoong ngiti.

" tulad nga ng sabi ko kanina wala yun.. ahmm pwede na ba kitang maging kaibigan?" Nahihiya nyang sabi habang nakalahad ang kamay nya.

"Ta-talaga ba?! Gusto mo kong maging kaibigan? Kahit na.. kahit na masama pinakikita ko sayo mula ng dumating ako dito?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

" oo naman.. ni minsan hindi ako nag isip ng masama tungkol sayo,siguro.. hmmm natarayan lang kita. Pero wala lang sakin yun ganyan din naman ako noong unang dating ko dito. Wala din akong kai igan bukod sa pinsan ko. " nakangiti nyang paliwanag.

" so friends?" Nakangiti sya habang nakalahad pa din ang kamay nya.

Wala ng  dalawang pag iisip pa.. na tinanggap ko yun.

"Friends!"at niyakap ko sya.

Di ko naiwasang umiyak dahil atlast may magiging kaibigan na ko.. tootoong kaibigan na handa kang tarayan sabihan ng masasakit na salita dahil yun yung nararamdaman nya.. masasabihan ko ng nararamdaman ko. At makakatawanan ko.

"Dahil dyan group hug!!!" Sigaw mula sa likod ko.

Dahil sa naka talikod ako sa bukasan ng tabing na kurtina.
Nagulat nalang ako na yumakap lahat ng girls samin ni Aina at pati mga lalaki nakikisiksik.

Ang saya palang maging kaibigan sila.

" uii!! Sali kami!Ivan tingnan mo!"sigaw ni Bryle na siguro kadarating lang nila ni Ivan.

" tama na guys di na ko maka hinga.." nahihirapang atungal ni Aina kaya naman nag sipag tanggal kami ng braso namin sa bawat isa.

"So welcome sa barkada Maicy!" Naka ngiting sabi ni Rox.

Rox nga ata.

" tama si Rox kaya sana wag ka nang nega te.. kilay mo laging naabot sa ulap eh."sabi ni Pat. Tama nga ako rox. Yung name niya.

" hay salamat.. ok na lahat salamat kay Aina my loves."sabi ni cris habang ginugulo yung buhok ni Aina.

" a-aww masakit cris may sugat ako sa ulo."
Kaya naman nakatanggap ng batok si cris mula sa iba.

"Ay sorry di ko alam hehehe.." sabay kamot nya ng ulo nya dahil narin siguto sa sakit nung batok sakanya.

Tiningnan ko silang lahat at nakita ko yung saya nilang lahat. Gayun din ang ngiti sakin nila Ivan at Bryle na nag thumbs up pa.

"Dahil dyan!! Uuwi tayo ngayon kina Aina!!pinatawagan ko na kay butler yung mga parents nyo para  di nila makita yang mga itsura nyo. Hahahaha" natatawang sabi ni Dianne habang tinuturo kami isa isa na akala mo wala syang sugat na natamo. Sabagay sya yung konti lang yung galos at tago pa.

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

A/N:
Hi guys!!  Hi naku buti naayos ulit tong chapter na to.. dahil nawala sya.. ng buo.. as in buong chapter nawala.. nabaliw ako sa saklap ng naranasan ko dahil sa pag kawala nito buti nabalik. Huhuhu..

By the way.. dahil nawala din ung authors note ko sa isang chapter (nag log) yung chapter na yun kaya dito ko nalang ilalagay..

So..

THANK YOU!!thank you sa mga nag follow.. dont worry na follow back ko na kau.. hehehe..

To God be the Glory.. 😇😇😇

Happy day mga wattpad friends..😘😘😘

I'm with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon