Prologue

379 12 0
                                    

"Alam mo masyado ka kasing pa bida!" Tinutok ng babae ang kutsilyo sa dalaga habang ang lahat din ng kanilang mga kaklase ay may kanya kanya ding hawak na kutsilyo.

"A-Ano to?  Anong nangyayari? Hindi magandang biro to."

"Nag mamaang maangan ka pa at nag bubulag bulagan na walang alam!"

"Ano bang maling nagawa ko? Wag niyong gawin sakin to. Please... maawa kayo."

"AWA?! Wala kami nun!" Bigla nalang niyang sinaksak sa braso ang dalaga  na siyang ikinagulat niya. Habang ang lahat ay naka palibot sa kanila at tumatawa hawak ang sarili nilang mga kutsilyo. Agad napa atras ang dalaga habang hawak hawak ang braso niya ngayon ay hindi maawat ang pag daloy ng napakaraming dugo mula sa saksak na kaniyang natamo.

"Tuluyan na natin yan! She's just a mess!" Sigaw ng isang babae na nasa gilid nila.

"Oo nga!" Pag sang ayon naman ng iba.

Walang awang pinag sasaksak nila ang dalaga. Na para silang mga nasisiraan ng ulo. Kahit saang parte nalang na tumatama ang kanilang mga kutsilyo. Kaawa awa ang kinahinatnan nito. Dumanak ang maraming dugo sa buong classroom. Pati narin sa kanilang mga katawan kitang kita ang mapupulang dugo na mula sa katawan ng nakakaawang dalaga na walang awang pinag tulungan.

Bago pa man bawian ng buhay ang dalaga. Ang Huli niyang binanggit na mga salita ay, "Patawad" na siyang narinig ng lahat upang sila ay mapahinto at mapagtanto ang kanilang ginawa.

Ang buong classroom ay napuno ng kanilang mga dugo. Matapos ang insidente ay natagpuan ang lahat ng estudyante na mula sa 2nd section na wala ng mga buhay sa loob ng kanilang sariling silid aralan. Naniniwala ang mga tao na pinatay din nila ang kanilang mga sarili matapos pag tulungan ang dalagang nasa gitna na kanilang napapa ikutan. Ngunit walang nakaka alam ng puno't dulo ng lahat ng nangyari.

Dugo nang galit at inggit ang bumalot sa buong Classroom ng 2nd section.

The Revenge is near.

Walang makapag sasabi, kung kailan at saan. Handa ba ang lahat? Oh, mauubos ang inosenteng mga buhay? Buhay ang kinuha ngunit buhay din ba ang magiging kapalit?

------

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon