Chapter 40: Truth

18 2 6
                                    

Dwight's POV:

Pag kahatid ko kay Abby pinauwi na niya ko agad kahit ayaw ko pa.

Pag kadating ko sa apartment ko naka tulog agad ako. Pero ang mahimbing na pag kakatulog ko nabulabog ng ring ng cellphone ko. Kinapa ko agad ang cellphone ko sa ilalim ng unan at sinagot ang tawag na hindi dinidilat ang mata. Hays.

"Dwight! Sunduin mo ko ngayon, kailangan kita." Dahil sa narinig kong umiiyak na boses sa kabilang linya agad akong napabangon sa pag kakahiga.

"Ha? Bakit? Anong nangyare? Bakit ka umiiyak? Nasaan ka?"

"Nasa school please, sunduin mo na ko."

"Sige. Papunta na ko, Wait for me ha. Wag ka ng umiyak."

In-end na niya yung tawag at napatingin ako sa oras bakit di pa ba sila umaalis o may nangyari na namang di maganda? Agad kong kinuha ang susi ng motor ko at sinuot ang Jacket ko at agad na umalis sa apartment. Hindi ko alam pero siguradong may nawala na naman sa 2nd section. Pinaharurot ko na ang motor ko. Wala na kong pake kahit sobrang bilis ko na. Ang mahalaga mapuntahan ko agad si Abby.

Habang papalapit ako sa School, Tanaw ko ang malaking usok mula roon at dahil doon mas lalo tuloy akong kinabahan ano kayang nangyare?

Agad kong nakita sa may Gilid sila abyby kasama ang iba pa niyang kaklase. Tulala ito at parang wala sa sarili. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"I'm glad that you're safe."

Ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you dahil dumating ka."

"Basta para sayo, Ano ba kasing nangyare?"

Ayun kahit hirap siyang mag kwento pinilit parin niyang mag kwento at dahil dun nakaramdam ako ng galit sa mga narinig ko. Paano nalang pala kung hindi lumabas ng bus sila Abby? Edi pati siya wala na ngayon. Hindi ko kakayaning mawala pa siya ulit. Dahil doon niyakap ko siya ng mahigpit na ikinagulat niya.

"Thank you dahil ligtas ka. Hindi ko na kakayanin pag nawala ka pa ulit. Pangako, Proprotektahan kita. Hinding hindi ako papayag na masaktan ka pa ulit." dahil dun ngumiti siya.

"Thank you Dwight."

Hinatid ko na siya sa kanila at kwenento kay Tita ang mga nangyare. Wala si Tito dahil nasa trabaho. Hinintay kong makatulog muna si Abby at agad naman akong umalis. May importante pa kong taong dapat kausapin.

---------

Missy's POV:

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na to. Halo halong inis, galit, lungkot at sakit. Kaya ko pa ba? Hindi parin maalis ang tingin ko sa mga bumbero na umaapula sa nasusunog na bus at dahil din sa nangyari hindi na natuloy ang field trip at pinauwi na ang mga estudyante. Nag paiwan naman ako pati sila Grace, si Abby sinundo na ng boyfriend niya. Kahit papano natutuwa ako dahil naka ligtas si Abby, Grace at Trixie Jane.

"Mali! Mali! Mali! Mali ang lahat ng to. Hindi sila ang pumatay hindi!"

Naagaw ng pansin ko ang isang matandang lalaki na may dala dalang sako. Madumi ito at pag kakamalang pulubi. Napatingin ako sa kanya ng marinig ang mga sinabi niya. Tumingin din ito sakin ng nakakatakot kaya kinilabutan ako. Nilapitan niya ko na ikinagulat ko, Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.

"Nabubulag ka iha! Binubulag ka! Buksan mong maigi ang isipan mo. Mali! Mali! Mali ang lahat ng ito. Hindi lahat ng nasa paligid mo totoo, ang iba'y nililinlang ka lamang para ang katotohanan ay mapagtakpan."

Binitawan niya ko at umalis na parang walang nangyari. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang ipahiwatig sakin. Sa sobrang gulat at kaba ko di nako nakapag salita.

Umuwi na ko sa bahay para makapag pahinga. Pinasabay nako nila Grace at hinatid samin. Nagulat naman si Mommy dahil bumalik ako ng bahay at kwenento ko na nga ang nangyari. Naka higa ako ngayon sa kama at tulala sa kisame. Inuulit ulit sa isipan ko lahat ng sinabi ng matandang lalaki kanina. Ano bang ibig niyang sabihin? Lalo na ang huling mga linyang binitawan niya.

"Hindi lahat ng nasa paligid mo totoo, ang iba'y nililinlang ka lamang para ang katotohanan ay mapagtakpan"

Kailangan kong makausap ang matandang yun. Siguradong may alam siya sa mga nangyayari samin.
Siguradong nandun lang siya, dahil minsan nakikita ko lang din siyang palakad lakad.

Tumakas ako samin dahil alam kong di ako papayagang umalis ni mommy. Binitbit ko ang wallet at cellphone ko at agad lumabas ng bahay.
Nag commute nalang ako dahil di ko pwedeng dalhin yung sasakyan ko.
Habang malapit na kami sa school, Agad kong natanaw ang matandang lalaki na talagang sadya ko. Ang galing naman ng tadhana at di ako pinahirapan. Nag kakalkal ito sa basurahan.

"Manong dito nalang po." nag bayad na ko sa tricycle at agad bumaba. Dumiretso ako sa malapit na tindahan at bumili ng pagkain.

Nilapitan ko ang matanda na ikinagulat niya. Tinitigan niya ko ng masama.

"Ahm. H-Hello po."

Pero tinignan lang niya ko at nag patuloy na sa ginagawa niya.

"Ahm. Para po sa inyo."

Iniabot ko sa kanya yung binili kong pagkain.

"Hindi ko kailangan niyan."

"Sige na po para po to sa inyo."

Wala na siyang nagawa at tinanggap na niya ang inaalok ko. Umupo siya sa isang semento. Umupo din ako pero medyo malayo ko sa kanya.

"Anong kapalit neto? Wala kong mabibigay sayo."

"Ahh. Wala po, Ahm. Naaalala niyo po ba ko? Yung babae po kanina yung nilapitan niyo po?"

Napatigil ito sa pag kain at dahan dahang tumingin sakin. Ano ba yan sobrang creepy niya talaga.

"Oo naman."

"Ahmm. Gusto ko lang pong tanungin kung ano pong ibig niyong sabihin dun sa sinabi niyo po sakin na tinatakpan ang katotohanan."

"Hindi dapat kayo nag tiwala sa lalaking iyon. Nililinlang niya lamang kayo"

"Ha? Sino pong tinutukoy niyo?"

"Basta yung lalaki na yun. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa yun. Bakit pati ngayon wala siyang ginagawa para malutas ang nangyari noon."

"Hindi ko po kayo maintindihan."

"Maiintindihan mo din ako ne. Sa ngayon mag pakatatag ka lang."

Nginitian niya ko at tinapik sa balikat at umalis na ito.

Hindi ko na siya natawag pa dahil natulala nalang ako hanggang sa makalayo siya.

Sino kayang tinutukoy niya?
May alam ba siya sa nangyari 5 years ago? Pati ba naman katotohanan may maskara?

Sana nga malinawan na ako at dumating na yung araw na matapos na lahat ng to.

------------

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon