Ellaine's POV:
Ang aga kong pumasok ngayon hindi traffic eh. Hahaha
Papalapit palang ako ng papalapit sa Gate ng school ang daming tao. May pulis at ambulansya din. Ano kayang nangyari? Kinabahan naman ako kinuha ko ang phone ko sa bulsa at dinial isa isa ang mga kaibigan ko pero lahat cannot be reached si Jamie naman hindi sinasagot si Abby naman naka ilang ring pa buti at sinagot.
"H-Hello..." mukhang Tulog pa to.
"Hello Abby nasa school kana ba? Papasok ka?"
"Hindi...."
"Yah! Bakit di ka papasok?pumasok kana!Kung kailan friday absent ka pa."
"Sus, friday na nga eh. Sige na bye!"
Abat pinatayan ako ng tawag, Tsk! -_-
Lumapit nalang ako dun sa maraming tao at nakita ko si Grace.
"Grace anong meron?"
"Uy, Ikaw pala... Gage.. si Felix natagpuang patay."
"Ha?si Felix?"
"Oo, Nakita sa music Room katawan niya."
Nakita naming isinakay sa ambulansya ang bangkay ni Felix.
Kawawa naman siya. Isa kaya sa mga killer ang may gawa nito sa kanya? Agad ng pinabalik ang mga estudyante sa kanilang mga classroom sabay na din kaming pumasok sa room ni Grace. Pag pasok namin sa room, nakakalungkot lang isipin na iilan nalang kami na nandito. Aabot pa kaya kami ng Graduation? May matitira pa kaya?--------
Missy's POV:
Napadpad ako sa madilim na lugar. Nakita ko si Adrian may sinusundan siya hindi ko makilala kung sino. Tinatawag ko si Adrian pero mukhang di niya ko naririnig. Hindi ako makalakad parang napako ako sa kinatatayuan ko sa nasaksihan ko. Yung babae sinaksak si Adrian sa puso. Na kanyang ikinamatay gusto kong lapitan si Adrian pero di ko magawa. Sumisigaw ako pero walang lumalabas sa bibig ko. Nakita kong umalis yung babae na hawak yung braso niyang may tumutulong dugo. Sinisigawan ko siya pero parang di niya naririnig.
"Missy! Missy! Gising! Binabangungot ka!" Nagising ko sa pang gigising ni Kuya sakin. Mygadd! Panaginip lang pala. Hindi na yun basta panaginip bangungot na yun. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Binabangungot ka, Bumangon ka na. Malalate kana."
Agad namang lumabas si Kuya sa kwarto ko.
Agad naman akong nag ayos at kumain at umalis nako ng bahay. Sumabay nalang ako kay Kuya dahil wala ako sa huwisyo mag drive.
Grabe yung panaginip ko na yun, Parang totoo. Habang papunta ako sa School, hindi mawala sa isip ko yung panaginip na yun.
Dumating ako sa room at malapit nakong ma late. Nabalitaan ko din yung nangyari kay Felix. Na kinagulo na naman ng isip ko. Nakaka lungkot isiping nabawasan na naman kami at wala na naman akong nagawa. Mukhang inunahan na ng Killer si Felix dahil sa sikreto na naganap 5 years ago.
Malapit ng mag bell para sa break time pero wala parin si Adrian. Tinatawagan ko pero Cannot be reached siya. Asan na ba yun? Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Marlou, Asan na ba si Adrian?"
"Abay malay ko dun, Late lang yun."
"Sana nga, Kinakabahan kasi ko."
"Asus, Malaki na yun kaya na niya sarili niya."
Nagulat kami ng biglang pumasok si Ma'am Agnes sa room. Malungkot ito na parang may nangyari, Ay. Oo nga pala si Felix.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...