Green's POV:
Pumasok kami agad ni Neil sa madilim na kwarto. Maiingay na tugtog, iba't ibang makukulay na ilaw ang nag sisilbing liwanag, mga iba't ibang taong nag sasayaw at mga nag iinuman ang bubungad sayo.
"Mag e-enjoy Tayo bro!" Masayang sabi ni Neil sabay akbay sakin.
Hinila niya ko papunta sa isang mesa. Tinawag niya yung waiter para um-order.
Habang kausap niya yung Waiter. Nag paalam ako sa kanya na mag C-Cr lang muna ko. Kailangan ko pang sumigaw sa tenga niya para marinig ako. Dahil sa sobrang lakas ng Music."Sige,Dalian mo ah."
Nag madali akong pumunta sa Comfort Room. Sa kamamadali ko may nabangga akong lalaki hindi ko maaninag ng masyado ang mukha niya dahil sa dilim pero mukhang kasing edad ko lang din siya.
"S-Sorry..." agad akong humingi ng paumanhin ngunit ngumiti lang ito sakin. Yung ngiti niya nakaka kilabot. Agad nakong umalis.
Pag katapos ko agad din akong bumalik kung nasaan si Neil. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung ngiti nung lalaki kanina. May kakaiba sa kanya.
"Hey bro! Are you okay?!" Sigaw ni Neil sakin. Isang tango lang ang naging tugon ko sa kanya.
Maya-maya ay may lumapit samin na ikinagulat ko. Isang lalaking naka Black long sleeves at siya yung lalaki kanina na nabangga ko.
"May I?" Sabi niya at uupo na sana sa isang upuan na nasa table namin.
Nag ka tinginan lang kami ni Neil. Pati din siya ay nag tataka kung sino yung lalaking nasa harap namin ngayon.
"Hey wazzap?" Feeling close siya. Tinignan lang namin siya ni Neil ng nag tataka at alam kong napansin niya yun.
"Oh, I'm sorry, Masyado ba kong Feeling close?" Hindi parin kami kumikibo ni Neil.
"Oh, By the way, I'm Jay Evans Imperial."
"And so?" Neil said sarcastically. Agad ko siyang hinawakan sa balikat dahilan para mapatingin siya sakin. Tinignan niya ko ng naka kunot ang mga noo at nag tataka.
"Oh, Sorry. Ang gusto lang sabihin ng pinsan ko, Hello. Hahaha! Btw, I'm Daniel Green Wight. And this is my Cousin Neil John Aguas." Tinignan ko si Neil at ayun parin ang tingin niyang nag tataka. Hindi naman ako friendly pero may something talaga sa lalaking to. Parang may nag tutulak sakin na mapalapit sa kanya.
"Oh, Nice to meet, the both of you."
"So? Anong kailangan mo samin?" Masungit na sabi ng kupal kong pinsan at nag iba ng pwesto. Naka sandal na ito sa upuan at naka cross arms na.
"Oh..." Parang nag dadalawang isip yung lalaking nasa harap namin habang hawak yung baso niya ng alak.
"Hindi ka naman kasi lalapit samin kung wala kang kailangan ,right?"
"Oh, Nice!" Napapalakpak ng slight si Evans at ngumiti ng kakaiba.
"I like you. Masyado kang direct to the point." Natawa ito ng mahina.
"Oh, You like me? Excuse me! Pinapangunahan na kita di tayo talo." Natawa ko sa kanilang dalawa kasi naimagine ko si Niel nakayakap kay Evans at nilalambing ito. Haha. Naalala ko tuloy yung Kababuyan ng pinsan ko sakin kanina sa mall. -_- Babe daw e! Tangina.
"Sabihin mo na kasi kung anong kailangan mo samin! Dami mo pang paligoy ligoy e."
-------
Christine's POV:
Pumasok na ko agad sa loob. Dahil pinauna na ko ni Dalia. Tinignan ko yung cellphone ko kung anong oras na ba, 9:30 na pala. Wala talaga ko sa mood ngayon. Sobrang nanlalata talaga ko. Hindi ko alam kung bakit? Siguro nga alam ko pero ayaw ko lang isipin. Pag pasok ko agad bumungad sakin si Tito Allen na naka upo sa sofa at nanonood ng tv.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...