Abby's POV:
Hinintay muna namin na maka alis ang sasakyan nila. Bago nag desisyong umalis. Umangkas nako sa motor ni Dwight.
"Tara na." Sabi ko ngunit isang matamis na ngiti lang ang naging tugon niya sakin. Parang baliw e.
Pinaandar na niya ang motor. Naka kapit naman ako sa kanya. Nalalanghap ko yung nakaka akit niyang pabango. Nakaka adik shems.
"Baka masinghot mo ko ha? Hahaha." Narinig kong sabi niya at natatawa pa. Medyo nahiya ako, Kainis naramdaman ko namang nag init ang buong mukha ko.
"H-Ha? Anong sinasabi mo?" Patay malisya kong tanong. >_<
"Nako Prinsesa ko!"
"Yah! Baliw e." Tinawanan lang niya ko baliw talaga e.
Napansin ko namang ibang direksyon na ang tinatahak namin.
"Oy! Saan tayo pupunta?" Imbis na sagutin nginitian lang niya ko Aba! -_-
"Hoy! Baliw ka ba?! Saan tayo pupunta?!"
"Opo. Baliw sayo."
"Yah! Mais mo! Saan nga tayo pupunta?"
"Basta."
"Luh! Baka pagalitan nako."
"Don't worry nag paalam nako kay Tito." ABA! Angas pala.
"Hoy! Wag mong sabihin na itatanan mo ko?"
"Hahaha! Arteu Wag ka ngang Abnormal at paranoid. Hindi kita itatanan."
"Eh saan mo ba ko dadalhin?"
"Basta trust me."
Ilang minuto rin kaming nag lagalag haha. Hindi ko nga alam kung nasaan na kami e.
After 123456789 years haha, huminto na din kami. Huminto kami sa Isang Church kung hindi ako nag kakamali Divine Mercy to. Isang beses pa lang akong naka punta dito, matagal na din yun. Tanaw na tanaw ko ang malaking simbahan na nasa harapan ko.
"Oh? Anong ginagawa natin dito?"
Tinignan ko siya at may hawak siyang panyo.
"My Queen, May I?" Piniring niya sakin ang hawak niyang panyo.
"Hoy! Ano to?"
"Shhh. Just trust me okay?"
"Anong kalokohan to Dwight?! Aba!"
Hinawakan niya ang kamay ko at inaalalayan akong mag lakad.
"Let's go, Hawak kita kaya di ka mapapano."
"Para naman tong tanga e!"
"Easy."
Ilang hakbang din ang nilakad namin.
"Saan mo ba ko dadalhin?" Hindi niya ko sinasagot pero hawak parin niya ang kamay ko.Huminto na kami at binitawan niya na ang kamay ko.
"Wait.. 5 seconds teka lang."
"Hoy Dwight! saan ka pupunta?"
Pero mga ilang segundo lang e hinawakan na ulit niya ang kamay ko.
"Close your eyes ha."
At tinanggal niya na ang naka lagay sa mata ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko ng sabihin niyang pwede ko na daw buksan ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakikita ko. Naka tayo ako sa may pinto. May red carpet papunta sa altar ng simbahang ito at puro rosas na pula ang naka kalat sa sahig. May mga kandila at lobo. Tanging ang mga naka sinding kandila lang ang nag bibigay liwanag sa buong simbahan. Hinanap ko si Dwight at pag lingon ko sa likod ko, nakita ko siyang naka luhod. Naka ngiti siyang naka tingin sakin.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...