Agad ibinalita ni Justin ang nangyari sa kanyang mga kaklase. Tulad ng inaasahan nagulat ang lahat. Sunod sunod na namatay ang tatlo nilang kaklase sa di malamang dahilan. Agad namang kinuha ang bangkay ni Generose at agad inimbistigahan ang pinangyarihan ng krimen.
"What's happening in Country?" Sabi ni Monalisa. Natawa naman si Nimfa sa sinabi niya.
"Ano ba yan? Sino ba ang gumawa sa kanila nun?" Malungkot na sabi ni Krista.
"Una si Angelyn sumunod si Generose. Wala na yung dalawa kong kaibigan bakit ba kasi nangyayari to!" Tuloy parin sa pag iyak si Justin. Habang inaalalayan ni Roxxane.
"Wala na tayong magagawa, Hindi naman natin kilala kung sino yung pumatay sa kanya, sa Kanila eh. Wala namang magagawa kung iiyak tayo, ipaubaya nalang natin sa pulis ang imbistigasyon." Pag papakalma ni Nimfa kay Justin.
"Kung sino man ang gumawa nito sa kanila mag babayad siya."
"Justin? Paano niyo nalaman na nadun si Generose?" Tanong ni Missy sa kaklase. Naka sunod naman sa kanya si Rizz, Marlou at Adrian.
"Nag paalam kasi siya kanina, sabi niya nag text daw si Fernand na mag kikita sila sa dulo ng campus. Tapos mga isang oras na siguro lumipas nung dumating dito si Fernand at hinahanap si Generose. Agad namin pinuntahan sa dulo ng campus pero wala siya. Edi tinawagan ko, naka ilang ring bago sagutin. Mukhang iba may hawakan ng cellphone niya nun kasi yung boses niya parang malayo at pasigaw. Narinig namin yung sigaw niya kung nasan siya. Kaya agad namin siyang pinuntahan. Pero huli na ang lahat." At bumuhos na naman ulit ang luha niya. Agad namang bumalik sila Missy sa kanilang mga upuan.
Habang Tahimik na nag uusap ang buong 2nd section. Nagulat sila ng bigla nalang pumasok si Jocel sa Classroom na biglang nag sisisigaw.
"Guys! Guys! Mga Pre!" Hingal na hingal ito at pilit na kinakalma ang sarili.
"Hoy! Bakit? Anong nangyari? Akala mo naka kita ka ng multo." sabi ni Roxxane.
"Si-Si....Si.. James Baron...."
"Oh anong nangyari kay Baron?"
"Patay na si Baron!"
"Anong patay?"
"Deads na si Baron! Tara sa Court Tignan nyo."
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Jocel agad nag tungo ang buong 2nd section sa Covered Court. Ang dami ng estudyante ang nakiki usyoso. Nagulat sila ng makita ang bangkay ni James na naka sabit sa taas ng court. Puno ng sigarilyo ang bunganga at puro paso ang mga braso naka dilat pa ang mga mata, at ang dugo mula sa kanyang ulo na bumalot sa kanyang puting uniform. Halos masuka ang buong 2nd section sa nasaksihan.
"Wala man lang bang naka kita kung sino ang gumawa sa kanya nito?"
"Imposibleng may maka kita dahil halos lahat ay nasa classroom. At kung sakali man na oras na wala tayong klase nun e. Di rin natin mapapansin dahil nasa bandang dulo ang building natin."
"Grabe yung nangyari kay James, wala namang puso ang gumawa sa kanya nun."
Habang nag kakagulo ang lahat dumating ang kanilang Principal na halatang frustrated na sa mga nangyayari kasama ang mga pulis at ibang Teacher's. Agad pinabalik sa kanilang Classroom ang mga estudyante. Pati na ang 2nd section, halos mabaliw na sila sa kakaisip kung sino ang gumawa nito sa kanilang mga kaklase.
---------
Laging nag di-ditch ng class si James Baron lumilibot libot sa buong campus. Minsan naman ay pinupuntahan niya ang kanyang mga tropa. Nung nag lalakad lakad siya napapad pad siya sa dulo ng campus. Napahinto siya at nag tago sa isang gilid ng makita niya ang kanyang tatlong kaklase. Binuhat ng isa niyang kaklase ang katawan ni Generose na seatmate niya pero madalas siyang wala kaya bihira lang niya itong makausap at mabait naman ito pati ang kanyang dalawang kaibigan. Nakita niyang papunta ang dalawa sa kabilang lumang building. Dahil sa curiosity sinundan niya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...