Abby's POV:
Uwian na as always nag lalakad ako mag isa pauwi. Medyo madilim ang langit na anumang oras ay Bubuhos na lang ang napaka lakas na ulan. Ang lamig ng simoy ng hangin. Patuloy parin ako sa pag lalakad ng bigla nalang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Wala akong dalang payong, Dali dali akong nag tatakbo patungo sa Waiting shed. Walang tao. Shet! Basang basa nako kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha ko at braso. Wala ring silbi, Basa na din -_- Ang malas ko naman ngayon. Hindi kasi uso sakin mag dala ng payong e pabigat lang sa bag. Walang tigil parin sa pag buhos ang napaka lakas na ulan. Nilalamig na ko, Parang mag kakasakit pa ata ko. Basang basa na yung uniform ko.
Yakap yakap ko ang sarili ko at bahing na din ako ng bahing. Nagulat ako ng may dumating na lalaki at sumilong din sa waiting shed. Naka jacket siyang black at naka payong na black. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Dahil na din siguro sa madilim. Wala manlang ilaw dito sa waiting shed. Tanging ilaw lang sa poste ang nag sisilbing liwanag. Tsk. Nakakatakot itsura neto. Tss. Kung may balak man siyang masama sakin. Ready ako! Don't mess with me or else you will see The Fvcking ANGEL FROM HELL ABBY! Wag lang niya kong subukan. Kahit nilalamig ako Baka mapatay ko siya. Syempre joke paranoid ko putek HAHAHA.
Yakap yakap ko parin ang sarili ko. Fvck! Napaka lamig! Nagulat ako ng dahang dahang lumalapit sakin yung lalaki. Shet!
"Hoy! Anong Binabalak mo! Wag mong itutuloy yang binabalak mo! Binabalaan kita. Kung ayaw mo pang mapunta sa Impyerno lumayo ka." Nagulat ako ng malapit na siya sakin. He just smile sarcastically. Baliw ba to?
"Tsk. Crazy..." Ako pa ang baliw? Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinubad niya ang kanya itim na jacket at isinuot sakin bango ha. Ngayon naka black V-neck shirt nalang siya. Di naman siguro siya mahilig sa Black noh? -_-
"Tara..." nagulat na lang ako ng hawakan niya ko sa wrist at hinila palapit sa kanya. Ngayon naka akbay na siya sakin habang hawak niya ang kanyang payong para mapayungan ako. Tinanggal ko ang kamay niya na naka akbay sakin. At tinanggal yung jacket niyang na katawan ko at binalik yun sa kanya.
"Hoy lalaki! Tingin mo sasama ako sayo? Ni hindi nga kita kilala. Hihintayin ko nalang ang pag tila ng ulan. Kaya umalis kana di ko kailangan ng tulong."
"Hanggang ngayon siga ka pa din" mahina niyang sabi.
"Ano? May sinasabi ka ba?"
"Nothing.. Matagal pang hihinto ang ulan at may bagyo ngayon."
"Eh pake mo? Nasa waiting shed naman ako e. WAITING SHED!" pag tataray ko at pinag diinan ko talaga yung Waiting Shed.
"Tska kaya ko sarili ko! At hindi ako sasama sa taong di ko kilala! Kaya umalis kana."
"Really? You can't remember me?"
Tinitigan ko siya na naniningkit pa ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinilabutan ako. Tska ko lang na realize na siya..... siya yung lalaking bumaril kay Joan yung nag ligtas sakin.
"I-Ikaw?" Na utal utal ko pang sabi at nabahing na naman ako. Napa tingin siya sakin. Wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.
Binalik niya ang Jacket sakin at kinuha ang bag ko. Inakbayan na niya ulit ako at pinayungan.
"Tara na. Baka mag kasakit ka pa."
Nag lakad na kami sa madilim na kalsada. Maya maya ay pumasok kami sa isang papasok at may mga bahay.
"Teka hindi ako taga dito!" sabi ko.
Tuloy parin kami sa pag lakad at hindi niya ko pinapansin. Hanggang sa mapadpad kami sa isang Maliit na apartment. Kinuha niya ang susi sa kanyang Bulsa.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...