August (Monday)
Dalawang buwan na ang lumipas simula ng mag umpisa ang School year napaka bilis nga naman ng araw. Lunes ngayon at dahil lunes may Flag ceremony sa Covered Court. Maagang pumasok ang lahat ng estudyante lalo na ang 2nd section. Kailangan nilang umattend ng Flag ceremony tuwing Monday. Bawal din ang late dahil sa higpit ng kanilang Adviser. Pero si Ellaine mukhang di parin mag babago always late parin na kasalukuyang nakapila sa labas dahil hinaharang na ng guard ang mga late.
After ceremony agad nag balikan ang bawat estudyante sa kanilang mga silid. Ganun din ang 2nd section na kinakabahan ang lahat dahil nag bilin ang kanilang adviser na kakausapin sila nito pag katapos ng Flag ceremony.
Ang bawat isa ay nang huhula kung ano ang sasabihin o ibababa ni Mrs. Tenorio sa kanila.
Nagulat ang lahat ng pumasok na si Mrs. Tenorio sa loob ng Classroom. Mas kinabahan sila dahil hindi siya ang kanilang first subject ngayon. Pumasok itong seryoso habang nag lalakad papunta sa Teacher's table. Mapapansin sa kanya ang mahaba at itim niyang buhok na sobrang tuwid na sumasabay ang pag hawi sa kanyang pag lakad. Pati ang bangs niyang hanggang kilay. Lalo na ang bawat tunog ng kaniyang hakbang na nag mumula sa kaniyang itim na boots.
Pag dating niya sa teacher's table agad niyang nilapag ang kanyang bag at humarap sa buong klase at ngumiti.
"Okay, Good Morning Ponce. I have an Announcement." bungad ng kanilang guro.Dahil sa sinabi ng guro mas lalong na-excite ang 2nd Section na may halong kaba.
"Ano kaya yun? Diba si sir. Elo first subject natin ngayon." Bulong ni Nimfa sa kaibigan na si Krista.
"Oo nga e." Walang ganang sagot niya kay Nimfa at nagkibitbalikat nalang.
"Okay! Wag kayong kabahan ako lang to."
Na ikina ngiti bigla ng buong klase.
"May new classmate kayo from Pampanga. Halika ija pasok ka."
May pumasok na babae na medyo Chubby, kulot na mahaba ang buhok, katamtaman ang tangkad at kayumanggi ang kulay. Agad namang nag bulungan ang ilan sa kanila.
"Okay Ms. Sanggalang, Introduce yourself. Wag kang mahiya di nangangain ang mga yan. Maiingay nga lang." May ilan sa kanila ang nag side comments at ang iba naman ay tumawa. Bigla silang natahimik lahat ng bigla ng mag salita ang babaeng nasa harapan.
"Hi I'm Joan Sanggalang nice to meet you all." Nahihiya niyang sabi at yumuko. Napansin ni Angielyn na nanginginig ito habang hawak ang bag niya dahil ito'y naka upo sa unahan ng first row.
"Okay! Ponce Pakitunguhan niyo ng maganda si Joan ha? Okay Joan take your seat, doon may bakante." turo ni Mrs. Tenorio ang bakanteng upuan sa likod ni Nimfa.
Dumiretso na sa bakanteng upuan si Joan. Ang buong 2nd section naman ay nag bubulungan. Samantalang hindi naman mapakali si Ronalyn.
"Anong nangyayari sayo?" Nag tatakang tanong ng katabi niyang si Jaylan. Nag karoon na sila ng seating arrangement kaya si Jaylan ang katabi niya na nasa pinaka dulo ng Row 1.
Napatingin naman sa kanila si Abby at Trixi na nasa harapan nila. Nag katinginan si Jaylan at Abby.
"Anong meron?" tanong ni Abby.
"Ito kasing si Ronalyn." sagot naman ni Jaylan.
"Anong nangyari Rona?" nag aalalang tanong ni Trixi.
"Ewan ko? di ako mapakali nung nakita ko yung transferee." Nanginginig na sabi ni Ronalyn habang naka yuko. Hinawakan naman siya ni Jaylan sa balikat para pakalmahin.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...