Chapter 41: Brother

16 3 0
                                    

Dwight's POV:

Dali dali akong pumunta sa lugar na ngayon ko lang ulit binalikan. Lugar na ayaw ko na sanang balikan pa.

"Lumabas ka dyan! Harapin mo ko! Lumabas ka dyan!"

Lumabas ang isang medyo may edad na babae. Ngayon ko lang ulit siya nakita.

"S-Sir. Z, I-Ikaw po ba yan?"

"Asan siya? Manang Lorie, Nandyan ba siya?"

"Wala po dito ang Daddy niyo. Umalis po kanina pero parating na po iyon."

"Kailangan ko lang siyang makausap."

"Sir. Z, Pumasok muna po kayo at sa loob niyo na po siya hintayin."

"Sige po Manang Lorie, Dito nalang ako sa labas mag hihintay. Hindi ko kayang pumasok sa bahay na yan"

"Sige po sir Z."

Habang nag hihintay ako, Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan muna si Abby.

"Hello..."

"Hello? Kamusta kana?"

"Okay na ko Dwight."

"Sure ka?"

"Opo."

"Good to know. Babalik ako dyan ha? May pinuntahan lang ako."

"Ha? Wag na loko to. Okay nako wag kana mag alala."

"No. Babalik ako."

"Dwight naman."

Biglang dumating ang isang familiar na sasakyan.

"Mamaya nalang ha? Basta babalik ako dyan. I love you."

"Ang kulit. Sige ingat ka I love you too. Bye."

Inend ko na agad yung tawag at binalik sa bulsa ko yung phone.

Bumaba mula sa sasakyan ang isang lalaki na kinamumuhian ko ng sobra. Tuwing nakikita ko siya hindi ko masikmura lahat ng kawalangyaang ginawa niya.

"Ohh! What brought you here my son."

"Don't call me your son."

"I miss you so bad, I'm glad you're here."

"If you miss me? I don't care.. I'm here because I want to talk to you." cold kong sabi.

"Okay, Let's talk about this inside."

"No... I don't want to enter to that house again."

"Okay then? What do you want?"

"Alam mo bang muntik ng mamatay si Abby dahil sa kawalanyaan mo!"

"Wooh! What are you talking about?"

"Don't act like you don't even know what happened a while ago! Yung pag sabog ng bus?! Hindi bat ikaw ang may kagagawan ng pag sabog?!"

"I don't know what you are talking about Zander? Don't blame me! I don't even know about the bomb or the explosion."

"Wag ka ng mag maang maangan! Eh sino pa ba may kagagawan nun!? Nandito ko para sabihin sayo na wag na wag na wag mong susubukan ulit saktan si Abby! Dahil pag may nangyari sa kanya hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo! Ilang beses mo ng muntik mapatay si Abby! At sisiguraduhin kong huli na to! Dahil di na kita hahayaang masaktan siya ulit!"

Sinuot ko na ang helmet ko at agad ko ng nilisan ang lugar na iyon. Sobrang galit na ang nararamdaman ko sa tatay ko. Yes! Tatay ko siya! Alam kong siya ang nasa likod ng lahat ng to. Lahat ng nangyayari sa 2nd section. Siya ang nag uutos na ipapatay sila. Alam kong plano na niya to noon pa man. Pinigilan ko siya pero hindi niya ko pinakinggan. Lumipas ang ilang taon, pagkabalik niya dito sa pilipinas galing Japan. Nalaman kong itutuloy niya talaga yung plano niya. Kaya nag decide akong lumayas at iwan siya. At simula ng umalis ako sa bahay na yun. Tinakwil ko na din ang pagiging isang Namco. Lahat ng iniwan ni Mom sakin na mga negosyo pinapatakbo ko parin yun ng ako lang.

Kinain na ng pag hihiganti si Dad, Alam kong kahit si Ate hindi natutuwa sa ginagawa ni Dad. Kahit pa sabihin ni Dad na para sa hustisya ni Ate yun. Alam kong hindi rin gusto ni Ate ang pinag gagawa niya gusto man niyang makuha ang hustisya pero hindi sa ganung paraan. Yes! I'm Dwight Zander Namco, the brother of Dwanian Zandra Namco na Pinatay 5 years ago na kabilang sa 2nd Section.

Oo masakit para sakin na mawala si Ate ng ganun lang. Na pinatay siya ng sarili niyang mga kaklase tapos pag katapos nilang patayin si Ate pinatay nila sarili nila? How pathetic! Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba lahat ng sinasabi at akala ng mga pulis at mga taong may alam about dun. Kasi ako mismo sa sarili ko ang hirap paniwalaan. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba, kasi alam kong may mali. Pero sobrang tagal na ng pangyayaring yun pero di parin nabubuksan ang katotohanan.

Dumaan muna ko sa isang store para ibili si Abby ng cream'o na favorite niya. Pinaharurot ko ang motor ko at narating ko rin ang bahay nila Abby.

Pinapasok naman ako ni Tita at pinuntahan ko si Abby sa kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses.

"Arteu... Gising ka pa ba?"

Maya maya ay binuksan na niya ang pinto ng kwarto.

"Talagang pumunta ka?"

"Syempre sabi ko naman sayo."

Pumasok na ko at umupo siya sa kama niya.

"Eh saan ka ba galing?"

"May dinaanan lang ako."

"Okay"

"Ano okay kana ba?"

"Yes."

"May dala ko para sayo." iniabot ko sa kanya ang binili ko kanina.

"Haha! Yey! Gagaling nako lalo neto. Thank you bakla!" Tumayo siya at niyakap ako.

"Always welcome My Amazonang Angel"

"Abno!" hinampas niya ko sa braso.

"Aray! Aray! Masakit!"

"Luh? O. A ha?"

"Haha joke lang." Niyakap ko siya mula sa bewang at hinalikan siya sa noo.

"I love you My Princess. Hinding hindi ko na hahayaang malagay ka ulit sa kapahamakan at masaktan ka ulit, Promise ko yan."

"Talaga? Hahaha" natatawa niyang sabi.

"Yes! Promise! Don't laugh at me, I'm serious."

"Thank you, Dwight." sabi niya at ngumiti.

"Ay. Muntik ko ng makalimutan may ibibigay nga pala ko sayo."

"Ha? Ano yun?"

Kinuha ko sa bulsa ko yung maliit na box na rectangular. Iniabot ko iyon sa kanya.

"This is for you My Princess."

"Ano naman to?"

"Just open it." Dahan dahan naman niyang binuksan.

"Hala? Wait! I-Ito yung kwintas dun sa mall diba? Hala? Binili mo?"

"Yes. Para sayo."

"Hala ano ka ba! Ang mahal niyan, hindi mo naman kailangang bilhin para sakin to."

"Mas mahal kita, Kahit mag kano pa yan wala ng hihigit pa sa mga ngiting guguhit sayong mga labi."

"Ayah!"

"Gagawin ko lahat mapasaya ka lang mahal ko."

"Corny mo oy! Hahaha."

"Astig ba? Haha"

Kinuha ko sa box yung kwintas at isinuot ito sa kanya.

"You look so perfect."

"Sus! Haha. Ang cute talaga nung Angel."

"Mas cute ka parin"

"Abnormal. Haha. Thank you sa lahat lahat Dwight."

Niyakap niya ko at niyakap ko din siya. Hinding hindi ko na hahayaang mapahamak ka ulit Abby. Pangako yan.

----------

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon