Nagulat ang buong 2nd section dahil nabalitaan nila ang nangyari kay Monalisa. Ngayon ay lima na sa kanilang mga kaklase ang namatay. Hindi nila alam kung anong gagawin nila pati ang mga magulang ng mga biktima. Pati ang Principal at mga teacher's sa FCA ay nangangamba na.
Habang nag kakagulo ang mga tao. Nasa rooftop naman ng FCAcademy si Missy at Ace.
"Hanggang kailan natin itatago ang relasyon natin Missy?"
"Ace, Alam mo namang Madaming Advantages at Disadvantages pag nalaman nilang may relasyon tayo."
"Missy 1 year na nating tinatago to. Hirap na hirap nako. Yung kailangan pa nating patagong mag kita at mag usap. Minsan gustong gusto kitang yakapin pero hindi pwede. Missy naman!"
"Ace? Tska na natin pag usapan yung mga bagay nato. Madami pa tayong pinag dadaanan sa mga panahon nato. Sunod sunod na namatay yung lima nating kaklase. Kahit ako na Class President eh?Walang magawa, Baby You know naman kung gaano kita kamahal diba? Kaya sana intindihin mo yung sitwasyon natin."
"Yes, I know. But, Missy ang hirap hirap kasi. Kailan pa ba natin dapat pag-usapan to? Kung kailan huli na?"
"Hindi lang naman ikaw ang naiipit dito ako din naman. Ayoko ng palakihin pa to. Please tama na."
"Okay baby I'm sorry." At niyakap ni Ace si Missy at hinalikan ito sa noo. Ngumiti lang si Missy sa kanya at niyakap din ito.
"I love you so much baby." Sabi ni Ace at hinalikan si Missy sa labi.
"I love you more baby" sagot naman ni Missy.
"Tandaan mo nandito lang ako lagi ha? Babantayan at susuportahan ka. Kasama mo ko sa lahat baby tandaan mo." Seryosong sabi ni Ace sa kanya at tanging tango at ngiti lang ang nasagot ni Missy.
"Tara na baka hinahanap na nila tayo." Mag kahawak kamay na bumaba ang dalawa mula sa rooftop.
Agad na bumalik ang dalawa sa kanilang classroom pero nauna si Missy at nag pahuli si Ace para hindi sila mahalata.
"Missy saan ka ba galing? kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Agnes. Pinapatawag tayo sa faculty." Sabi ng kanilang Class Vice President na si Jerick.
"Ha? Bakit daw?"
"Kakausapin daw tayo tungkol sa nangyayari ngayon. Sa sunod sunod na pag kamatay ng Lima nating kaklase." Nag katinginan si Ace at Missy ng pa simple at ngitian ni Ace ito na nag sasabing 'Go, Kaya mo yan'.
"Ah sige tara na." Agad nag tungo si Jerick at Missy sa kanilang guro.
Maraming sinabi itong paalala para mabantayan ang iba nilang kaklase. Kailangan nilang mag ingat ng sobra. Dahil hindi nila alam kung sino ang gumagawa nito.
Agad din silang bumalik sa kanilang Classroom upang paalalahanan ang buong 2nd section. Tahimik lang si Joan sa kanyang upuan at nag ce-cellphone. Dahil nga sa transferee ito wala pa siyang masyadong close. Kahit siya takot na takot na din sa mga nangyayari. Iniisip niya na sana hindi nalang siya nag transfer baka kasi ano pang mangyari sa kanya. Hindi lang si Joan ang nakakaramdam ng takot kundi pati din ang buong 2nd section.
-------
Kinabukasan maagang pumasok si Ace. Papasok pa lang siya sa gate ng FCA nang mag vibrate ang phone niya. Naka tanggap siya ng isang text mula sa isang Unknown number.
From: 09351234567
Baby, nandito ako sa rooftop ng academy. May importante akong sasabihin.
Agad namang nag madaling pumunta si Ace sa rooftop. Ni hindi niya napansin na iba yung number na nag text sa kanya. Habang nag tatakbo siya sa corridor naka salubong niya si Jeffrey. Tinanong siya nito kung saan pupunta pero hindi niya pinansin ang kaklase. Napakamot ulo nalang si Jeffrey sa inasal ng kaklase. Papunta ngayon si Jeffrey sa AVR, dahil inutusan siya ng kanilang guro sa Chinese Mandarin nilang subject.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...