Abby's POV:
Maaga akong gumising kasi Monday na naman kahit napuyat ako kagabi ka iisip ng kung ano ano dahil sa nangyari kahapon, dagdag pa yung isang text. Na nalaman kong lahat pala kami ay sinendan.
Kailangan kong mag madali. Nag madali nakong kumilos,nag ayos at kumain. Pag katapos nun ay lumabas nako ng bahay, nakita kong may motor na naka parking sa tapat namin at naka sandal ang isang lalaki.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit? Masama bang sunduin ka?"
"At bakit mo naman ako susunduin ha?"
"Ito eh, Hahatid lang kita."
"Bakit boyfriend ba kita?"
"Bakit gusto mo ba?" Natameme ako sa sinabi nya.
"Che!Ewan ko sayo!" Nag lakad nalang ako. Pero pinigilan naman niya ko.
"Hey! Ano ba aga aga napaka sungit mo. Ihahatid lang naman kita."
"Eh? Sa ayaw ko eh!"
"Bakit naman ayaw mo? Sa gwapo kong to. Tsk."
"Gwapo? Ha-Ha-Ha! Hoy mister Namco Hindi ka gwapo!"
"Bakit may sinabi ako?"
"Oo kaka sabi mo lang kanina."
"Eh? Wala kaya."
"Meron!" Buset to ah. Nang aasar pa.
"Bakit? Hindi ba?" Sabi niya sabay kindat. Inirapan ko naman siya. Nakakainis talaga siya. Nagulat ako ng bigla siyang kumanta.
"Sorry na Abby ko
wag ka ng mag tampo
Ano mang nagawa ko sana'y
patawarin mo.Tignan mo
di bagay pag naka
simangot ka, Mahal ko
para sakin ngumiti ka na."Ang ganda ng boses niya na ikina ngiti ko bigla. First time kung marinig na kumanta siya.
"Ayun,ngumiti na siya. Sus, kailangan mo pang kantahan para mapangiti, Alam ko na kung anong gagawin pag galit ka. Haha! Ano bati na tayo? Amazonang Angel?"
"Di ako ngumiti!"
"Hindi daw e kitang kita ko."
"Oo na!tara na late na ko!"
"Yesss! Let's go."
Umangkas nako sa motor niya, nakaka panibago kahapon lang halos makipag karera siya sa mga sasakyan kung mag patakbo. Ngayon ang bagal, Anong meron?
"Anong nangyari sayo?"
"Ha?"
"Ang bagal mo kasing mag drive, di tulad kahapon halos patayin mo na ko."
"Ah, Syempre baka magalit ka na naman eh. Kaya easy lang."
Lumiko na kami kung saan yung school ko, habang papalapit kami ng papalapit napapansin kong napaka daming tao sa Gate. May mga estudyante at ang nakaka pag taka may pulis at ambulansya din. Ano kayang nangyari?
"Dalian mo."
Pag hinto ng motor agad akong bumaba at nag lakad papunta sa maraming tao. Iniwan ko si Dwight pero sinundan naman niya ako agad.
"Wait!"
"Ano kayang meron dalian mo nga." Hinila ko siya papunta sa maraming tao. Nakita ko si Shyne, Jaylan at Ronalyn.
"Anong meron?"
Napansin kong umiiyak si Shyne, habang nag uusap naman si Jaylan at Ronalyn na halatang nagulat sa pag dating ko.
"Ah. Abby ikaw pala tignan mo." Malungkot na sabi ni Jaylan sabay turo sa ibabaw ng gate.
"Shett!" Narinig kong mura ni Dwight na nasa gilid ko. Nakatingin ito sa tinuro ni Jaylan. Kaya napatingin nalang din ako.
"H-Hienz!" Napasigaw nalang ako na naka agaw ng atensyon ng iba. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mandidiri ba ko, maawa o maiiyak. S-Si Hienz, Bakit si Hienz? Kahapon lang nakita ko siya sa mall,tapos ngayon makikita ko siyang ganto? Naka sabit siya sa pinaka tuktok ng gate ng FCA. Naka lawit ang dila, Naka dilat ang mga mata at puro dugo ang katawan. Napaka brutal ng ginawa sa kanya. Ano ba kasing nangyayari! Napa takip nalang ako ng dalawang palad sa mata ko at di ko na napigilang maluha. Dahil naalala ko na naman lahat ng mga namatay naming kaklase. Tapos ngayon ito na naman. Naramdaman ko namang may yumakap sakin.
"Shhh!" Pag papatahan niya sakin at tinapik tapik ang ulo ko habang yakap niya parin ako.
Kumalas siya sa pag kakayakap at Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko.
"Ayaw na ayaw kong makaka kita ng babaeng umiiyak, lalo na kung ikaw. Stop crying please! Nasasaktan ako."
Nagulat ako ng hilain niya ko palayo sa lugar na yun. Ngayon nandito kami sa di kalayuan pero walang tao. Tinitigan niya ko. Sa bawat titig niyang malalalim, parang may gusto siyang sabihin.
"Stop crying please.. I don't want to see you again crying. Wag kang maging mahina. Nakilala kita bilang isang matapang na tao, isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko sayo. Akala ko ba matapang ka?" Seryoso niyang sabi habang naka tigin parin ng diretso sa mga mata ko. Oo matapang ako sa pisikal pero kung sa emosyon lang aaminin ko napaka hina ko.
"Look! Abby, Wag mong ipakita na mahina ka. Nasa paligid lang ang mga kalaban. Tingin mo ba malulungkot sila kung makikita ka nilang ganyan? Hindi lang ikaw kundi pati narin ang mga kaklase mo. Hindi malulungkot ang nasa likod ng mga nangyayaring to sa katunayan ikasasaya pa nila yun. Once na pinakita niyong nagiging mahina kayo sa mga nangyayari nato. Natutuwa sila, Bakit? Dahil alam nilang nag tagumpay sila sa kung ano mang binabalak nila. Hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin sa inyo or sayo. Hindi niyo kilala kung sino ang tunay na kalaban sa laban na ito. Hindi lahat ng nasa paligid mo kakampi mo. Always remember that. "
"Basta tandaan mo yung pangako ko na ikaw naman ang proprotektahan at ipag tatanggol ko. Okay?" seryoso nitong sabi at niyakap ako.
Sa bawat sinasabi ni Dwight, nakaramdam ako ng kagaanan sa pakiramdam. Alam kong may dahilan kung bakit nag kita ulit kami. At nag papasalamat ako kasi nandito siya ngayon.
------
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...