Missy's POV:
10 - Ponce
Agnes TenorioMrs.Tenorio - Cabinar
Aranzado - Garzon
Remonida - Domingo
Martin - Balane
Rebellon - Goring
Rabe - Carabeo
Barcela - De Guzman
Diama - Magno
Clacio - Pricones
Ramos - Bumalay
Catipan - Dela Cruz
Dela Pena - Cruz
Rubio - Peñas
Supsupin - SabordinoIniabot sakin ni Ma'am Agnes ang listahan ng mga mag kakatabi sa 'Bus B' para sa Fieldtrip bukas. 2 weeks narin ang lumipas simula nung kaganapan sa bahay nila Shyne at dalawang inosente na naman ang nawala. Tinignan ko ang mga apelyido na nasa listahan kung sino ang mag kakatabi. So? Si Ma'am pala ang katabi ko. May mga sarili namang bus ang bawat section.
Pumunta na ko sa classroom, mula sa faculty ng Science. Sinalubong naman agad ako ni Marlou at inisyuso ang dala kong papel.
"Ano yan?"
"Listahan ng mag kakatabi bukas sa bus para sa Fieldtrip."
"Patingin."
Kinuha niya mula sa kamay ko ang hawak kong papel. Nagulat siya kung sino ang katabi niya.
"Yah?! Bakit ibang section katabi ko?"
"Si Shyne din naman."
"Eh, Dapat kami nalang ang pinag tabi."
"Bawal pag tabihin ang babae at lalaki. Kaya ayan"
"Kakaurat naman."
"Wag kana mag reklamo, Wala kadin namang magagawa."
Pumasok na kami sa loob at tumayo ako sa harap at kinalampag ng tatlong beses ang Teacher's table para makuha ang atensyon nila at di naman ako nabigo dahil natahimik silang lahat at ngayon lahat ng mata nasakin nakatuon.
"I have an announcement, Please lang wala munang side comments. Hindi ko kailangan ng side comments at mga walang kwentang salita. Hayaan niyo muna kong matapos sa pag sasalita." Seryoso kong sabi at nag pakawala ng isang malalim na buntong hininga bago ulit mag salita. Tahimik lang silang lahat.
"Kakabigay lang ni Ma'am ng listahan para sa seat plan sa bus bukas para sa field trip , Ito." Sabi ko at itinaas ang papel na hawak ko.
"Babanggitin ko lahat ng mag kakatabi dito."
Habang binabanggit ko na isa isa ang mag kakatabi para bukas. Nag uumpisa na silang mag kaingay. Ang iba'y masaya sa katabi nila. Ang iba naman ay nagulat at ang iilan ay di matanggap ang makakatabi nila.
"May tanong pa ba kayo? Kung meron man kayong reklamo, Kay Ma'am kayo pumunta."
Biglang nag taas ng kamay si Ronalyn.
"Yes?"
Tumayo ito at nag simula ng mag salita.
"Saang bus tayo? At ano ang unang pupuntahan bukas?"
"Bus B tayo, Kung ano ang unang pupuntahan ay di ko alam."
"Okay thank you."
"Wala na bang ibang tanong?"
Nag taas naman ng kamay si Beo at tumayo.
"Yes, beo?"
"Anong time na dapat nandito na sa school?"
"Before 5:30 dapat nandito na sa school."
"Salamat."
"A few reminders lang, Mag baon na kayo ng maraming foods and drinks baka mahal ang bilihin doon at baka matagalan ang byahe."
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...