Chapter 27: Why?

42 5 0
                                    

Abby's POV:

Nasa byahe kami pauwi ng biglang mag vibrate yung cellphone ko. Isang text ang natanggap ko mula sa kanya.

From: Dwight

Where are you? Can we talk?

Agad ko naman siyang nireplyan.

To: Dwight

Nasa byahe ko,Pauwi na kami.

Bigla akong kinabahan, Kaya ko na kaya siyang harapin? Hays. Bigla na naman ulit nag vibrate yung phone ko.

From: Dwight

Okay I'll wait for you then nandito ko sa labas niyo.

Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay mas lalo akong kinakabahan.

"Ate okay ka lang ba?" Nagulat ako ng biglang mag salita yung kapatid ko.

"Ano ba! Nang gugulat ka."

"Sus, iniisip mo na naman si Kuya Dwight. Wag mong isipin yun, Mahal ka nun."

"Che!"

Nang huminto na ang sasakyan, Nauna na kong bumaba agad kong nakita si Dwight naka yuko at ang dalawang braso naka cross sa kanyang dibdib at naka sandal siya sa kanyang motor. Naka itim itong Jacket as always.

"Hmmm." Pang aagaw ko ng pansin niya.

"A-aabby." Nagulat siya ng makita ako, Ngumiti lang ako.

"Oh, Ikaw pala Dwight pasok na kayo sa loob." sabi ni papa.

"Good Evening po tita,tito." Lumapit ito at nag mano sa kanila.

"Oh pasok muna."

"Hindi na pa, Sandali lang naman siya mag uusap lang kami." Pag singit ko sa usapan nila at hinila si Dwight.

"O sige, Dalian niyo at gabi na."

"Opo."

Pumasok na sila at naiwan na kami ni Dwight sa labas.

"Anong pag uusapan natin?" Sabi ko habang naka tingin sa baba. Hindi ko talaga siya kayang tignan sa mukha.

"Abby... Una gusto kong humingi ng sorry sa nagawa ko kanina. Nabigla lang ako, Sorry."

"Wag ka sakin humingi ng tawad kay Green ka humingi ng tawad. Siya yung nasapak hindi ako."

"Sige kung yun ang gusto mo."

"Sige, Tapos na? May sasabihin ka pa? Pasok na ko." Tumalikod na ko at mag lalakad na sana ng pigilan niya ko. Hinila niya ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Wait! Abby naman, May problema ba? Kung meron sabihin mo naman oh? Nag mumukha na kasi kong tanga eh. Kaiisip kung ano bang problema? Kung meron man oh! Please Sabihin mo. Nahihirapan na kasi ko."

"Hindi lang ikaw yung nahihirapan dito Dwight." Hinarap ko siya at ngumiti ng mapait. "Walang problema, Kaya okay na? Papasok na ko." Damn! Dwight naman papasukin mo na ko oh. Di ko na kaya babagsak na yung luha ko. Hindi ko kayang makitang ganyan ka. Ayaw ko din na nakikita mo kong umiiyak.

"Abby naman oh! Nag mamakaawa ako,Hindi ko na kaya. Miss na miss na kita, Yung dating tayo."

"Dating Tayo? Dwight Walang Tayo! Kaya pwede ba? Ayaw ko na! Walang tayo at walang magiging tayo!" Nabitawan niya ang kamay ko. Napatakip nalang ako sa bibig ko, Hindi ko inaasahan ang lalabas sa bibig ko. Halatang nasaktan ko siya sa mga sinabi ko.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon