Chapter 39: Boom!

16 2 0
                                    

Missy's POV:

3:30 na ng umaga pero hindi parin ako nakakatulog. Field trip na mamaya, Ano kayang magaganap? Hindi ako maka tulog sa kaka isip ng mga posibleng mangyari. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na mag isip ng di maganda. Bwisit na mga killers yan. Bakit ba nila ginagawa to? Kaka stress ha? Pag nalaman ko lang kung sino sila kakalbuhin ko talaga sila. Kabanas!

Hindi talaga ko mapakali. Ano nalang gagawin ko? Nakaka gago naman e, Wala talaga kong magawa. Marami ng nawalang buhay ayaw kong madagdagan na naman. Nakakainis!

------

Halos ilang oras na akong nag iisip isip. Kung sumasabog lang utak baka sumabog na yung akin sa sobrang pag iisip kanina pa.

Tinignan ko kung anong oras na 4:50 na. Tumayo na ko at nag ayos, inayos ko na din ang mga gamit ko kailangan nandun nako bago mag 5:30 dahil aayusin ko pa sila. Nag pahatid nako kay Kuya.

"Missy, Mag iingat ka ha? mag text ka lang o tumawag samin kapag nag karoon ng problema. Take care!"

"Opo Kuya, Ingat ka po."

At umalis na din ito pag ka hatid sakin.

Nakita ko ding naka parada na sa labas ng school lahat ng bus. May iilang estudyante na din akong nakikita. Hinanap ko agad ang bus B, Baka sakaling may kaklase na kong nandun. Nakita ko si Paulo at Jeffrey at parang may inaabot sa ilalim ng Bus.

"Oy! Ginagawa niyo? " nagulat naman sila.

"Oh Missy ikaw pala." naiilang na sabi ni Paulo. Matagal ng may gusto sakin si Paulo, nanligaw siya nun. Pero dahil si Ace ang mahal ko. Busted siya.

"Asan na yung iba?"

"Wala pa ata. Pero yung tatlo nandyan na kanina e. Nawala. " sagot ni Jeff.

"Sinong tatlo?"

"sila Abby, Ellaine at Jamie. "

"ah. Eh yung iba?"

"wala pa nga. " sabat ni paulo. Haha oo nga pala kakasabi lang nila kanina. Missy lutang!

"Natulog ka bang bata ka ha?" sabi ni Jeffry.

"Sabi kasing mag tutulog ka e."

"Ewan ko sa inyo."

Maya maya sumulpot sa likod ko si Jaylan at Beo na mukhang kakarating lang.

"Hey guys!"

"Hello!"

"Oh pre!"

Ayun nag usap usap silang apat kaya ayun! Out of Place si ako. Hays. Iniwan ko na sila at hinanap si Ma'am Agnes. Habang nag lalakad ako feel ko may naka tingin sakin. Shookkk! Ang creepy ha. Habang nag lalakad ako naka yakap sa sarili ko kahit naka jacket nako e ang lamig pa din. Napa hinto ako at lumingon sa likod ko pero wala namang tao at ayun nga.

*Buggshhh*

"Wahhhhhh! " may nabangga ako at napa upo ako sa daan at nag sisigaw sa sobrang gulat.

"Hey! Missy, I'm sorry. Natakot ata kita. Ako to!"

Natahimik ako at tinignan siya.

"V-Ven-son?"

"Oo ako nga." inabot niya sakin ang kamay niya at tinulungan akong tumayo.

"I'm sorry kung nagulat kita ha. Nag lalakad lakad kasi ako tapos napansin kita. Kaya nilapitan kita, Eh? Nagulat at natakot ata kita. "

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon