October
Dalawang buwan na ang lumipas.
Ang buwan na yun ay hinding hindi nila malilimutan lalo na ang buong 2nd section. Sa buwan ng August marami ang namatay sa kanilang klase. Pati ang isang guro ay na damay. Naging tahimik ang buhay ng buong 2nd section pati narin ang FCA, sa buwan ng September. Dahil natapos ang buong month ng September na walang namamatay. Thankful sila dun, kaya nawala na ang pangamba ng buong Campus especially THE 2ND SECTION.Nananahimik na nga ba ang mga killer o nag papahinga lang? HAHAHA. (evil laugh)
October 1st ngayon, ngayon din ang araw ng kanilang Intramurals. Masaya ang lahat na umattend sa kanilang Intramurals. Kanya kanyang porma, may mga kikay, mga astig, may mga simple pero syempre hindi mawawala ang mga Jeje. (A/N: Orayttt! HAHAHA! Epal ako! Okay exit!Hahaha.)
Ang daming estudyante ang nag kalat sa buong campus. Yung iba nasa mga booth, Like Marriage booth, Kiss booth, Jail booth, Blind Date Booth, Abobooth.(At kung ano ano pang klaseng booth.) At syempre hindi pwedeng mawala ang Horror booth.
Nag tipon tipon ang buong 2nd section sa isang room sa 2nd floor. Dahil sila ang na assign para sa Horror Booth. Ayos na ang lahat ng mga gamit sa loob at mga kung ano anong nakaka takot na costume ang suot nila may konting liwanag din pero nangingibabaw parin yung madilim. Napag pasyahan na ang 2nd section ang ma assign para sa Horror booth.
Naka assign si Shyne, Abby, at Ellaine bilang mga White lady dahil sila lang yung may mga mahabang buhok sa klase.
Si Marlou at Beo naman ang naka assign bilang isang Killer na may hawak na kutsilyo (syempre Fake Knife)
Si Jaylan, Paulo at Jeffrey naman para sa sound effects.
Si Jocell naman ang nag panggap bilang isang bampira.
Si Jessa naman ay na assign sa pagiging Annabel. Si Trixi, Ria, Hienz, at Trixi Jane naman para sa pagiging mga tyanak.Si Jamie, Grace, Jerelyn, at Ronalyn ay nag bebenta ng ticket for the booth. At halos iniikot na nila ang buong FCA.
Si Felix, Adrian, Missy, Joan at Francis naman ay ang nag babantay sa entrance at sa exit.Dahil si Missy ang Kanilang Class President. Ito ang nag asikaso sa lahat, Isang buwan na din ang lumipas simula ng mamatay ang kanyang kasintahan. Masakit parin para sa kanya pero kailangan talaga niyang mag Move on at tanggaping wala na ang kanyang mahal. Si Nimfa, Justine, Roxxane, at Darline naman ang nag make up at nag ayos sa kanilang mga kaklase.
"Grace, Ano kamusta yung tickets?" -Missy
"Okay naman yung benta. Tiyak! Marami pang bibili mamaya." -Grace
"Oo nga. Siguradong matutuwa satin si Mama A neto." -Jerelyn
"HAHAHA lagi namang successful ang mga Horror booth every year e. Swerte natin at satin napunta ang Horror Booth." -Jamie
"Shhh. Mama A ka dyan baka marinig ka nun. Oo nga magiging successful to." -Ronalyn
"Ano naman?!" -Jerelyn
"Oh! Tama na... Manahimik! Tara na nga mag benta nalang tayo ng ticket ng makarami tayo." -Grace
"Mabuti pa nga!" -Adrian
"Lumayas na kayo. Ingay nyo!" -Francis
"Babe naman. Pinapaalis mo na ko?" Malanding sabi ni Grace.
"Ehhh. Ewan ko sayo." -Francis
"Ang sagwa uyy!" -Adrian
"Che! Tara na nga girls." Sabi ni Grace at umalis na silang apat para mag benta ng ticket.
Si Joan naman tahimik lang sa isang tabi.
"Joan okay ka lang ba?" -Missy
"Hindi nga eh.. Medyo masama pakiramdam ko." -Joan
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Misterio / SuspensoMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...