Chapter 28: Destiny

46 5 0
                                    

Missy POV:

Nagising ako sa sigaw ni Jocell at ginigising niya kami. Nakita kong halos lahat kami naka tulog. Medyo masakit din ang ulo ko. Napatingin ako sa Cellphone ko kung anong oras na. 9:02 pm, medyo nanlalabo pa ang mata ko. Tinignan ko si Jocell na ginigising si Shyne.

"Shyne gising!oy! Gumising kayong lahat!" Natatarantang sigaw ni Jocell lahat kami nagising dahil sa ingay niya.

[A/N: Lalaki po si Jocell]

"B-Bakit ba?" Inaantok na sabi ni Shyne. Napatingin din ako sa iba na halatang antok na antok pa. Ako medyo nahihilo pa.

"Si-Si Francissss! At T-Trixiii!" Natatarantang sabi ni Jocell. Napalingon naman ako at hinanap ng paningin ko si Trixi at Francis. Pero wala sila.

"Shet!" Bulalas ko, Biglang nagising ang diwa ko. Agad akong lumapit kay Jocell.

"Asan sila! Asan si Trixi at Francis!!" Ramdam kong nang gigil nako dahil sa pag hampas hampas ko kay Jocell.

"S-Sa banyo....." naluluhang sabi ni Jocell.

"What?!" Sigaw ni Shyne at agad nag tatakbo papunta sa loob ng bahay nila. Sinundan ko naman siya agad.

"Wahhhhhh!"

Hindi pako nakaka lapit rinig ko na agad ang sigaw niya.

-------

Ria's POV:

Nagising kami sa sigaw ni Jocell. Medyo sumakit ang ulo ko pag angat ko. Hindi ko na matandaan ang mga pangyayari ang huling naalala ko pinainom nila kami isa isa.

"Asan sila! Asan si Trixi at Francis!" Rinig kong sigaw ni Missy kaya lahat kami napa tingin sa kanila. Maya maya nag tatakbo na si Shyne papasok sa bahay nila. Sumunod naman si Missy sa kanya at kami naiwan na mga tulala.

"A-Anong nangyayari?" Tanong ni Grace na halatang kinakabahan kahit man ako sobrang kabog ng dibdib ko. Alam kong may mangyayari ngayon, Mukhang si Francis at Trixi na ang sinunod.

"Ria... Natatakot ako." Sabi ni Trixie Jane at niyakap ako.

"Okay lang yan.." Ramdam kong yumakap din samin si Grace.

Narinig namin ang boses ni Shyne na sumigaw. Kaya mas lalo kaming kinabahan.

---------

Missy's POV:

Agad akong lumapit kay Shyne. Kitang kita ko ang bangkay ng dalawa kong kaklase na punong puno ng dugo. Napapikit mata nalang ako, hindi ko sila kayang tignan. Nakabigti sila, itinali ang lubid sa may bintana. Halos pulang pula na ang buong banyo dahil sa dugo nilang dalawa.

Napayakap nalang sakin si Shyne, naiiyak na siya. Maya maya Dumating ang pamilya ni Shyne na nag silabasan sa kanilang mga kwarto. Marahil nagising sila sa sigaw kanina ni Shyne.

"Anak anong nangyari?" Sigaw ng tatay ni Shyne. Lahat sila nagulat sa nakita nila sa banyo. Biglang dumating si Ronalyn, Ellaine at Jamie. Nagulat sila sa nakita. Ang kaibigan nilang Si Trixi nakbigti at wala ng buhay.

Agad tumawag ng Pulis at Ambulansya ang Daddy ni Shyne. Lahat kami ay pinalabas at tinanong ng mga pulis. Habang nag lalakad, nauna sila kami nalang ni Shyne ang nahuli nagulat ako sa lumabas sa bibig niya.

"Mga mapag panggap." Bulong lang yun pero narinig ko. Hindi ko nalang pinansin.

Maraming tinanong samin ang mga pulis. Iisa isa kaming inimbistigahan. Nag tataka ako, ang tagal ng iniimbistigahan ang kasong to. Simula ng may unang mamatay sa seksyon namin. Pero hanggang ngayon di parin nalulutas.

Lahat kami pare parehas ng dahilan na naka tulog kami. Si Jocell lang ang unang nagising dahil naka ramdam siya ng pag ka ihi.

Mukhang plinano lahat ng ito. Lahat kami ay naka inom ng pina inom nila. At alam kong may nilagay sila dun. Si Jocell alam kong di siya naka inom kasi naka tulog na siya nun. Si Jeffrey at Francis ang nag tatagay, Posible kayang si Jeffrey ang isa sa mga killer? Kung isa siya sino ang mga kasama niya? Pagitan ng 7:30 at mga bandang 8:00 naganap ang pag patay.

"Hoy! Missy tulala ka? Okay ka lang?" Kalabit ni TrixieJane kasama si Grace at Ria.

"Oo okay lang ako." Kailangan ako lang muna ang maka alam ng mga nalalaman ko mahirap na.

"Grace!" Sabay sabay kaming napalingon ng may tumawag kay Grace , si Kuya Venson pala.

"Kuya!" Agad napa yakap si Grace sa Kuya niya. Actually di sila mag kapatid, mag pinsan sila sa pag kakaalam ko. Iniwan ko muna sila at tinawagan ko muna si Kuya na pauwi na ko. Hindi ko na kwenento ang nangyari dahil siguradong mag aalala na naman sila

---------

3rd person's POV:

Masayang nag iinuman ang mga estudyanteng natitira mula sa ikalawang seksyon. Hindi nila alam ang sayang ito'y mapapalitan ng isang madugong krimen na naman.

Iniabot ni Jeffrey ang tig iisang baso upang uminom ang mga kaklase kahit isang maliit na baso lang. Hindi alam ni Jeffrey na may halong pampatulog ito. Kaya naka tulog silang lahat maliban sa tatlong estudyante. Nang maka tulog na sila. Agad pinag tulungan ng tatlo ang katawan nila Trixi at Francis at dinala ito sa CR sa loob ng bahay nila Shyne. Alam nilang tulog na ang pamilya ni Shyne at hindi na rin makaka palag ang dalawang kaklase nila dahil wala itong mga malay.

Kumuha ng Lubid ang dalaga at itinali ito sa leeg ng kanyang dalawang kaklase at pinag tulungan nilang ibigti ang dalawa. Dahilan para tuluyan ng bawian ng buhay si Francis at Trixi.

"Ano? Tapos na? Tsk. Walang thrill!" Inis na lintaya ng dalaga sa dalawang binata.

"Easy lang kosa di pa tapos." Sabi ng isang binata.

"Guys let's do this." Naka ngiting sabi ng isang binata at kinuha ang kutsilyo sa bulsa.

Nag katitigan ang tatlo at sabay sabay ngumiti na akala mo ba mag kaka konekta ang kanilang mga isip. Kinuha din ng dalawa ang kanilang mga kutsilyo at pinag sasaksak ng walang awa ang kanilang dalawang kaklase. Dumanak ang napakaraming dugo sa buong banyo. Nang makontento na ang tatlo agad nilang hinugasan ang kanilang mga kamay at kutsilyong ginamit hindi din mababakas sa kanilang mga katawan ang mga dugo galing sa kanilang pinaslang.

Bumalik sila sa labas at tinignan ang mga kaklase nilang tulog na tulog at walang kaalam alam sa mga nangyari.

"Look at them, mga himbing na himbing. Bakit di nalang natin sila pag papaslangin lahat ngayon din para tapos na."

"Mas wala yung thrill, hindi na nga natin na sunod ang seat plan pag katapos nung kay Jerelyn e. Tapos balak mo pang ubusin sila lahat ngayon agad agad."

"Hayaan lang natin ang bawat lilipas na araw."

Tumabi sila dito at nag tulog tulugan para mapag takpan ang ginawa nilang krimen. Kinalabit ng binata si Jocell upang maalimpungatan ito para magising at bumalik siya ulit sa pag kakatulog para hindi mapansin ni Jocell. Nagising si Jocell, Nagulat siya ng makita ang kanyang mga kaklase na bagsak na.

"Ang hihina niyo mga kosa!" Sabi niya na Feeling naman niya maririnig siya ng mga tulog na tao.

Dahil sa naka ramdam siya ng pag ka ihi.Pumasok siya sa bahay nila Shyne at dumiretso sa Cr. Ramdam niya ang Hilo at sakit ng ulo. Pag ka bukas niya ng Cr hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano ilang beses din niyang kinusot kusot ang kanyang dalawang mata baka nag kakamali siya pero hindi. Kaya dali dali siyang nag sisigaw palabas at ginising niya ang lahat ng kanyang kaklase.

-------

Habang nag kakagulo ang lahat hindi mapigilang mapangiti ng tatlo dahil sa sayang nadarama nila sa mga oras na yon.

"KILLING SOMEONE IS OUR DESTINY." Sabi ng dalaga sa kanyang sarili. Habang tinitignan ang mga nag kakagulong mga kaklase.

---------

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon