Hindi parin makalimutan ng 2nd sectionmga ang pangyayari kahapon. Kung saan nakita nilang patay na ang kanilang kaklase na si Angelyn.
"Grabe be, Hindi ko parin makalimutan yung itsura ni Angelyn. Nakaka awa siya sino kayang gumawa nun sa kanya?" Sabi ni Ronalyn sa kaibigang si Abby.
"Ewan."
"Parang wala lang yung nangyari sayo kahapon ah."
"Syempre nakakalungkot pero anong magagawa ko kung mag mumukmok ako at umiyak katulad nila. Bakit? Pag ginawa ko ba yun mabubuhay si Angelyn?" Sagot naman ng dalaga sa kaibigan. Habang tinuturo ang pwesto nila Justin.
"Sabagay may point ka dun."
Hindi na nag turo ang ibang teacher sa 2nd section dahil alam nilang nag luluksa pa ang mga ito. Pinayagan na sila ng kanilang guro na umuwi nalang at mag pahinga sa bahay pero ayaw nila.
Mag hapon lang silang nasa loob ng classroom.
"Diba plaid yun yung ginagamit pag nag lalaslas ka?" (BLADE) pag bibiro ni Adonis sa mga kaibigan.
"Eh, Corny..." Pang babara ni Francis sa kanya kahit kailan napaka epal.
"Epal diba yun yung kaklase nating? Si Francis... Hahahaha." Nag tawanan naman sila.
"Napaka Seseryoso niyo Tawa naman kayo. Be happy Stay happy ganern."
"Edi shing, Kahit kailan ang corny ng mga jokes mo."
Nang mag bell na nag si uwian na ang lahat. Naiwan naman si Adonis, Beo, Francis, Felix, at Jaylan sa kanilang classroom.
"Pre. Wait niyo ko mag lilinis lang ako"
Si Adonis kasi ang naka assign sa Classroom kaya siya ang palaging nahuhuli ng uwi.
"Pre. 5:30 na oh. Gagabihin na kami, Mapapagalitan kami neto." Sabi naman ni Jaylan.
"Tss. Bakit babae ka?"
"Syempre, delikado na ngayon noh. Kaya mo na sarili mo." Sabi naman ni Francis
"Una na kami, Dalian mo na diyan sige bye." Sabi naman ni Beo at nag lakad na sila paalis.
"Tsk. Tignan mo tong mga to! Abay di man lang ako tinulungan para mapabilis na? Minsan napapaisip ako kung kaibigan ko ba mga yun. Hays."
Nag madali itong nag linis dahil gagabihin na siya. Wala nang tao sa campus dahil 5:30 na. Tanging 2 guard nalang sa gate ang naiwan. I lo-lock na sana ni Adonis ang classroom ng biglang may kumalabit sa kanya.
"Ay palaka!" Napatingin siya sa babae na nasa likod niya.
"Oh, ikaw lang pala kanina pa uwian ah. Di ka pa umuuwi saan ka galing?"
"Wala hinihintay ka." Sabi ng babae at hinawakan sa pisngi si Adonis at ngumiti dahilan para mag blush ito. Matagal na kasing crush ni Adonis ang nasa harap niya simula Grade 9 palang sila.
"Bakit mo naman ako hinihintay?"
"Because I Love you...." malanding bulong nito sa tenga ng binata.
Binuksan ulit ng dalaga ang pinto ng classroom nila at pinasandal si Adonis sa pader.
"I want you.. I know you like me." Pang aakit ng kaklase sa kanya at dahan dahang hinalikan siya sa labi. Nag halikan ang dalawa, nung una Pa dampi dampi lang pero nauwi na sa torrid. Masyadong naging mapusok ang dalawa. Gumagalaw ang kanilang kamay sa iba't ibang bahagi ng katawan ng bawat isa. Na animong pabor na pabor kay Adonis ang mga nangyayari. Ngunit wala siyang kamalay malay sa plano ng kaklase.
May kinuha ang babae sa kanyang bulsa isang maliit na kutsilyo at walang ano ano'y mabilis itong ibinaon sa tyan ni Adonis. Nagulat si Adonis sa ginawa ng babae. At agad niya itong itinulak.
"A-anong gina-awa mo?" Sabi ng binata na takang taka habang naka hawak sa tyan niyang ayaw maawat sa pag durugo.
"Sorry, my handsome Adonis. Pero kailangan mo ng mawala sa mundong to." Sabi ng misteryosong babae at nasundan ng nakaka lokong tawa.
"Pero bakit?"
"Wala lang...." Naka yuko at natatawa niyang sabi habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kanyang kamay na may bahid pa ng dugo ng binata.
"Wala lang? Ang gandang rason! Akala ko ba mahal mo ko?"
"Gago! Mahal mo mukha mo! Akala mo totoo? So stupid? Akala ko pa naman matalino ka! BOBO KA NAMAN pala! Bakit naman kita mamahalin aber?"
"Eh ano yung halik na yun?"
"Tangina Adonis! Hahaha. Di mo parin ba maintindihan? Syempre it's just a play. Akala mo naman mahal kita kasi mahal mo ko? Duh? Tama nga yung Kanta ni Jovit. Too Much Love will kill you. Hahaha sa sobrang pag mamahal mo sakin ayan tuloy. Mamatay ka na. Ewan ko ba sa inyo, Yan kasi problema sa inyo. Grabe mag mahal! Mga Marupok! Pakitaan lang ng konting motibo akala na totoo? So sad! Hahaha. Bye bye! Sweetie pie any last words?"
"Napaka sama mo!"
"Yeah. I know! Hahaha bye!" At binato niya ang kutsilyo at tumama ito sa noo ni Adonis agad dumanak ang dugo papunta sa kanyang uniform at agad itong binawian ng buhay. Hinila ng babae ang kutsilyo mula sa ulo ni Adonis at tska niya nilaslasan sa pulso ang binata na sinisigurado na wala na talaga itong buhay. Kinuha niya ang mahabang alambre at itinali ito sa leeg ng binata at isinabit siya sa gitna ng classroom.
"Ayan napapala ng mga taong sobrang mag mahal. NAMAMATAY!" Tawa siya ng tawa at agad lumabas ng classroom nila na parang walang nangyari.
--------------
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mistero / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...