Chapter 14: Information

61 4 0
                                    

Abby's POV:

Umuwi na ko agad dahil dumidilim na din. Ewan ko ba kasi bakit nag palipas pa ko dito sa school. Si Joan? Tsk. Bahala na sino maka kita sa kanya. Nawala na gutom ko. Totoo nga ba na hindi siya isa sa mga killers? Ay ewan ko,  wala nalang muna siguro kong pag sasabihan ng nangyari ngayon dahil baka ako pa ang maipit at pag kamalan pa ako lalo na isa sa mga killers.

Tutal Walking distance lang yung school papunta sa bahay. Nag lakad ako malamang.

Hindi parin mawala sa isip ko yung lalaki kanina. Parang napaka Inosente niyang tignan. Pero iba yung pakiramdam ko sa kanya. At hindi maalis sa isip ko na baka siya ang pumapatay? Pero edi sana kung siya ang pumapatay o pumatay sa mga kaklase ko edi sana hindi na din niya ko binuhay kanina. Lalo na nakita ko pa mukha niya. Tska kung siya ang killer bakit pa niya ko kakausapin kanina at hinuntuan? Edi sana tumakasnnalang siya agad?  Pero chill pa siya? Eh kung hindi siya?  Sino ba talaga? Tska nakaka sigurado din ako na nasa mga kaklase ko din ang killers dahil sa nangyari nung intrams kung saan halos 2nd section lang ang nasa loob nun. Aish! Nakakabaliw naman.

Pero yung lalaki? Iniisip ko parin kung sino ba talaga siya. WHO THE HELL ARE YOU?

-----

3rd Person's POV:

"Hindi ko hahayaang Mapalapit ka sa kanya o sa kahit isa sa kanila. Sisiguraduhin kong hindi kana makaka hadlang pa. Ayaw ko ng humadlang ka ulit sakin."

Agad niyang isinarado ang bintana ng Kotse.

"Let's go." Seryoso niyang sabi habang may dina dial sa kanyang cellphone.

"Yes, Master."

Agad din silang lumisan sa lugar na iyon.

"Hello?"

"Yes? Master?"

"Naiinip na ko, Kailan ba matatapos ang lahat?"

"Master, Bigyan niyo lang kami ng konti pang panahon. Matatapos namin to."

"Kailan pa?."

"Sisiguraduhin po namin master matatapos namin to. Sa lalong madaling panahon."

"Siguraduhin niyo lang." Agad din niyang in-end ang tawag na iyon.

"Limang taon na ang lumipas. Ngayon na ang aking pag hihiganti."

Inip na inip na ko, Hindi ako titigil, Hindi ako papayag. BUHAY ANG KINUHA, BUHAY ANG KAPALIT. DUGO ANG DUMANAK. MARAMING DUGO ANG DADANAK.

------

Felix's POV:

Thursday

Nandito ako ngayon sa Library. Nag babasa basa, Malapit narin ang Periodical Exam. Marami ng panahon ang nasayang para mag turo ang mga guro. Dahil sa mga pangyayaring naganap dito sa school. Ewan ko ba? Bakit nangyayari to. Pero mas di ko maintindihan kung bakit matutuloy pa ang exam eh. Wala namang nag tuturo. -_-

Habang nag Hahanap ako ng libro sa isa sa mga Shelves. May narinig akong nag uusap na dalawang teacher. Alam kong masamang maki chismiss pero hindi ko mapigilan. Kinakain ako ng Curiosity ko. Dahil sa pinag uusapan nila.

"Naalala mo ba yung nangyari 5 years ago? Sa 2nd section din? Yung babaeng pinatay? Pinatay siya ng mga kaklase niya dahil daw sa inggit." Mahina niyang sabi pero rinig ko naman.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon