Chapter 1: First Day

216 5 0
                                    

First Day of Class

Halos lahat ng students ng FCA (Felizarda Constitution Academy) bakas sa kanilang mga mukha ang excitement dahil sa bagong school year na naman na kanilang haharapin. Sa bawat estudyante  na pumapasok sa gate ay mababakas sa kanilang mga mukha ang saya at ang kaba. Ang ilan ay hinahanap ang kanilang mga bagong classroom at ang iilan naman ay masayang nag kakamustahan matapos ang matagal na hindi pag kikita dahil sa dumaan na bakasyon.

Especially, the 2nd Section of Grade-10. Ang 10-Ponce, Isa isa ng pumapasok sa kanilang classroom ang mga mag-aaral ng pangkat Ponce.

Kaniya kaniyang kumpulan at kwentuhan ang mag ka-kaibigang  Nimfa, Darline, Krista at Roxxanne habang hinihintay nila si Monalisa na halatang late na naman.


"Asan na ba si Mona? Late na naman unang araw ng klase. " Sabi ni Roxxane habang nag pa-paypay ng kaniyang kulay pink na pamaypay.

"Hahaha. Asa ka pang Maagang pumasok yun, hindi na mag babago yun." Natatawang sabi ni Krista habang nag ce-cellphone.

"Mamaya pa yun." Sabi ni Darline habang nag li-lipstick at naka tapat sa salamin niyang may kulay itim na design.

"Speaking of....." singit naman ni Nimfa habang naka tingin sa pinto at naka ngiti.

Sabay sabay silang tumingin kay Nimfa at sa posisyon kung saan naka tingin ito. Biglang pumasok ang isang babae na naka ngiti ng napaka Galak. As usual, palaging naka make up at sobrang gorgeous tignan. Ang barkada nila ang mga tinatawag na spice girls ng kanilang section.

"Hi girls! Good Morning!" Bati ni Monalisa habang lumalakad ito papalapit sa kanila.

"Ang tagal mo!" Iritang sabi ni Roxxane habang walang tigil sa pag paypay sa sarili.

"Hmmm.. At bakit?" Mataray na sabi ni Monalisa sa kaibigan ng naka taas pa ang isang kilay.

"Kanina ka pa kasi namin hinihintay." Malumanay na sabi ni Nimfa.

"Duh? Traffic kasi." Sabi ni Monalisa at sabay upo sa kanyang upuan at kinuha sa bag ang make up para mag re-touch.

"Wooh! Sabihin mo tinanghali ka lang nang gising" pang aasar ni Krista na busy pa din sa kaniyang cellphone  at hindi nililingon si Monalisa.

Habang nag iinisan sila nag Tatawanan naman ang mga nasa likod nila na sina Jessa, Hienz, Shyne, Trixie Jane, Ria at Grace.

"Haha bes. Alam mo yung Babae kanina HAHAHAHA." Natatawang sabi ni Grace.

"Alin?" Tanong ni Ria.

"Ito naman una tawa bago kwento eh" sabat naman ni Trixie Jane na nahahawa na din sa tawa ni Grace

"Yung kanina yung tawa ng tawa tapos biglang nahulog sa kanal."

"Hahaha gago neto, ikaw na susunod dun. Hahahaha" Singit naman ni Jessa.

"Lakas talaga ng tama mong bata ka. Ewan ko ba kung bakit ka ganyan. " sabi naman ni Trixie Jane.

"Si Grace eh tawa muna bago kwento walangya! Hahahaha" natatawa din sabi ni Shyne.

Habang si Ria at Hienz ay tawa din ng tawa.

Sa kaliwang bahagi naman nag kukumpulan ang mga lalaki at nag kakantahan. Naging bonding na nila ang ganung sistema noon pa lang. Kahit first day e, parang sa kanila hindi.

Dumating naman bigla ang JARLET ang Grupo nila Jamie, Abby, Ronalyn,Jerelyn, Ellaine at Trixi. Sila ang mga estudyante  na laging naasahan ng kanilang mga teacher. Dumiretso sila sa likod kung saan pa may bakanteng mga upuan.

"Be? Wala na si Judy.. Bakit ba kasi nag transfer pa siya." Malungkot na sabi ni Abby habang nilalapag ang kaniyang mga gamit.

Simula kasi Grade 8 mag best friends na sila. Mag kapatid na ang turingan at mag kasama sa lahat ng kalokohan. Pero this school year nag decide si Judy na lumipat ng school.

"Bakit ba kasi siya nag transfer?" Seryosong tanong ni Trixi.

"Ewan ko ba dun di nako, mahal kaya ako iniwan."

"Drama naman" sabat naman ni Ronalyn.

Maya maya dumating na din ang Grupo nila Missy, Adrian, Rizz, at Marlou ang tinatawag na Squad ng klase. One of the boys si Missy, halos laging kasama niya ay ang tatlong lalaki na kaniyang mga kaibigan. Boyish pero napaka ganda. Siya ang Class President nila last school year at Panigurado na siya pa din ngayon.

Pumasok na din ang tatlong mag kakaibigang sina Angelyn, Justin at Generose. Na may bitbit na mga pagkain.

After a while dumating na din ang kanilang Class Adviser na si Mrs. Agnes Tenorio. Ang buong 2nd section ay halatang kabado. Dahil kilalang maselan sa paligid si Mrs. Tenorio. Kilala siya sa buong FCA na sobrang linis sa Classroom at paligid. Na mukhang malaking pag a-adjust para sa 2nd section dahil alam nila sa sarili nila na mga tamad silang mag linis at wala silang pake kahit mukha ng palengke ang kanilang classroom na siyang nagiging dahilan nang galit ng kanilang adviser last school year.

Lahat ng teacher's sa buong FCA ay mataas ang tingin sa section nila kahit pangalawa lang sila. Pero sadyang madadaldal at maiingay lang sila. Ang kadalasanang sinasabi sa kanila ng kanilang nagiging teacher's ay "Mga matatalino nga kayo, mayayabang naman kayo." na lagi nilang pinapamukha sa 2nd section dahil sa pagiging maingay at walang pakialam minsan na parang sobrang taas ng tingin sa kanilang mga sarili.

Ninanais ng buong 2nd section ang maayos na buong taong pag-aaral sa FCA at pag titiis dahil gra-graduate na sila at haharapin na naman nila sa susunod na taon ang bagong yugto ng kanilang mga buhay. Natutuwa ang lahat dahil magiging Senior High na sila.

Pero hindi nila alam na may nag hihintay na pala sa kanilang laro na hindi kilala ang kalaban na bigla nalang susubok sa  kanilang mga kakayahan at pagiging isa. Susubukin ang lahat ng aspeto sa kanilang buhay.
-------------

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon