Chapter 3: The 1st

118 6 0
                                    

Nag kaniya kaniyang pwesto sa covered court ang bawat isa at ang iilan ay nag kwe-kwentuhan ang ilan nama'y nag pra-practice na ng ibang steps na tinuro sa kanila last week. Ang bawat isa ay matiyagang nag hihintay kay Sir. Ello hanggang mapansin ni Justin na hindi parin bumabalik si Angelyn.

"Babe, Asan na ba si angge?"

"Ewan hindi pa ba bumabalik? Tara puntahan natin."

"Nadagan na ata ng inidoro apaka tagal."

"Tara na."

Paalis na sana ang dalawa ng bigla silang pigilan ni Nimfa.

"Hoy! Saan kayo pupunta malapit na mag umpisa."

"Pupuntahan si Angge."

"Tara sama kami!"excited na sabi ni Krista at kumapit sa braso ni Nimfa.

"Tara! Sige sama kami." Singit naman ni Roxxane.

"Wag na!" Singit naman ni Monalisa na naiinip na kakahintay.

"Napaka Kj talaga neto! Tara na!" Pang aaya ni Darline at hinila ang kamay ni Monalisa.

"Ayaw ko, kayo nalang." Pag tataray ni Monalisa at nag retouch nalang ng kanyang make up.

"Sige bahala ka dyan." agad binitawan ni Darline ang kamay ni Monalisa na nag tatampo.

Sumama si Nimfa, Krista, Darline at Roxxane kay Justin at Generose.

Dumiretso sila sa Cr ng mga babae. Tatlong pinto lang yung Cr at hindi siya cubicle.

"Angge?" Katok ni Justin sa unahang pinto. Pero walang sumasagot, binuksan nila walang tao. Pati din sa pangalawang pinto. Nagulat sila ng may makita silang dugo sa sahig papunta sa dulong pinto.

"Hala? Dugo ba yan?" Sigaw ni Roxxane.

"Tungaks. Malamang halata oh!" Pang babara ni Nimfa.

"Baka regla yan." Curious na sabi ni Krista.

"Grabe namang regla yan." Sabat ni Darline na natatawa.

"Hoy! Buksan niyo yung pinto." Sabi naman ni Roxxane at kinalabit si Generose.

"Ayoko! Baka mamaya kung anong meron dyan." Pag tanggi ni Generose.

"Oh! Arte nyo! Ako na nga mag bubukas, bubuksan lang eh." Dali dali namang binuksan ni Krista ang pinto ng walang pag aalinlangan kasabay ng pag bukas niya ng pinto ang pag sigaw niya dahil sa gulat.

"Ahhhhhhh! Si- si- si- Ang-e-lyy-n!" nanginginig na sabi ni Krista at tinignan naman ng lima na nag uunahan pa ang tinuro ni Krista at agad naman na nang laki ang kanilang mga mata kasabay nun ang sunod sunod na pag ti-tili at pag sigaw nila.

----------

"Oh asan na yung iba?" Tanong ng kanilang Mapeh teacher na si Sir. Ello.

"Hindi po namin alam." Sagot ng mga lalaki.

"Trixi, Hanapin mo na nga yung iba at mag start na tayo."

"Sige po sir." sabi ni Trixi at tumango. Agad siyang lumapit sa kaniyang mga kaibigan.

"Abby saman niyo ko." sumama naman si Ronalyn at Abby ng walang pag aalinlangan.

"Hindi kayo sasama?" Tanong ni Trixi kay Jerelyn, Ellaine at Jamie.

"Hindi... Kayo nalang nakakatamad." Sabi naman ni Jerelyn at umiling lang si Ellaine.

"Kaya niyo na yan Hahaha" Sagot naman ni Jamie.

"Sige." At umalis na silang tatlo para hanapin ang kanilang mga kaklase.  Bago sila lumabas ng court nag tanong muna sila kay Monalisa dahil ang mga kaibigan nalang nito ang wala at sinabi nito na nasa Cr sila. Sumama na si Monalisa sa tatlo dahil nasobrahan na siya sa inip. Dumiretso ang tatlo sa Comfort room ng mga babae. Pero bago sila makalapit naka rinig sila ng sigaw ng isang pamiliar na mga boses. Agad naman silang napa hinto sa pag lalakad.

"Oy! Sila yun diba? Boses nila Krista yun." tarantang sabi ni Trixi.

"Oo nga tara! Ano kayang nangyari?" Dali daling nag tatakbo ang apat sa lugar kung saan nag mumula ang sigaw na narinig nila. Naabutan nila ang anim na kaklase na nanginginig at nag kakagulo, nakita nilang umiiyak na si Justin na inaalalayan ni Generose.

"Guys? Anong nangyari?" Tanong ni Abby sa kanila pero walang ni isang sumagot. Naka tulala silang lahat at halatang naiiyak.

"Hoy! Ano bang nangyari?" Ulit na tanong ni Abby.

"Si Angelyn wala na." Mangiyak ngiyak na sabi ni Krista.

"Ha? Anong wala na?" Nag tatakang tanong ni Ronalyn. Pero tinuro lang ni Krista ang dulong pinto. Agad na tumakbo si Monalisa, Trixi,  Abby at Ronalyn sa tinuro ni Krista at agad naman nilang nasaksihan ang puno ng dugong bangkay ni Angelyn sa loob ng Cr. Nagulat at halos masuka si Ronalyn sa nakita na hindi niya masikmura. Ayaw na ayaw ni Ronalyn sa dugo. Nagulat din naman si Monalisa, Trixi at Abby sa nasaksihan at hindi sila makapaniwala sa nakikita. Puno ng dugo ang banyo at mahahalata din na wasak na wasak ang ulo ni Angelyn.

Agad naman nilang ni report ang nangyari sa kanilang guro at principal. Halos isang oras ang lumipas bago dumating ang mga pulis at ang forensic upang imbistigahan ang nangyaring krimen.

Hindi na natuloy ang practice dahil sa pangyayari. Hindi mapakali ang 2nd section dahil sa nangyari kanilang kaklase na si Angelyn. Lalo na ang mga nakakita sa bangkay niya.

"Sino mang gumawa ng di makatarungan na yun kay Angelyn! Mag babayad siya!!" Nag wawala at iyak ng iyak ang kaibigan niyang si Justin na inaalalayan naman ni Generose.

Sa isang sulok napapangiti naman ang binata dahil sa nasasaksihan. Kailangan niyang tapusin si Angelyn para maumpisahan ang Laro matagal ng plinano.

"Get Ready my Dearest 2nd Section..... who's next? Oh! Siya pala. Hahaha." Bulong niya sa sarili at napapangiti nalang mag isa.

"Sorry my Dear Friend! Alam kong alam mo na lahat tayo mamamatay sadyang nauna ka nga lang."
---------

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon