Chapter 5: BloodyHair

102 5 0
                                    

Kinabukasan unang dumating si Jessa sa classroom. Nagulat siya dahil hindi naka lock ang room. Mas ikinagulat pa niya nang makita niya ang bangkay ng kaklase na naka sabit sa gitna ng Classroom. Halos masuka siya sa nasaksihan at ang mga natuyong dugo sa sahig. Agad siyang nag sisigaw at nag tatakbo palayo sa classroom naka salubong niya si Trixi na maaga ding pumasok at sinabi niya ang kanyang nakita. Dumiretso sila sa Adviser nila at sinabi ang nakita nila. Agad tumawag ng pulis at inayos ang kanilang classroom.

"Pre. Dapat hinintay nalang natin si Adonis kahapon edi sana hindi na nangyari sa kanya yun." Nakokonsensya ngayon si Francis. Dahil iniwan nila kahapon ang kaibigan.

"Hayaan niyo na wala na tayong magagawa mukhang kamatayan na talaga niya. Hindi naman natin masasabi kung hanggang kailan nalang ang buhay ng isang tao. Ipagdasal nalang natin siya."

Sabi naman ni Jaylan. Tahimik lang ang buong 2nd section. Hindi nila inaasahan ang pag kamatay ng dalawa nilang kaklase. Hindi rin maiwasang pag usapan sila ng buong campus sa nangyari.

Sa Likod naman nag uusap usap ang Squad sila Missy, Adrian, Marlou at Rizz.

"Guys? Sa tingin nyo sino gumawa nun sa kanila?" Tanong ni Marlou.

"Abay!malay ko." Sagot naman ni Adrian.

"I think kaaway lang nila yun." Sambit naman ni Missy.

"Grabe naman yun. Sobra sobra naman yung ginawa nun kung sino man yun makonsensya sana." Singit naman ni Rizz.

"Wala yung konsensya." Mataray namang sabi ni Missy.

"Ang alam ko e? Abangan at sapakan lang meron dito e.  Tska sa labas naman ng school.  Pero grabe naman yung gumawa nito? lakas ng loob sa loob pa ng FCA." sabi ni Marlou.

"Marlou ikaw na daw isusunod eh. Ka text ko ngayon." Sabi ni Rizz na halatang iniinis si Marlou.

"Gago! Paki sabi ako unang sasaksak sa kanya!" Nang gigigil na sabi ni Marlou habang hawak ang kanyang ballpen.

Habang nag kakainisan ang apat. Seryosong nag uusap usap din sila TrixieJane, Ria, Grace,Hienz at Jessa, tungkol sa nangyari sa kanilang dalawang kaklase.

"Tingin nyo? Sino gumawa nun sa kanila?" Tanong ni TrixieJane.

"Hindi ko alam." Sagot naman ni Grace.

"Alam niyo ba di ko parin malimutan itsura ni Ado! Grabe ako pa yung unang naka kita sa kanya. Nakaka diri yung itsura niya." Sambit ni Jessa.

"Kawawa naman siya." Naka pout na sabi ni Ria.

"Guys,Wala na tayong magagawa nangyari na ang nangyari. Ipag dasal nalang natin siya. Sila ni Angelyn." Suggestion naman ni Hienz.

"Mag babayad din yung gumawa nun sa kanila."

"Kelan naman?"

"Not now,  but soon"

Habang tahimik ang buong klase. Naka tanggap naman si Generose ng Text mula sa Unknown number.

From: 09351234567

Love punta ka dito sa dulo ng campus may sasabihin ako, Fernand to naki text lang. I love you.

"Sino yan?" Tanong ni Justin sa kaibigan habang nag babasa ng libro. Bakas padin ang maga sa kanyang mga mata dahil sa kakaiyak.

"Ah. Si Fernand."

"Bakit daw?"

"Wala pinapapunta ko sa dulo ng campus may sasabihin daw."

"Ah. Sige, Ingat ka balik ka agad ha?"

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon