Dwight's POV:
Bumaba ako ng motor ko at papasok na sana ko ng 7/11 dahil may bibilhin ako pero na agaw ng pansin ko ang isang babaeng tumatawa kasama ang isang lalaki. Hindi na ko tumuloy at pinag masdan nalang silang dalawa. Maya maya ay lumabas na sila, pinag buksan niya ng pinto si Abby. Ewan ko pero naka ramdam ako ng inis. Hinintay ko silang maka alis bago ako sumakay sa motor ko at dali daling pina andar ito. Sinundan ko lang sila, naiinis ako gusto kong buhatin yung kotse na sinasakyan nila at ibalibag palabas sa mundong to.
Nakita kong huminto ang kotse sa tapat ng bahay nila Abby. Pinag buksan niya ulit si abby at inalalayang maka baba. Mukhang mayaman yung lalaki, Tsk. Sino ba siya? Nag usap pa sila. Habang ako naka tingin sa malayo. Damn! Mas ikinagulat ko pa ng yakapin niya si Abby at Yumakap naman ng pabalik si Abby. Bakit niya niyakap yung Reyna ko. Sino ba siyang hinayupak siya! Naiinis na talaga ko at kinuyom ko ang kamay ko, Nakakainis!
Maya maya umalis na yung lalaki. Pero hinintay muna ni Abby na maka layo ito, Papasok na sana siya ng itext ko siya.
To: My Queen
Naka uwi ka na?
Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya pero imbis na replyan ako binalik niya sa bulsa niya yung cellphone niya. At akmang papasok na ng gate nila. It hurts, Nag tatampo ba siya?
papasok na sana siya pero tinawagan ko siya.
Nakita kong kinuha niya yung cellphone niya pero ang tagal niyang sagutin.
"Hello?"
"Wala ka bang balak replyan ako?" Yan agad ang binungad ko.
"Ha?" Patay malisya naman niyang tanong.
"Nakauwi ka na ba?"
"Hmm. Yes" walang gana niyang sagot.
"Kanina pa?"
"Yup."
"Sure?"
"Yeah."
"Okay,sige na goodnight my queen."
"Okay bye."
Agad niyang in-end yung tawag at pumasok na sa gate. Ang sakit, Ang sakit lang isipin na nag sinungaling siya at ang cold ng pakikipag usap niya sakin. Wala man lang goodnight? Samantalang yung lalaki kanina? May yakap pa? Na hindi ko magawa sa kanya. Aba! Hustisya naman.
"Really like that girl huh?" Isang familiar na boses ang narinig ko mula sa aking likod na agad ko naman ikinalingon.
"Want are you doing here? Sinusundan mo ba ko?" I hate him, I don't want to see him again.
"Hindi ka ba masayang makita ako mahal kong anak?" Masaya niyang sabi at akmang yayakapin akobpero lumayo ako.
"Don't touch me! Don't you dare! At sabing wag na wag mo na kong tatawaging anak! Dahil matagal na kitang kinalimutan na ama ko."
"Oww, Okay fine. Dwight, ginagawa ko to for justice." At ngumiti ito ng nakaka loko.
"Hustisya? Hindi sapat na dahilan yun dad! Tingin mo matutuwa siya sa ginagawa mo? Hindi! Baka nga parehas lang kami na kinamumuhian ka ngayon." Hindi ko na napigilan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Matagal ko ng kinalimutang ama ko siya. Pero ang gusto ko lang itigil niya ang pinag gagawa niya.
"I'm sorry, I have to go." Agad akong umangkas sa motor ko at pinaandar ito. Iniwan ko siya at pumunta ako sa apartment ko at binuksan ang Refrigerator at kumuha ng maraming beer. Gusto kong maka limot kahit saglit. Nilagok ko lahat ng yun. Na parang isang uhaw na umiinom lang ng tubig.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...