Chapter 17: Sundate Revelation

90 5 0
                                    

Abby's POV:

Sunday

Ang hirap tanggapin na LUNES na naman bukas att may PASOK na naman.

Lumabas ako ng bahay para mag pa load. Si Trixi kasi Text ng text. Nakaka awa di ko kasi ni re-replyan haha. Pag labas ko ng bahay, isasara ko na yung gate ng mapansin ko ang isang lalaki na naka itim na jacket na naka upo sa labas at naka yuko. Kinabahan naman ako at bahagyang natawa. ANG INIT INIT? NAKA JACKET? Tanghaling tapat wow lang ha?

Di ko siya pinansin at nag lakad na pero nakaka 3 hakbang palang ata ako. May tumawag sa pangalan ko.

"Abby." isang pamiliar na boses, agad ko naman siyang nilingon. Dwight? Siya pala yung lalaki na naka Jacket. Ano ginagawa niya dito? Huling kita ko sa kanya nung hinatid niya ko dito.

"Abby.... Can we talk?" Seryoso niyang sabi at nag palinga linga sa paligid na parang may tinataguan. Kahit kailan, Kinakabahan ako sa kilos niya.

"H-Ha? Bakit?"

"Basta.." sabay hila sakin sa isang motor at inabot sakin ang isang helmet. Seriously? Sasakay kami dyan?

"Let's go?" Sinuot na nya yung helmet niya.

"H-Ha? Seriously? Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta... suotin mo na yan Sakay na."

Tinignan ko naman siya na parang sinasabi ko sa tingin ko e. 'Bakit ako sasama?'

"Don't worry wala kong gagawin sayo. May pupuntahan lang tayo. Trust me, tara na isuot mo na yan."

Sinuot ko naman agad yung helmet. Rush ba? Di naman siguro siya nag mamadali? Umangkas ako agad sa motor. Di ko alam kung anong klaseng motor to dahil wala naman akong alam sa mga motor. Pero katulad to nung mga nakikita ko sa facebook e.  Na tipong sobrang astig.

"Kumapit ka." Wooohh! Agad niya pinaharurot ang motor. -.-

"Saan ba kasi tayo pupunta!? Di ka naman siguro nag mamadali noh?" Irita kong sigaw, Siguro naman narinig niya ko kahit papano? Pero di man lang ako sinagot. Mas bumilis pa yung pag papatakbo niya. Napakapit naman ako ng mahigpit sa kanya. Napatingin ako sa side mirror. Nakita kong napa ngiti siya. Aba Natatawa pa siya? Halos mamatay matay nako dito.Nagulat ako ng makita ko kung nasaan kami ngayon, sa isang mall na malapit samin.

Pinark niya yung motor niya.
Inalalayan niya kong maka baba, bumaba din siya at hinubad yung helmet niya, Hinubad ko din yung akin.

"Hoy! Kung mag papakamatay ka! Pwede ba ikaw nalang! Tss. Dadamay mo pa ko!"

Naka tingin lang siya sakin ng walang emosyon.

Tumalikod siya at akmang mag lalakad.

"Hoy! Ano ba! Sabi mo 'Can we talk'." Pang gagaya ko sa kanya.

"Hindi pa nga ako pumapayag eh! San san mo na ko dinala. Bwisit!" Dugtong ko.

"Eh bakit ka sumama?" Wala ka paring mababakas na emosyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano e.

"Eh pinilit mo ko!"

"I didn't forced you." Seryoso niyang sabi. Tsk. Eh? Hindi daw!

"But you do!"

"No! I didn't. Let's go."

Hinila niya ko papasok sa entrance ng mall. Gago ba siya? Hindi nga ko naka ayos eh. Naka pambahay lang ako.

"Oyyy! Teka."

"Wala ng teka teka." Nag hiwalay kami sa entrance dahil hiwalay ang babae at lalaki.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon