Halos mag wala sa galit at inis ang kanilang Principal dahil sa nangyari dahil sa mga sunod sunod na mga pagpatay na nangyayari sa kanilang paaralan. Na apektuhan din ang ibang estudyante at magulang. Marami ng estudyante ang nag pa transfer sa ibang paaralan. Dahil sa takot at pangamba pati ang ibang magulang ay nangangamba sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
Dinala agad sa clinic si Abby dahil sa Traumang inabot nya. Kasama naman niya si Ellaine, Jamie, Ronalyn at Trixi. Binabantayan siya, Cheneck na din siya ng nurse doon dahil tulala na ito pag ka karaan ng mga pangyayari.Si Ellaine naman ay ayos lang chineck din siya ng nurse para masiguradong okay siya. Nakita nila si Joan na nasa loob din ng clinic at naka higa sa Hospital bed.
"Oh? Nandito siya?" Pabulong na tanong ni Ronalyn kay Jamie.
"Oo malamang nakikita mo eh." Pang babara ni Jamie kay Ronalyn.
"Tsk. Malamang!"
"Shhh! Ingay niyo." Pag suway ni Trixi sa dalawa.
Samantala ang ibang Mag aaral ng pangalawang seksyon ay pinatawag sa Guidance Office. Para Imbistigahan at tanungin tungkol sa kaganapan.
Nakaupo sa mga upuan sila Ria, Hienz, Trixie Jane, Jessa, Grace,Jerelyn, Shyne at ang kanilang Class President na si Missy. Samantalang naka tayo naman ang mga lalaki na sila, Jeffrey, Beo, Jaylan, Felix, Paulo,Francis, Adrian, at Marlou.Lumapit sa kanila si Officer Nathan,Para mag tanong. Nasa gilid lang ang kanilang Adviser na si Ma'am Agnes, Para bantayan sila.
"Sino ang unang naka kita sa mga bangkay?"
"S-si Abby at Ellaine po." Sagot ni shyne na halatang natatakot na din dahil sa mga pangyayari.
"Sino sa inyo si Abby at Ellaine?" -Officer Nathan
"Nasa Clinic po." Sagot ni Missy.
"Sige, Mamaya ko na sila kakausapin."
"Sino pa ang naka kita sa mga biktima?"
"Kami Po!" Sabay na sigaw ni Jessa at Jocell.
"Nakita namin sila, Bago mamatay yung ilaw. Nag tatawanan pa nga po sila eh. Kaso pag ka patay ng ilaw. Yun na po di na kami naka galaw ni Jocell. Napa kapit nga po ako sa kanya dahil sa gulat. Napaka dilim ng paligid, Wala pong makita kahit ano. Maya maya po nag kakagulo gulo na sila may naka apak pa nga po sakin. Nag sisigawan parin sila. Aalis pa nga po dapat si Jocell pero pinigilan ko siya at nanatili kami sa kinatatayuan namin. Tapos pag bukas po ulit nung konting liwanag. Nagulat po ako kasi nasa gilid ko na si Abby at Ellaine na mag kayakap. Tapos, bigla silang napatulala sa harapan namin. Tinignan namin kung ano yung tinitignan nila. Tapos ayun po nag sisigaw na sila palabas. Pag tingin namin sa harap nakita na namin na patay at puro dugo na silang lahat." Bakas parin ang takot sa mga mata ni Jessa habang nag kwe-kwento ito.
"So? Hindi lang pala sila ang unang naka kita?"
"Opo. Siguro."
"Eh yung ibang nasa loob na may ginagampanang role?"
"Kami po yun! Nung namatay po yung ilaw nag tulak tulakan na po kami. Hindi po namin mahanap yung mga pinto e." -Trixie Jane
"Tapos pag bukas po ng konting liwanag. Nasa sulok na po kaming lahat." -Hienz
"Gaano katagal yung pag kamatay ng liwanag?" -Officer Nathan
"Siguro po wala pa pong 5 minutes" seryosong sagot ni Jessa.
Agad na lumapit si Officer Nathan kay Ma'am Agnes at may binulong dito.
"Okay class, Tara na sa Classroom."
Nag tatakang sumunod sila kay Ma'am Agnes. Ang iba ay gusto ng umuwi Ngunit hindi pa sila pinapayagan. Bakas ang takot, kaba at pagod sa mukha ng Buong 2nd Section. Ang imbis na Masaya sanang Intramurals nila ay nauwi sa trahedya.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...