Dwight's POV:
4 Years Later..
"Babe? I can't wait to see you."
"Me too babe."
"Sige na. See you later, I love you. Ingat ka."
"I love you too."
In-end ko na yung tawag, nandito ko ngayon sa airport sa Japan. Pabalik ng pinas. Kakatapos ko lang asikasuhin yung business na naiwan sakin ni Dad. Alam kong mahirap siyang patawarin sa mga ginawa niya pero kailangan ko at alam kong parehas lang kaming lahat na nabiktima ni Evans. Hanggang ngayon naka kulong parin si Dad at Patuloy parin namin inaasikaso yung kaso niya. 4 years na ang lumipas sa apat na taon na yun ang dami ng nangyari pero di ko parin siya makalimutan.
Kamusta na kaya siya? Bumalik na kaya ang mga alaala niya? Kailan ko kaya siya ulit makikita?
--------
Biglang nag flashback yung nangyaring pag uusap namin ni Green noon.
"Alam ko namang mahal mo siya."
"Oo naman, noon pa"
"Green? Can you do me a favor?"
"Ano yun?
"Pinag isipan kong mabuti to. Alam kong mahirap hindi ko alam kung anong mga mangyayari. Pero this time pinapaubaya ko na sayo si Abby. Alagaan mo siya alam ko namang mahal mo siya. Hindi natin alam kung kailan babalik ang mga alaala niya. Alam kong mahihirapan lang kaming dalawa lalo na siya kung mag iistay pako sa mundo niya ngayong di na niya ko kilala. Ayaw ko ng mapahamak ulit siya. Tanggap ko ng pinag tagpo lang kami ng ilang ulit ni tadhana pero hindi kami itinakda."
"Ano bang pinag sasabi mo! Lumaban ka nga! Napaka duwag mo! Tingin mo ba matutuwa siya sa gagawin mo? Sabi naman ng Doktor, babalik ang alaala niya agad kapag unti unting pinaalala sa kanya yun. Tutulungan ka namin!"
"Alam ko naging mahina ako, Pero para din sa kanya to. Para sa kasiyahan niya. Gusto kong mas maging okay na siya at di siya mahirapan lalo."
"So anong balak mo? Iiwan mo nalang siya ng ganun ganun lang?"
"Iiwan ko siya pero hindi ganun ganun lang. Kaya nga kinakausap kita para sayo ipag katiwala ang pinaka mamahal ko. Wag mo sana kong bibiguin Green. Alam kong mas mabuting palayain ko na siya."
Tinapik ko ang balikat niya at nag iwan ng isang ngiti. Sabay talikod at lakad palayo.
Kung mahal mo i-let go mo lalo na kung alam mong hindi na kaya.
Alam kong sa ginawa kung yun, Mas magiging better siya.-------
Nandito na ko sa NAIA at agad kong kinuha ang phone ko.
"Hi babe? Dumating nako."
"Really babe? Sige papunta na diyan si Kuya Lando to pick you up."
"Okay babe. See you later."
At pag baba ko ng phone. Hindi ko alam kung nanaginip ba ko o ano.
I saw a girl sa di kalayuan she's staring at me. Parang tumigil ang buong paligid. Blurred ang buong paligid, siya lang ang malinaw kong nakikita. Hindi ko alam pero unti unti akong nag lalakad palapit sa kanya.
Ang laki ng pinag bago niya pero alam kong siya parin yun. Iniisip ko dati kung anong magiging reaksyon ko kung mag kita na kami ulit. Kung paano? At saan? Pero heto na nga.
Unexpected way, unexpected place and unexpected time.
Hindi mo talaga masasabi lahat ng mga posibleng mangyari. After 4 years nakita ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...