Missy's POV:
3 months later
Tatlong buwan na ang lumipas simula ng may huling namatay samin yun ay si Hienz. Alam kong iilan nalang kaming matatag at ma swerte dahil inabutan pa kami ng tatlong buwang buhay at humihinga. Pero alintana parin sa aking mga kaklase ang takot at pangamba na baka sila na ang isusunod ng mga killers sobrang tagal na kasing walang paramdam sila. Kaya nag aalala kami na baka anytime bigla nalang silang sumulpot sa isa samin.
Ang hirap makipag laban lalo na kung wala kang ideya sa iyong tunay na kalaban.
Ang hirap makipag laro sa laro na alam mong una palang talo kana.
Ang hirap mag tiwala kahit ang lagi mong kasama ay hindi mo parin pala ganun ka kilala. Hindi mo alam kung dapat bang pag katiwalaan ang isang tulad niya.
Narito kami sa sementeryo mag kakasama kaming lahat. Ang natitirang mag-aaral ng pangalawang section. Dinalaw namin ang lahat ng mga pumanaw naming kaklase.
Ako si Jocell, Beo, Jeffrey, Ria, Abby, Trixi, Grace, Paulo, Jessa, TrixiJane, Marlou, Shyne, Francis, Ellaine, Jamie, Jaylan at Ronalyn. Alam kong konti nalang kami kaya hindi ako papayag na may sumunod pa. Naka ilang sabi na din ako noon na hindi ako papayag na may sumunod pa pero wala din naman akong nagawa.
Alam ko isa o higit pa sa mga kasama kong to ang Demonyo. HINDI KO MASASABI, PERO KAILANGAN KONG MAG PAKATATAG, HARAPIN AT PAG HANDAAN SILA.
"Missy, pwede ba tayong mag usap?" Kinalabit ako ni Grace. Tumango ako bilang tugon. Naka upo kami sa damuhan at naka paikot. Tumayo kami ni Grace at lumayo sa mga kaklase namin.
"Ano yun Grace?"
"Missy, I want to help you, I want to be safe. Gusto ko pang mabuhay, pero di ko na kaya." Panimula niya.
"May nakuha akong impormasyon, tungkol sa nangyaring patayan 5 years ago. Na sa tingin ko ay konektado ito sa nangyayari satin ngayon." dagdag pa nito. Bigla kong naalala yung nabanggit sakin ni Felix noon.
"Ha? A-Ano yun? Paano mo nasabing may connection ang nangyari 5 years ago sa nangyayari satin ngayon?"
"Ganto yu----"
"Grace!" Pag putol ni Trixie Jane sa sasabihin ni Grace at tumakbo ito palapit samin. Halata naman na nagulat si Grace.
"Shut up! Gusto mo bang mapaaga pag kawala mo sa mundo? Yang kadaldalan mo ang mag papahamak satin eh." Inis na sabi ni TrixieJane.
"Hindi ko na kaya Trixie! Ang bigat na! Kahit naman sabihin ko to o hindi alam kong mamatay din tayo sa huli. Alam kong uubusin niya tayong lahat. Pero bago ako mamatay gusto kong may magawa ako kahit konti, baka sakaling maipag laban pa ang laban nato."
"Mabigat ba? Tulungan na kita!" TrixieJane said sarcastically. Kahit kailan,nagagawa pa niyang mag biro kahit may nangyayaring ganto. Which is I like the most, siya yung tipo ng taong Sasabayan ka sa trip mo pero babarahin ka naman.
"Ano ba! Walang mangyayari kung mag papakain kayo sa takot."
"Hindi naman kami nag papakain ha! Eww..."
"Tsk. Ano ba! Seryoso ko!"
"Mas seryoso ko!"
"Ano ba Trixie hayaan mo nga muna siyang mag salita."
"Okay.." sabay irap. Tsk. Kahit kailan talaga.
"Kailangan nating mag tulungan! Walang mangyayari kung tatahimik lang tayo. Now, tell me? Anong nalalaman niyo?"
Nag tinginan lang silang dalawa,parang nag uusap sila kung sasabihin ba nila o hindi.
"Look, alam kong natatakot kayong pag katiwalaan ako pero kailangan niyong sumugal. Lalo na sa larong ito, Kailangan niyong mag tiwala. Please.. Pero kung nahihirapan talaga kayo. Okay lang, makakapag hintay naman ako kaso sana sa araw na yun hindi pa maging huli ang lahat." Sa pangalawang pag kakataon nag tinginan lang ang dalawa. Tinanguan ni Trixie si Grace na parang sinasabi na mag salita na siya.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...