Abby's POV:
Dinilat ko ang mata ko at hindi ko alam kung nanaginip ba ko o ano. Pero nakalutang ako nang ma-realize kong nakasabit ako. Nakatali ako, Tumingin ako sa baba at ang inaasahan ko. Para kong aatakihin sa puso, Fear of heights. Shet!
Narinig ko yung boses ni Dwight.
Sisigaw na sana ko ng makita ko silang lahat sa baba. Naka tutok yung baril ni Dwight sa isang lalaki. Habang naka tingin lang lahat sa kanila. Nakita ko sila Green at Neil pati yung mga kaklase ko. Inalala ko yung nangyari kanina. Kinidnap nga pala kami tapos, Di ko na alam yung sumunod na mga nangyari. Tapos makikita ko silang ganto?
Nananginip lang siguro ko. Wahhhhh! Gisingin niyo na ko.
Dahil di ko naman kayang sampalin sarili ko o kurutin dahil nakatali ako. Kinagat ko yung labi ko ng sobra at nakaramdam ako ng sakit, So?.... Hindi to panaginip?
"Hindi pa ba sapat yung mga buhay na nawala ha? Ilang buhay pa ba ang kailangan mo para matahimik kana?" sabi ni Dwight.
"Hanggat di ko nalalaman kung sino ang may kagagawan ng lahat ng nangyari sa Ate mo. Hindi ako titigil!" sabi naman nung lalaki. Wait? Ate?
"Dad?! Hindi pa ba sapat? Limang taon na ang lumipas. Matagal na yun. Tinanggap ko na na wala na si ate. Sana ganun ka din. Sila? Silang lahat walang kinalaman sa nangyari noon!" What? Dad?
"Hindi ganun kadaling kalimutan lahat."
"Tingin mo ba ikatutuwa niya lahat ng nangyayaring to ha?!"
"Yes Of course, Dahil para sa kanya naman ang lahat ng ito."
"Tangina! Baliw kana talaga!"
Bigla namang pumalakpak yung isang lalaki at dahan dahang nag lakad.
"Very nice! So Nice! Para kong nanonood ng live ng isang Action movie slash Drama. Very nice! Pero bago pa kayo mag kaiyakan dyan, Tutal nag bubukingan naman na lahat. Bakit di ko pa sabihin lahat?"
"What do you mean Evans?"
Sabi nung lalaking Dad daw kuno ni Dwight. So? Evans pala Name nung lalaki na pumapalakpak kanina.Lumapit siya kay Kuya Venson. Wait si Kuya Venson nga. Tinanggal niya yung naka lagay sa bibig ni Kuya Venson.
"Ngayon mo sabihin lahat ng alam mo Venson! Tutal alam kong matagal mo ng tinatago lahat ng yan sa loob mo. Baka sumabog, Almost 5 years na yan. Ngayon mo sabihin lahat ng nalalaman mo. Gusto kong makita ang reaksyon ng mag amang to."
Lahat sila mukhang nag tataka at hinihintay lahat ng sasabihin ni Kuya Venson. Kahit man ako. Ilang minuto din ang katahimikan na bumalot sa buong paligid at biglang nag salita na si Kuya Venson.
"Kilala ko kung sinong may kagagawan ng lahat ng nangyari 5 years ago. Hindi mga kaklase ni Zandra ang pumatay sa kanya. Hindi rin totoo ang sinasabi ng lahat na pinatay si Zandra ng mga kaklase niya at tska sila nag pakamatay. Isa lamang lahat yung imbento."
"Ano bang pinag sasabi mo?" sigaw ni Dwight sa sobrang galit.
"G-Ginawa lang lahat yun dahil sa inggit sa kanya, nalaman kasi niya na ililipat si Zandra sa First section at alam niyang mapapalitan siya ni Zandra at masasapawan siya neto. Kaya ginawa niya ang lahat para mawala si Zandra. Ginamit niya ang pera at kapangyarihan ng mga magulang niya para magawa lahat ng plano niya. He used his money, Binayaran niya lahat ng kaklase namin. Kasama na ako dun, Nag meeting sila at dun ko nalaman ang plano niya. Hindi ko tinanggap ang pera at hindi ako sumama sa plano nila. Oo kami na ni Zandra ng mga panahon na yun. Hindi ko masabi sa kanya ang mga nalalaman ko o kahit kanino. Dahil hawak niya ako sa leeg. Pinag babantaan niya kong papatayin niya ang pamilya ko. Natakot ako dahil alam kong kaya niyang gawin yun. Oo naging duwag ako, ang buong 1st section ay parang naging puppet na sunod sunuran sa kanya. Kahit labag sa loob namin pinatay namin ang buong 2nd section noon. Wala akong magawa. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nila pinatay si Zandra. Sobrang galit ko sa sarili ko nun. Nakita kong naliligo sa sariling dugo si Zandra. Nilapitan ko siya naka usap ko pa siya at humingi ako ng tawad. Sabi niya pinapatawad na niya ko at isang ngiti ang iniwan niya sakin. Hanggang ngayon hinahabol parin ako ng konsensya ko, Alam ko hinahanap niyo yung naging boyfriend ni Zandra. Pero hindi kilala ng kahit sino nilihim namin ni Zandra dahil ayaw niyang malaman ng Daddy niya. Walang may alam." ngumiti siya saglit at tinuloy ang pag kwekwento.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...