"Kainis naman e! Papasama lang napaka, pag talaga sila nag pasama di ko din sasamahan." inis na kinakausap ni Krista ang sarili. Dahil di siya sinamahan ng mga kaibigan.
Nag lalakad si Krista papunta sa AP FACULTY sa Kabilang building. Dahil pinapatawag ito ng isa nilang teacher.Nang makita niya ang kanyang kaklase na babae na puro dugo ang Uniform na bumaba sa hagdan at dumiretso sa CR ng mga babae ng di sinasadya. Nag tago siya sa dulo ng hallway. Kinakabahan na siya dahil sa nakitang dugo sa uniform ng kaklase. Ang dami nang tumatakbo sa isip niya. Maya maya nakita niya nag tatakbo si Missy paakyat ng hagdan at ang kanyang isang kaklase naman naka tingin kay Missy na nag mamadali. Pumasok ulit ang babae sa Banyo at ilang minuto pa lumabas na ito na naka suot na ng bagong uniform. Tatakbo na sana si Krista para maka alis sa pwesto niya ng bigla niyang nabagsak ang cellphone niya na nag dulot ng ingay sa buong hallway.
"Shet" pabulong na bulalas ni Krista at napahampas sa kanyang noo.
Bigla namang napatingin ang babae sa pwesto ni Krista na naka tago parin. Sobrang kaba at takot na ang nararamdaman niya ngayon.
"Sino yan? May tao ba dyan?" Dahang dahang lumapit ang babae sa pwesto ni Krista.
Wala ng nagawa si Krista kundi iwan ang cellphone niya sa sahig at tumakbo.
"K-Krista?"
Nagulat ang babae at kinuha ang Kutsilyo sa kanyang bulsa. Hinabol niya si Krista na paakyat sa isang hagdan sa lumang building. Hindi na alam ni Krista kung saan siya pupunta basta ang alam niya kailangan niyang tumakbo at makatakas. Walang tigil sa pag takbo si Krista, hanggang makarating ito sa isang lumang classroom. Kung hindi siya nag kakamali yun yung classroom kung saan natagpuan ang bangkay ni Generose. Nag tago siya sa likod ng isang Kabinet. Hingal na hingal siya at sobrang lakas ng kabog ng kanyamg dibdib.
Habang ang babae naman ay dahan dahang umaakyat sa hagdan at pinapadaan sa Railings ng hagdan ang kanyang kutsilyo na nag dulot ng nakaka ngilong ingay.
"Krista... Wala ka ng pupuntahan...." sabi nito at nasundan ng nakaka takot na tawa.
Si Krista naman panay ang dasal at makikitang umiiyak na ito sa sobrang takot. Kahit gulong gulo siya sa mga nangyayari ang nasa isip lang niya ay ang makaligtas sa mga oras na yun.
Maya maya nagulat siya ng bigla nalang sumulpot sa harapan niya ang kanyang kaklase na naka ngiti ng nakakatakot.
"Please! Wag mo kung patayin.... Please!"
"Tsk. Pinahirapan mo pa kung habulin ka! Pinagod mo lang akong hayop ka! Haist! Krista myloves! Dapat ikaw na talaga ang susunod eh. Hahaha. Masyado mong pinadali ang trabaho ko. Halika nga dito!" Hinila niya ang buhok ni Krista at pinaupo sa sahig.
"A-Aray!! Ikaw ba yung killer? Ikaw ba ang pumatay kala Angielyn?"
"Isn't obious? Wag ka mag alala Madami kami.... HAHAHA!"
"Ano?!"
"Madami kami! Unli ka ba!"
"P-pero bakit? B-bakit nyo ginagawa to?" Umiiyak na sabi ni Krista.
"Haist! Lahat nalang ba ng papatayin namin itatanong yan! Tsk. WALA KA NA DUN! May mga bagay na di na dapat pang alamin." nanlilisik na ang mga mata ng babae at itinutok ang kutsilyo sa pisngi ni Krista.
"Napaka sama niyo! Ano bang kasalanan namin at ginagawa niyo to!"
"Madami! KULANG PA ANG BUHAY NIYO PARA pag bayaran lahat ng yun!"
"Bakit buong 2nd section?!"
"Actually May mga taong dapat di madamay eh. Kaso mga pakialamero't pakialamera. TULAD MO BITCH!" Sigaw ng babae at hiniwaan ang pisngi ni Krista. Kaya ito napasigaw, Sobrang sakit ang nararamdaman ngayon ni Krista dahil sa natamong sugat sa pisngi. Agad namang tumulo ang dugo mula sa kanyang pisngi papunta sa kanyang Uniform.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...