3rd person's POV:
Bumaba siya mula sa kanyang kotse, may bitbit na bulaklak. Lumapit ito sa isang lapida, inilapag ang bulaklak sa gilid at sinindihan ang kandila.
"I miss you so much babe... Tulungan mo sila alam kong ayaw mong mangyari to. Kilala kita, Help them. I want to help them. But I can't. Ayoko ng balikan ang pangyayaring yun. It hurts to much. Sorry, Dahil hindi kita natulungan nung araw na yun, Sorry dahil wala ako sa tabi mo ng mga panahong iyon. Sorry kung hindi kita nagawang protektahan. I'm sorry babe, I want to hug you and kiss you, I miss you so bad." Hindi na napigilang maluha ng binata. Biglang umihip ang napaka lakas na hangin at namatay ang sindi ng kandila.
"I know ikaw yan, Thank you babe." Parang tangang kinakausap niya ang kanyang sarili.
"So? Ikaw pala ang nag iiwan ng bulaklak sa puntod niya?" Isang lalaki ang nag salita mula sa likod niya. Agad naman niya itong hinarap.
"All this years, ngayon lang kita naabutan. Ikaw lang pala, Ikaw pala." dagdag pa nito at inilapag din niya ang kanyang dalang bulaklak. Nanatiling naka tayo ang binata at di nag sasalita dahil sa pag ka gulat sa pag dating ng lalaki.
"Alam kong may balak kang makialam. Pero wag mo ng subukan, Alam mong pwede kang madamay. Mabuti pang manahimik ka nalang at ibaon sa limot lahat. Tutal ilang taon ka din namang nag tago mabuti pang panindigan mo na yung naging desisyon mong manahimik."
Tumalikod ito pero bago siya mag lakad nag salita itong muli.
"Alam mong ayaw niyang mapahamak ka. Kaya mabuti pang manahimik ka nalang." Tuluyan na itong umalis. Bago ito makalayo sumigaw ang binata.
"Ikaw!" Kaya napaharap muli ang lalaki.
"Ikaw!? Wala ka bang gagawin? Hindi mo ba sila tutulungan?"
Pero imbis na sagutin tumalikod ulit ito at nag lakad na papalayo.
Napatingin nalang ang binata sa unti unting pag layo ng lalaki.
----
Missy's POV:
Nag lalakad ako papasok ng FCA. Maraming estudyante pero hindi familiar sa akin. Ang iba ay nag bubulungan. May isang babae ang nag lalakad lahat sa kanya naka tingin. Sinundan ko lang din siya ng tingin,Sino siya?
Sinundan ko siya bago siya pumasok sa isang room. Nabaling ang atensyon ko sa isang lalaki sa dami ng tao sa kanya lang ako napatingin. Naka tingi ito sa babae. Nakikita ko sa kanyang mata na may gusto siya dun sa babae. Nilingon ko ulit yung babae pumasok ito sa classroom namin. What sa classroom namin? Ano new classmate? Pumasok ako, hindi pa naman nag uumpisa ang klase,dumiretso ako sa upuan ko sa dulo. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Napatingin ako sa nag sasalita sa harap si Ma'am Paragas yun ah, pero parang bumata siya. Ganda ng suot, Kailan pa nag palit ng uniform ang mga teacher? HAHA! Okay na yan, nag mumukha siyang bata. Bigla niyang tinawag yung babae kanina.
Tumayo ito sa harap ng klase na may galak at saya sa mukha. Mag re-report pala siya. Kinakabit na niya ang visual aids sa harap, natapos niya ang kanyang report sa Subject na Filipino. Malinaw at maayos, para siyang professional kung mag salita, kakamangha. Taga ibang section siguro to.
"May tanong ba?" Sabi niya.
Walang nag taas, nagulat ako ng tumingin siya sakin. Ngumiti siya at parang galak na galak pa.
"May gusto ka bang sabihin?"
Umiling lang ako, yumuko ito. Nagulat ako ng humarap siya ulit sakin puro Dugo ang uniform at ang mukha niya at ang daming dugo. Shet!
"Tulungan mo ko..." sabi niya.
Humarap din lahat ng nasa klase,Fvck! May mga hawak na patalim. Wtf! Lahat sila naka tingin sakin. Tinignan ko ang babae, kitang kita sa mukha niyang nahihirapan siya. Tinignan ko ang mga estudyante, Ang sama ng tingin sakin. At hindi sila mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...