Missy's POV:
Matapos ang pangyayari kahapon, halos napanaginipan ko na siya mag damag. Tama nga ang kutob kong may mababawas na naman sa section namin. May aabot pa kaya ng graduation samin? Tanong? Ako kaya aabot pa? Nakakagago lang talagang isipin.
Tinignan ko yung orasan sa bed side table ko. 11:25 na ng umaga pero di parin ako lumalabas ng kwarto ko.
Maya maya naka tanggap ako ng text mula kay Kuya Venson.From: Kuya Venson
Missy? Asan ka ngayon?
Agad naman akong nag compose ng message para sa kanya.
To: Kuya Venson
Nasa bahay po bakit?
Pag ka send ko makalipas ang isang minuto tumawag siya. Hindi ko alam pero naka ramdam ako ng kaba.
"Hello?"
"Missy?"
"Bakit?"
"Missy makinig ka, Tawagan mo ang mga kaklase mo at pumunta kayo sa lugar na itetext ko. Tandaan mo kayong lahat na natitira sa 2nd section, Hindi kasama yung mga volunteer."
"Ha? Bakit po? Anong meron?"
"Basta, Kailangan kumpleto kayo."
Inend na niya agad ang tawag at sa di ma ipaliwanag na dahilan masama ang kutob ko dito. Anong meron?
Agad naman niyang tinext ang lugar na sinasabi niya.
Nag chat ako sa Group Chat namin at buti nalang sineen nilang lahat. Nag kagulo gulo sila sa Group chat dahil biglaan.
Agad akong nag ayos, sinabi kong mag kita kita nalang kami sa school at susunduin ko sila. Dinala ko na yung van namin. Hindi nako nag paalam kay Mommy na nasa kwarto niya. Wala din naman si Kuya kaya umalis na ko agad.
Pag dating ko dun natanaw ko agad sila. Grace, Ria, TrixieJane, Ronalyn, Shyne, Beo, Jaylan, Paulo, Jeffrey, at Marlou. Napansin kong wala si Abby
Agad akong bumaba sa sasakyan at pinuntahan sila. Agad naman akong sinalubong ng tanong ni Marlou.
"Missy? Ano bang nangyayari? At kailangan urgent? Agad agad? San ba punta natin?"
"Basta. Sumakay na kayo."
"Teka! Aba! Baka mamaya ikaw pala yung killer Missy ha!" sabi naman ni Jeffrey.
"Oo nga. Baka kami'y mapahamak" pag sang ayon naman ni Paulo.
"Baliw ba kayo? Mukha bang ako yung killer? Basta sakay na, Dami pang sat sat. Teka asan si Abby?"
"Wala nga e, Di naman nag seen kanina di rin online." sabi ni Grace.
Ha? Di ba siya nag seen kanina? Gosh! Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang number ni Abby pero cannot be reached.
"Tara na."
"Paano si Abby?" tanong ni Ronalyn.
"Tinext ko na sabi ko sumunod nalang."
"Sige."
Pero ang totoo hindi ko naman tinext si Abby na sumunod ang sinend ko sa kanya yung Address na sinend sakin ni Venson at sinabi ko na kung may mangyari man si Venson ang hanapin at kung di man ako makapag text sa kanya ng lagay namin within 5 hours. Kailangan na niyang tumawag ng pulis.
Sinabi ko lang sa kanina na pinasunod ko siya para di sila mag hinala. Kasi naisip ko na din na baka mamaya may maganap. At least may isa akong hawak para maligtas kami kung sakali.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...