Abby's POV:
Maaga akong nagising, maaga ng isang oras sa kadalasang gising ko. Nag ayos ako at nag handa na. Kailangan kong agahan dahil may kailangan akong kausapin ngayon. Kahit puyat ako kagabi kakaisip, Okay lang. Na realize ko na lahat, siguro nga naging selfish ako masyado.
Kinuha ko na ang bag at cellphone ko. In-on ko na ang cellphone ko. Ayaw ko kasing may tumatawag kasi ayaw ko sa lahat nakikipag usap sa cellphone. Nahihiya ako, di ko alam basta. Mas gusto ko pang text.
Tawag kasi ng tawag si Ellaine kagabi. Alam ko namang nag sasaya sila at hindi ako naka sama. Naka ilang tawag siya pinapatayan ko. Kaya ini-off ko nalang cellphone ko.
"Aalis ka na? Aga pa ah?"
"Opo ma, may aasikasuhin lang po. Bye!"
"Kumain ka muna!"
"Hindi na ma!"
Agad nakong lumabas ng bahay. Kukulitin na naman ako ni Mama eh.
Nag madali akong mag lakad papunta sa bahay niya. Alam ko masyado pang maaga. 6:12 am palang, Hahaha! Baka tulog pa yun. Bahala na, Kailangan ko na siyang maka usap eh.
Masaya akong nag lalakad papunta sa apartment niya pero kung ano kinasaya ko ganun din yung kabang nadarama ko. Huhu! Kaya mo yan Abby!
Nasa tapat nako ng pinto niya,
*Inhale* *exhale* *inhale* *exhale*
"Kaya mo yan Abby! Pwwehh!" pag che-cheer ko sa sarili ko.
*knock!knock!*
Wala pang nag bubukas.
*knock!knock!*
"S-Sino yan??"
Pag bukas niya ng pinto halatang kakagising lang niya. Pumupungay pa ang kanyang mata, naka pajama pa siya at gulo gulo pa ang buhok niya.
"Hmmm. Hi" mahinhin kong sabi.
Mukhang nagulat ata siya, kinusot kusot niya ang mata niya na parang di maka paniwala na nasa harap niya ko.
"A-Abby?" Nag tataka niyang tanong.
"Hmm. Ako nga." Nagulat ako ng bigla niyang sinarado ang pinto. Woohh!
Nagulat ako dahil medyo napalakas ang pag sara niya. Ayaw ba niya kong kausapin? Siguro nga galit siya sakin.
"Hmm.. Dwight... Gusto lang sana kitang kausapin. Please!"
Wala man lang response? -_-
"Please.. Can we talk? Kahit saglit lang oh. Alam ko galit ka sakin. Sorry, Sorry sa mga nasabi ko."
-------
Dwight's POV:
Nagising ako sa tunog ng kumakatok sa pinto. Ayoko pa sanang bumangon at wag nalang pansinin kung sino man yun. Pero ewan ko ba, Bakit ba hindi marunong sumunod yung katawan ko. Hays.
Agad akong lumabas sa kwarto at pinag buksan ng pinto kung sino mang istorbong nilalang yun.
"S-Sino yan??" Walang gana kong tanong na papikit pikit pa,
Inaantok pa ko eh."Hmmm. Hi" Nagulat ako sa nakita ko,kinusot kusot ko yung mata ko baka nanaginip lang ako.
"A-Abby?" Tanong ko.
"Hmm. Ako nga." Imbis na papasukin at kausapin. Sinarado ko agad ang pinto at napa sandal nalang dito. Hiningal ako kahit di naman ako tumakbo. Sobrang kaba yung nararamdaman ko.
"Tangina! Ang tanga mo Dwight!" Nasabi ko nalang sa sarili ko habang pinupokpok yung noo ko. Hays. Ang tanga tanga ko. Bakit ba sinaraduhan ko siya. So Rude Dwight! Maling mali.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...