Chapter 30: Volunteers

30 5 0
                                    

Marlou's POV:

"Oyy, JARLET Condolence sa nangyari kay Trixi ha. Okay lang yan kahit JARE nalang kayo. Haha!"

"HA-HA-HA! nakakatawa Marlou." sabi ni Ronalyn.

"Nako si manay naman beastmode na naman." Sabay hampas ko kay manay Ronalyn. Haha! Di ko alam pero ang sarap niya asarin.

"Aray! Bwisit ka talaga Marlou! Umalis ka nga sa harap ko."

"HAHA! sige manay bibigay ko sayo Bakya ni nanon."

"Tangina mo Marlou! Di ka aalis?" inis na sabi niya.

"Oo ito na nga oh. Wala si Abby?"

"Nakikita mo? Wala diba?" Aba! Taray ni Ellaine.

"Oo nga sabi ko nga. Nag tatanong lang eh." Pinuntahan ko nalang ang tatlong Maria.

"Oy tatlong Maria."

"Oh marlou?"

"Aga aga naka busangot yang mga mukha niyo."

"Nakaka badtrip kasi dapat di nalang tayo pumasok." Sabi ni Trixie Jane with matching irap pa aba.

"Dapat nga di nalang eh kahit kailan." Nanggigil na sabi ni Ria.

"Mga hinayupak kasi tong mga to. Pati Principal! Bakit pa tayo pinapapasok wala namang nag tuturo. Marami na ngang namatay eh." Inis na sabi ni Grace. Pano kasi, ayaw ipaalam ng principal sa nakakataas kung anong nangyayari sa 2nd section na may patayang nagaganap. Paano maari siyang mapatalsik. Damn! So selfish!

"Eh diba alam na to ng mga pulis?"

"Oo nga pero di na nakakarating sa pinaka nakakataas ang nangyayari dito. Hanggang sa mga pulis lang sa lugar na to."

"Okay lang yan! Sayang baon oyy" singit ko sa usapan.

"Nako Marlou!" Nagulat kami ng biglang sumulpot si Jessa.

"Oh Jessabels, Di ka sumama kahapon? Edi sana ikaw yung pinatay hahaha" pag bibiro ko.

"Tangina mo pala Marlou eh. Hahaha!"

"Sus, May date lang yan kay kupal kaya di sumama." Mataray na sabi ni Grace.

"Oo nga! Ge lang ganyan ka naman!" Pag sangayon naman ni TJ.

"Luh? Di ah. Sinamahan ko si Mama kahapon. Tska di ako pwedeng gabihin."

"Di pwedeng gabihin? Nako Don't us Jessa."

"Hahaha! Parang mga timang. Tampo na kayo niyan?"

Habang nag tatalo yung tatlo tinawag naman ako ni Ria.

"Marlou tara hayaan mo sila dyan mag away ,nood nalang tayo."

Kinain na kami ng sistema ng Kdrama. Sayang wala pa si Missy, Late na naman yun.

Paupo palang sana kami ni Ria ng biglang dumating ang adviser naming sobra sa kalinisan,ultimo napaka liliit na buhangin napapansin, wala ng lilinaw sa mata niya at ang cute niyang bangs. Woohh!

"Good Morning Ponce!" Ano ba yan pabitin sa pabitin ha? Mag uumpisa palang kami eh.

Agad namang transform ang mga kaklase ko. Kakaiba talaga ang PONCE. Sa patayan palang malupet na eh. Hahaha! Tanginis sino kaya sa mga to ang killers ! Woohhh! Ang lupet parang mga professional ang mga hampaslupa.

"Anong meron?" Sabi ni Ria na nasa tabi ko. Tinignan ko din kung saan siya naka tingin, sa labas pala. May ibang section na naka pila sa labas. Kasama ang mga adviser nila.

"Ponce, Condolence. May nalagas na naman sa section niyo kagabi. Sino ba kasing may sabing mag inuman kayo ng gabi? Alam niyo namang nanganganib mga buhay niyo diba? Hays. Wala ng panahon para mag sisihan. At kung sino man yung mga killer parang awa nyo na! Tsk. Mga demonyo na ba talaga kayo." Dahdahdah! Tama na sermon Ma'am. Tahimik lang ang mga kaklase ko.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon