Chapter 38: Deal

31 4 0
                                    

Neil's POV:

"Ano ba talagang kailangan mo samin?" Inis kong tanong sa lalaking nasa harap namin.

"Ayaw ko ng mag pa ligoy-ligoy pa, May iaalok ako sa inyo."

"Ano naman? Beauty product ba yan? Pero sorry we're not interested." Sabi naman ni Green.

"Oh! Not a product, but it may help you and your lovely companion." Hanu daw? Pinag sasabi nito? At sinong tinutukoy niya? Nag ka tinginan naman kami ni Green.

"What do you mean? " sabi niya na katulad ko e nag tataka.

"Alam ko namang inis kayo sa boyfriend ng Kababata niyo at alam niyo din siguro yung tungkol sa nangyayare sa section nila. At hindi kayo mapanatag kasi baka, Anytime makita niyo na lang siyang isa ng malamig na bangkay." Dahil sa sinabi niya nagulat ako. Ang tagal bago mag sink in lahat ng sinabi niya sa utak ko. Tinignan ko si Green, pero seryoso lang ito.

"Ano ba talagang kailangan mo? At paano mo naman nalaman ang mga yan?!" Nagulat ako ng mag salita na si Green at halatang nag pipigil ng galit. Tinignan lang siya ng lalaki at ngumiti. Sabay lagok ng huling laman ng baso niya.

"Masyadong maingay dito. Siguro tska nalang natin pag usapan. Sa maayos na lugar." Tumayo ito at nag lapag ng isang card sa lamesa namin.

"Just call me, At mag set narin kayo kung kailan at saan." Hindi na kami naka kibo ni Green hanggang sa makalabas siya ng bar. Kinuha ko yung iniwan niyang card.

Mr. Jay Evans D.C Imperial

Yan yung nabasa ko at phone number niya sa baba.

----------------------------

2 weeks na ang lumipas after that incident kung saan nakausap namin ang misteryosong lalaking yun sa bar. Simula noon halos di na ko makatulog ng maayos. Ewan ko kung pati si Green kasi inaalala ko yung mga sinabi ng lalaking yun. Hays. Hindi namin binanggit ang tungkol dun kay Tin at Dalia lalo na kay Abby. Dahil O.A pa naman yung mga yun.

Nandito ako sa sala nila Green. Yes, Simula ng dumating kami ng pinas dito muna kami tumira sa pinsan ko. Last week umuwi na parents naming apat sa Canada. Dahil tapos na yung leave nila sa trabaho nila. Kaya kami nalang naiwan dito pero babalik din kami ng Canada sa March. Susulitin na namin ang bakasyon naming apat.

Dina-dial ko ngayon yung number na binigay nung lalaki. Dahil ngayon yung araw na mag uusap kami about sa sinasabi niya. Dapat last week pa pero busy daw siya. Kaya ngayon lang yung bagong pag set.

Pababa ng hagdan si Green at halatang kakagising pa lang niya.

"Good Morning chong!" Sigaw ko sa kanya.

"Morneng..." pahikab hikab pa niyang tugon At umupo sa tabi ko. Kinuha niya yung remote at nilipat yung channel.

"So rude! Nanonood ako e." Inis kong sabi kahit di naman talaga ko nanonood.

"I don't care." Abaa!

"Hoy! Nag text na yung Evans."

"Oh anong sabi?"

"Ayun sabi tuloy daw mamaya. Tinext na niya sakin kung anong oras at saan."

"Okay."

"Yan lang reaksyon mo?"

"Eh ano ba dapat? Mag tatalon ako dito sa tuwa kasi sa wakas makaka usap na natin siya?"

"Dude...." mahinahon kong sabi sabay hawak sa balikat niya.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon