Chapter 31: Her Boyfriend

44 5 0
                                    

3rd person's POV:

Earlier...

"Alam kong may binabalak ka Ms. Class president." Sabi ng dalaga sa kanyang sarili. Maaga itong pumasok at dumiretso sa library. Pumunta ito sa Mga YearBooks at kinuha ang Year Book s.y 2011-2012. Agad niya ito nilagay sa kanyang bag at umalis na hindi napapansin ng librarian.

Habang nag lalakad nag ring ang kanyang cellphone kaya agad niya itong sinagot.

"Hello, oh anong balita?"

"Ma'am okay na po, Nabigay na namin ang ticket."

"Good. Thank you." Agad niyang inend ang tawag at dinial ang isang naka save na number sa kanyang cellphone.

"Good morning, Master."

"Oh, Bakit napatawag ka?"

"Nais ko lang pong sabihin na okay na,Napadala na po ang ticket." Sakto naman niyang nakita si Ma'am Sugay ay palabas na ng FCA kasama ang mga anak.

"Actually master, Paalis na sila."

"Good! Good! Good!"

"Ahh, Master bakit ba ayaw niyong patayin nalang namin ang teacher na yun, Tsk. Para di na niya kailangan mag paka saya pa sa ibang lugar."

"Stupid! Wag niyong gagalawin ang taong yun! Kahit ganun eh, naging mabuti siya kay Zandra. At wala kang karapatang mag dikta kung anong dapat gawin at kwestyunin ang mga ginagawa ko! Ako ang amo mo! Kaya wag kang umasta ng ganya."

"S-sorry po master."

"Tandaan mo! Hawak ko parin ang buhay ng pamilya mo!"

Sobrang kaba ang naramdaman ng dalaga kaya inend na niya ang tawag at dumiretso na sa kanyang classroom.

-----

Missy's POV:

Matapos ang mga narinig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto ng sumabog ng utak ko sa sobrang daming iniisip.

Bumalik ako sa classroom ng tahimik.

"Missy okay ka lang ba?" Tanong ni Marlou.

"Ahh. Oo.." Sana wala na, Sana wala ng isunod.

Nagulat kaming dalawa ni Marlou ng biglang sumulpot si Ellaine sa harapan namin kasama si Jamie.

"A-Ah. Missy, Balak sana naming dumalaw sa burol nila Trixi at Francis Bukas pag ka uwian. Gusto sana naming tayong lahat sana. Na kahit sa kanilang dalawa man lang maka bisita tayo."

Kasama ang pumatay sa kanila? Nice! -_-

"Sige, Aannounce ko mamaya." Hays. Sa sobrang dami kong iniisip din ko na naisip na dalawin sila. Naalala ko na naman ang itsura nilang dalawa na nasa loob ng banyo at naka bigti. Sorry Sa inyong lahat, Wala akong nagawa para maligtas kayo. Biglang umihip ang malakas na hangin mula sa bintana.

"Eww. Ang creepy ha." Sabi ni Marlou habang yakap ang sarili niya nasa tabi ko si Marlou habang nasa likod ko naman sila Grace, Ria, TJ at Jessa. Pinag kwe-kwentuhan ang nangyari kagabi, dahil wala nga si Jessa.

Tinignan ko din sila Abby, Nag kwekwentuhan din sila nila Ronalyn,Ellaine at Jamie. Kawawa naman sila nalagasan na ng Dalawa. Kami nga Tatlo eh. Hays. Lowell,Adrian at Rizz miss ko na kayo. Tulungan niyo naman ako oh.

------

"Missy! Missy! Tulong! Tulungan mo kami!"

Nakita ko ang mga kaklase kong wala na. Halos lahat sila mag kakahawak kamay na naka paikot. Napaka dilim, sila lang ang nakikita ko.

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon