Chapter 7: You Deserve That

93 6 1
                                    

Gulong gulo na ang buong 2nd section sa mga nangyayari. Hindi nila alam kung sino ang gumawa nito sa kanilang mga kaklase. Wala silang idea kung sino ang gumagawa nito at ano ang motibo. Kailangan lang nilang mag doble ingat sa mga panahong ito. Lalo na di nila alam kung ano bang nagaganap at nangyayari bakit sunod sunod ang pagkamatay ng kanilang mga kaklase. 

"Bakit nangyayari to?" Malungkot na tanong ni Abby.

"May mga bagay kasing hindi na napipigilang mangyari." Mahinang sabi ni Jaylan.

"Lahat ng bagay may dahilan." Singit ni Beo.

"Ano namang dahilan nung killer para patayin silang apat?" Tanong ni Ronalyn.

"Hindi natin masasabi, siguro napaka bigat na dahilan nun kaya niya nagawang pumatay." Sagot ni Beo.

"Niya? O baka sila? Hindi naman siguro kakayanin ng isang tao lang gawin yung mga bagay na to diba?" Sabat ni Abby pero walang imik ang kanyang mga kasama.

"Kailangan nalang nating mag ingat." Sabi naman ni Trixi na halatang stress na stress na.

"Jamie... Wag kang hihiwalay sakin ha? Kailangan mag kasama lang tayo." Nag aalalang sabi ni Ellaine sa kanyang best friend na si Jamie habang naka kapit ito sa kanyang braso.

"Nako! Ellaine...."

Maya maya may biglang dumating na isang Grade 7 student sa kanilang classroom.

"Ahhmm. Excuse me po, Sino po ba si Monalisa?"

"Ito po.." pag tuturo ni Roxxane kay Monalisa na nag ma-make up pa.

"Bakit?"

"Pinapatawag ka po ni Ma'am Agnes sa Science Lab."

"Ay bakit daw?"

"Hindi ko po alam e."

"Sige punta na ko wait lang."

"Sige po." at agad ng umalis ang bata.

"Uy, Roxxane samahan mo ko!"

"Ayoko nga ikaw nalang ang init init eh."

"Dali na ito eh."

"Bahala ka. Ikaw na lang laki laki mo na!"

"Hindi kita ililibre mamaya."

"Edi wag."

"Ok fine!" napa irap nalang siya sa kawalan.

Napilitang umalis si Monalisa mag isa. Dumiretso ito sa Science Lab. Pero hindi niya nakita ang kanyang guro. Maya maya nilibot niya ang buong science laboratory at tinitignan ang mga kakaibang gamit. Nang bigla nalang sumulpot ang isang babae.

"Hi Mona."

"Ay! Kabayo!..."

"Oy! Hindi ako kabayo noh!Hahaha"

"Hahaha. Sorry naman, Ginagawa mo dito? Nakita mo ba si Ma'am Agnes dito? Pinapatawag kasi ako eh."

"Ah. Wala eh, di ko siya napansin dito mula kanina."

"Ah ganun ba? Pinag loloko ata ako nung bata na yun e. Sige alis na ko." Pero bago pa maka alis si Monalisa pinigilan na ito ng babae. Dahil sa kanyang plano.

"Mona wait! Hindi mo pa ba hihintayin si ma'am?"

"Hindi na. Baka pumunta din naman ng room yun."

Tumalikod na ito sa kanya.

"Mona wait!"

"Oh?" Nag tatakang humarap ulit si Mona sa kanya na naka taas ang isang kilay.

"Take this." pag harap ni Monalisa ay binuhusan siya ng isang chemical na nakuha ng babae sa loob ng laboratory. Agad na sunog ang mukha ni Monalisa ininda niya ng sobra ang hapdi at sakit. Lumulobo na ang balat nito sa mukha. Pati na din sa ibang parte ng katawan niya na natalsikan ng kemikal. Sigaw lang siya ng sigaw habang nakahandusay sa sahig hawak ang mukha niya na akala mo na sasapian habang tawa naman ng tawa ang babae.

"Masyado ka kasing mag make up. Na iirita ko sayo. You deserve that!" Inis na sabi ng babae

Tanging sigaw at inda ng sakit nalang ang response ni Monalisa sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang kutsilyo sa kaniyang bulsa at isinaksak ito sa puso ni Monalisa agad itong nawalan ng buhay. Hindi pa nakontento at ginilitan pa niya sa leeg at sinugatan sa kanyang pulso. Kumuha siya ng isang babasagin na bagay at ibinato ito ng napakalakas sa ulo ni monalisa. Nag kalat ang napakaraming dugo sa sahig ng science lab. Agad siyang pumunta sa Cr ng Lab at dun hinugasan at binihisan ang sarili. Dali dali naman siyang lumabas sa science lab ng may galak sa mukha. Agad  siyang pumunta sa kanilang classroom na parang walang nangyari.

"Oh. Saan ka galing?" tanong ni missy dito.

"Ah. Wala nag Cr lang." At ngumiti ito ng napaka inosente.

"Okay gulat kami bigla kang nawala e"

------

Agad na nakarating sa 2nd section ang nangyari kay Monalisa. Agad naman rumispunde ang mga pulis at investigation team.

Agad nilapitan nila Roxxane si ma'am Agnes. Dahil ito daw ang nag patawag kay Monalisa sa Science Lab.

"Ma'am  diba po kayo po ang nag patawag kay Mona?"

"Ha? Anong ako?"

"May pumunta po kasing Grade 7 student sa room kanina at sinabi na pinapatawag niyo daw po si Mona."

"Paano mo nalaman na Grade 7 yun?" sabat ni Darline.

"Dahil sa ID niya color green"

"Ahhh oo nga"

"What? Nasa kalagitnaan kami ng meeting with the faculty members. At ano namang dahilan ko para ipatawag siya kung pwede ko naman siyang puntahan okaya bakit sa science lab pa kung pwede naman sa faculty diba? Tska alam niyo namang bihira na buksan ang Science Lab." sagot ng kanilang guro.

Dahil sa  mga narinig ni Roxxane sa kanyang guro, agad siyang tumakbo palayo.

"Hoy! Roxxane!" sigaw ni Darline.

"Ma'am excuse po, sorry po sa inasal ni Roxxane. Habulin lang po namin siya." pag papaumanhin ni Krista.

"Hoy! Roxxane saan ka ba pupunta? At tinalikuran mo pa si ma'am?" sigaw ni Nimfa.

Agad namang tumigil si Roxxane sa pag takbo at kinausap sila.

"Kailangan nating hanapin yung bata"
Dahil sa sinabi ni Roxxane nag ka titigan ang tatlo.

"Oo sige tara."

Agad naman hinagilap nila ang batang tumawag kay Monalisa sa kanilang room kanina. Kasalukuyan silang nasa kabilang building kung saan ang room ng mga Grade 7 students. Sa di inaasahan nakita nila ito sa may Canteen kasama ang kanyang mga kaklase.

"Bata!" agad naman nag tinginan ang ibang mga tao sa paligid.

"Ako po ba?"

"Oo ikaw,  diba ikaw yung tumawag kay Monalisa kanina na sabi mo e pinapatawag ni ma'am sa Science Lab?"

"Ah opo."

"Si Ma'am ba talaga nag patawag sayo? "

"Ah hindi po, habang pabalik na po kasi ko sa building kanina. May nakasalubong po akong lalaki. Madami po kasi siyang bitbit. Tapos naki usap po siya sakin kung pwede ko daw bang ipatawag si Monalisa daw po e. Tapos sabihin ko daw pinapapunta po daw ni Ma'am Agnes sa science lab. Ayun po"

"ha?  Lalaki? "

"opo"

"naalala mo ba siya?"

"Siguro po pag nakita ko siya ulit mamumukhaan ko, pero naka hoodie jacket po kasi siya. Kaya kung makikilala ko po siya kapag naka hoodie po ulit siya. Tska parang nerd po ang datingan."

"Student ba siya dito sa FCA?"

"Ay tingin ko po hindi.  Kasi naka civilian siya, naka riped jeans pa po. Tska ang age po siguro niya mga nasa 25-30. Kaya nakakasiguro po ako na di po siya nag aaral dito."

"Paano mo naman nasabi?  Malay mo transferee o kaya nag balik lang ng grade kaya may edad na."
Sabat naman ni Krista na sinaway bigla ni Darline.

"Ay ayan po ang di ko alam"

--------

The 2nd SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon