Missy's POV:
Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko, gulong gulo ang isip ko. Pag katapos ng usapang iyon, umuwi na din kami. Sinabay ko na din sila Grace at Tj.
Nandito ako sa kwarto napa bagsak nalang ako sa kama. Ang gulo gulo, Nakaka stress. Pumikit ako saglit para naman mapakalma ang sarili ko. Pero biglang may pumasok na kung ano sa isip ko.
"Damn!" Bulalas ko.
"Mayygaddd! Siyaaaa siya yung lalaki,Siya yun!" Parang tanga na kinakausap ko ang sarili ko.
Unti unti na kong nalilinawan. Kinuha ko ang cellphone ko at susi ng kotse ko. Dali dali ako bumaba ng hagdan.
"Oh? Aalis ka na naman? Kakadating mo lang ah."
"Opo mommy may pupuntahan lang po ako, uwi ako agad."
"Sige ingat ka."
Nag tatakbo ako papunta sa kotse ko at dali dali ko itong pinaandar. Kailangan kong ma-confirm kung tama nga ang hinala ko.
Nag drive ako papunta sa bahay niya.Pero pababa na sana ko ng makita ko ang kotse niyang paalis. Kaya sinundan ko siya. Huminto siya sa isang flower shop kaya huminto muna ko sa di kalayuan baka mahalata niya ko at nag masid lang ako sa kanya. Maya maya bumalik din siya sa kotse niya dala ang isang bouquet ng white rose. Sinundan ko ulit siya, medyo malayo narin ang narating namin. Hindi ako masyadong malapit sa kotse niya baka mahalata ako. Nagulat ako ng huminto na siya at nag park. Nag park na din ako pero hinintay kong mauna siyang maka lakad. Kinuha ko ang cap na nasa loob ng kotse ko at sinuot iyon. Dinala ko din ang cellphone ko,At agad siyang sinundan. Ngayon ko lang napag tanto na nasa sementeryo pala kami, dahil sa mga puntod na nandito. Anong ginagawa niya dito?
Hinanap ko siya atdiretso lang siyang naglalakad. Nakaka hiya para akong stalker niya. Pshh. Keri lang to, para sa ekonomiya. Tuloy parin siya sa pag lakad maya maya ay huminto din siya sa isang puntod. Pinag mamasdan ko lang siya.
Naka tago ako sa isang puno nagulat ako ng may biglang nag takip ng bibig ko. Wtf! Who are you!?
"Kung ano man ang nalalaman mo, manahimik ka nalang. Mabuti ng kalimutan ang nakaraan. Kesa paulit ulit pa itong balikan." Boses ng isang lalaki. Binitawan din niya ko agad.
Pag tingin ko sa likod ko wala na siya. Damn! Sino yun? Nanginginig akong napaatras at napasandal sa puno habang naka lagay ang kamay ko sa dibdib kong sobrang bilis ng pag tibok. Sino siya? at anong Kalimutan? Eh kung siya mismo ang bumabalik ngayon sa kasalukuyan?
Tinignan ko ulit ang sinusundan ko kanina pero paalis na siya. Hinintay kong makalayo siya.
Nilapitan ko agad ang puntod na pinuntahan niya.
Agad kong binasa kung sino ang nakalibing doon. Damn! Hindi nga ko nag kakamali.
"Tama ako." Napangiti nalang ako, Ang galing ko talaga. Now malinaw na sakin. Kailangan ko nalang ma kompirma, mula sa kanya mismo. Hindi muna sa ngayon. Kailangan ko munang umuwi at mag pahinga. Masyado akong napagod hindi lang katawan ko pati ang isip ko.
Pero sino kaya ang lalaki kanina na nag takip ng bibig ko at bumulong sakin.
-----
Monday
Hindi ko alam kung papasok ba ko o hindi. Parang gusto ko siyang puntahan para ma-confirm ko na kung totoo o hindi. Napabangon ako sa kama at nag ayos ako agad. Sinuot ang uniform at nag handa na. Kinuha ko ang susi ng kotse at sinukbit ang bag ko. Dali daling bumaba ng hagdan at hindi nako kakain, Bahala na.
"Missy! Oh? Aalis ka na? Kumain ka muna." Narinig kong sigaw ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.
Pumunta ako sa kotse ko at pinaandar ito. Kailangan kong mag madali baka hindi ko siya maabutan.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...