Abby's POV:
Monday
Pauwi nako galing school. Ayokong pumasok pero kailangan. Akala ko susunduin ako ni Dwight pero umasa lang pala ko. Sinusundo niya kasi ako lagi. Pero busy siguro yun pero nakaka inis di man lang nag text o tumawag. Nag hintay lang ako sa wala. Galing ako sa tita ko dahil may pinahatid si Mama kaya dinaan ko muna after class. Napatingin ako sa wrist watch ko, 5:30 na at medyo dumidilim na. Nakakatakot mag lakad pero okay lang. I can handle my fvckng self.
Habang nag lalakad ako nararamdaman kong parang may sumusunod sakin. Hindi ko lang pinapansin pero habang tumatagal parang papalapit siya ng papalapit. Ang dilim pa naman, Shet! Nilagay ko sa bulsa ko ang kamay ko at hinawakan ang kutsilyo. Ready ako noh, napakapit ako sa bag ko at Binilisan ko ang pag lakad.
Nagulat ako ng biglang may nag takip ng bibig ko. Damn! Isa ba siya sa mga killers? Ako na ba ang isusunod? Katapusan ko na ba? Akala ko ba tapos na? Hindi pa ba? Shet! Hindi ako naka kilos, Nanginginig ako, Nanlalamig ako, Sobrang kabog ng dibdib ko. Help!
Kahit pala anong tapang mo at pagiging handa mo. Pag nasa sitwasyon ka na. Para ka ng dahon ng maka hiyang titiklop nalang bigla.
"Hi Abs." Malambing niyang bati na ikinagulat ko.
Tinanggal niya ang pag kakatakip ng kamay niya sa bibig ko at pinakawalan ako. Agad akong humarap at naka yuko siya, naka lagay ang kamay niya sa bulsa ng Jacket niyang itim at naka suot ang hood nito. Hindi naman siya si Dwight. Hindi ko din siya makilala, Sino ba siya?
"S-Sino ka?" Utal utal kong sabi. Pero imbis na sagutin ako tumatawa lang siya na parang nababaliw, naka yuko parin siya kaya hindi ko parin makita yung itsura niya. Pero matapos ang nakakalokong tawa, nag salita din siya.
"Hindi ako sinuka, inire ako. Hahaha Ganyan ka ba? Kinalimutan mo na ko ah."
"H-Ha? Sino ka ba kasi? Anong kailangan mo sakin?" Matapang kong tanong pero parang gusto ko nalang tumakbo palayo pero di ko magawa.
"Abs nemen! Sabing inire ako hindi ako sinuka. Hahaha, Miss me?" Bigla niyang inangat ang ulo niya at tinanggal yung hood niya. Literal akong napanganga ng makilala ko kung sino siya.
"G-Green? Berde? Ikaw ba yan?!"
"Yeah! Ang nag iisang gwapo sa planetang to." Mayabang na sabi niya, Sabay hawi niya sa blonde niyang buhok. Kahit may nag bago na sa kanya, nakilala ko parin siya.
Hindi ko na napigilang yakapin siya. I miss him so much. 2 years na simula nung huli kaming nag kita. Hindi ko na rin siya nakausap nun. Dahil nawalan kami ng communication sa isa't isa.
"Siraulo ka! Papatayin mo ba ko sa kaba!" sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Kailan ka pa naka balik?" dugtong ko pa.
"Mamaya na yang mga tanong na yan. Tara!" Hinila niya ko at nag lakad kami papunta sa malapit na 7/11.
"Dahil ang gwapo gwapo ko, Ililibre kita. Ngayon! Ngayon lang. Sa susunod ikaw na!"
"Aba! Aba! Ang lakas mo ah. Ikaw nga dapat ang bumawi sakin eh."
"Ito na nga diba?! Tsk. Maupo ka na nga dun." Irita niyang sabi sabay hawi na naman ng buhok niya. Di parin siya nag babago, siya parin yung berde kong kaibigan. Hindi siya alien or what kaya berde o green. Pangalan niya lang talaga Green.
Pumunta ako sa lamesa inilapag ko yung bag ko at kinapa ko ang bulsa ko. Tinakot niya ko, Paano? Paano kung nasaksak ko siya? Pshh! Gago kasi. Kinuha ko ang kutsilyo at inilagay sa bag ko. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Mama para ipaalam na ma la-late ako ng uwi.
BINABASA MO ANG
The 2nd Section
Mystery / ThrillerMay magagawa nga ba ang pag hihiganti? Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Lahat ay may dahilan at pinagmulan. May mga di mapaliwanag, ngunit may ibang lantad. Mga nakakapag taka, ngunit kakaiba. May mga nakakamangha ngunit mayroon din na mahih...